Sarah Geronimo: "Alam ko po ang limitations ko. Hindi po ako biritera."

"Ako po, alam ko genre ko, alam ko po ang limitations ko. Hindi po ako biritera. At pinakiusap ko rin... Sana po maintindihan nila na ang lalamunan ko ay hindi kasing tindi ng lalamunan nila Charice, Rachel [Ann Go], Angeline [Quinto], at Ms. Regine [Velasquez]," says Sarah Geronimo as she explains why she did not have a production number with Angeline Quinto last Sunday, March 20 on ASAP Rocks.


Pinabulaanan ni Sarah Geronimo ang bali-balitang ayaw na niyang makasama sa isang production number ang Star Power winner na si Angeline Quinto.

Sa panayam kanina ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Popstar Princess, ipinaliwanag niya kung bakit hindi sila magkasamang nag-perform ni Angeline sa ASAP Rocks noong nakaraang Linggo, Marso 20. Ilang linggo na ring magkasamang kumakanta sina Angeline at Sarah sa production numbers sa Sunday variety show ng ABS-CBN.

"Last Sunday po, mapapansin ninyo na isang number lang po ang ginawa ko at LS pa 'yon dahil sobrang pagod talaga ang boses ko sa shooting. Wala po talaga kaming tulog.

"So, ayun po, nakiusap po ako sa ASAP staff na bawasan 'yong numbers ko muna kasi talagang paos-paos ako noong mga panahong iyon," sabi ni Sarah sa interbyu sa kanya ng media pagkatapos ng grand press conference ng Catch Me... I'm in Love sa Sentosa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Itinanggi rin ni Sarah na nagiging insecure na siya sa tuwing magkasama sila ni Angeline. Aniya, "Hindi ho ako insecure, naniniwala po ako na magaling si Angeline at belter po talaga siya."

"Ako po, alam ko genre ko, alam ko po ang limitations ko. Hindi po ako biritera. At pinakiusap ko rin... Sana po maintindihan nila na ang lalamunan ko ay hindi kasing tindi ng lalamunan nila Charice, Rachel [Ann Go], Angeline, at Ms. Regine [Velasquez]."

Kaugnay nito, inamin ni Sarah na, "Ako po, personally, hindi ho ako kumportable na gumagawa kami ng number ni Angeline na para kaming pinagsho-showdown, para kaming nagko-contest. At na-i-voice out ko na po 'yon sa kanila [sa ASAP]."

Sina Sarah at Angeline ay naging magkatunggali noon sa Star For A Night, ang singing competition ng Viva Entertainment sa IBC-13 noong 2002.

NOT DEMANDING. Hindi ito ang unang pagkakataon na lumabas ang isyu na nagiging demanding umano si Sarah sa kanyang mga makakasama sa production number sa ASAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariin namang itinanggi ito ni Sarah. Ngunit inamin niya na may mga pagkakataon na humihiling siya sa staff ng ASAP.

"May mga requests po ako dahil may dahilan po," sabi ng 22-year-old singer-actress.

Dagdag pa niya, "Hindi po 'yon sa pag-iinarte po. Nakikiusap naman po ako nang maayos. 'Yong sa nangyari po noon, naniniwala naman po ako na naiintindihan po ako ng ASAP.

"Ilagay niyo naman po ang sarili niyo sa posisyon ko, hindi ho madali para sa akin. Kung matagal na ho ako sa business na ito, siguro madaling-madali lang.

"Kayang-kaya kong harapin ang lahat na parang walang nangyari. Pero ito po ako, e, at sa maayos na paraan ko naman dinadaan lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN