Aljur Abrenica not courting Kylie Padilla but admits she inspires him; reacts to news that Bela Padilla has a crush on him

"Si Kylie kasi napalapit na sa akin at special siya sa akin. Special siyang kaibigan na, oo, totoo, lumalabas kami, nagkakasama kami, kumakain kami sa labas. Kumbaga, mas nag-e-enjoy lang kami ngayon sa company ng isa't isa," says Aljur Abrenica about Kylie Padilla.


Isini-celebrate ni Aljur Abrenica ang kanyang 21st birthday ngayong araw, March 24. Balak daw ng kanyang ama na si Alfonso Abrenica Jr. na magkaroon mamayang gabi ng konting handaan at mini-concert sa Ichiban bar sa kanilang resort sa Batangas.

"Mga malalapit na kaibigan lang ang imbitado, pero bahala na ang daddy ko dun. Siguro kung marami ang darating, hindi lang mini-concert yun, baka marami na ang sasali," kuwento ng young actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

SPECIAL FRIEND. Isa raw sa espesyal kay Aljur na iimbitahin niya ay si Kylie Padilla, na patuloy pa ring nali-link sa kanya.

Kahit anong kulit namin kung ano na talaga ang namamagitan sa kanila ni Kylie, consistent pa rin ang sagot ni Aljur na "friends" lang daw talaga sila.

Pero aminado naman ang young actor na iba na ang closeness nila dahil madalas nga silang magkasama.

"Si Kylie kasi napalapit na sa akin at special siya sa akin. Special siyang kaibigan na, oo, totoo, lumalabas kami, nagkakasama kami, kumakain kami sa labas. Kumbaga, mas nag-e-enjoy lang kami ngayon sa company ng isa't isa," pahayag nito.

Minsan ay dumadalaw daw siya kay Kylie. Nagkakilala na raw sila ng ama nito na si Robin Padilla nang naimbitahan siya sa birthday party ng action star. Mabait naman daw ito sa kanya, pero hindi raw niya masabi kung boto ba ito sa kanya. Si Robin na lang daw ang tanungin.

May mga ilan pang kuwentong nakarating sa amin at nilinaw ng PEP kay Aljur kung totoo ba ito.

Sa mall show ng katatapos na primetime series ni Aljur na Machete sa SM Marilao, may nakakita raw kay Kylie na nandun. Ang duda ng karamihan ay kasama niya ito, pero hindi lang nagpakita sa mga kasamahan ni Aljur.

"Wala po," tanggi ni Aljur. "Wala naman, pag trabaho talaga, hindi kami nagkikita ni Kakay [tawag niya kay Kylie]. Pag trabaho kasi, busy din siya. May mga workshop siya, nagdyi- gym pa siya, may mga lessons siyang pinag-aaralan siyempre. Nagma- martial [arts] din siya... Yung mga trabaho namin, pag trabaho, walang sumasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinatanggi rin ng young actor na nanliligaw siya kay Kylie. Pero aminado siyang isa ito sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

"Basta, masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, sa mga blessing na dumarating," pakli nito.

Pero in love ba siya ngayon?

"Hindi ko masabing in love talaga, e, pero tingnan natin. Hindi ko masabi talaga, e. Sasabihin ko naman sa inyo," sagot ni Aljur.

"Inspired, oo! Yun ang tama, inspired ako," dagdag pa nito.

Isa ba si Kylie sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya?

"Isa na rin siya sa nagbibigay inspirasyon sa akin ngayon," mabilis na sagot ni Aljur.

BELA PADILLA. Ang isa pang conflict sa kuwentong ito, inamin din ni Bela Padilla na crush niya si Aljur.

Nakausap ng PEP si Bela sa Thanksgiving mass para sa Machete na ginanap sa Studio 1 ng GMA-7 kahapon, March 23. Tinanong namin si Bela sa isyung na-develop na raw ito sa leading man niya sa Machete.

"Actually, hindi ko alam, e. Na kay Aljur 'yan," ang sabi niya at tumawa. "Hindi ko alam, nakikita ko naman na mabait siya. Parang yung traits na hinahanap ko naman sa isang guy, na kay Aljur naman. Nagkakasundo naman kami.

"Let's see. Masyadong maiksi yung eight weeks para may ma-develop, parang maiksi sa akin. Gusto ko mga one year akong liligawan!" tawa niya ulit.

Dagdag niya, "Hindi mo naman madi-deny na sobra talagang guwapo ni Aljur at ang ganda-ganda ng katawan niya. Kahit sino naman magkaka-crush sa kanya. Oo, crush ko si Aljur, pero hanggang dun lang yun!"

Ipinarating namin kay Aljur ang pag-amin ni Bela na crush siya nito; matagal bago ito nakasagot.

"Umamin si Bela?" tanong sa amin ni Aljur. "Naging crush ko rin naman siya at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na crush niya rin pala ako," dagdag niyang sagot na parang nahihiya pa dahil namumula na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, nai-enjoy namin yung company ng isa't isa. Sa totoo lang, basta may mga sikreto kami. Dahil dun, yung friendship namin, mas lumalim pa talaga.

"Si Bela sobrang tapat, totoong tao, honest siya. Nagpapasalamat ako sa kanya, thankful ako kay Bela, kasi yung tiwala niya sa akin, nandun, e, yung binigay niya sa akin."

Hindi na ibinahagi ni Aljur sa amin kung ano yung secret nila ni Bela. Ayaw din kaming sagutin kung si Kylie—na kamag-anak ni Bela—ang sinasabi nilang "secret."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN