Renz Fernandez plunges into showbiz; teams up with Kim Chiu on Your Song

Renz Fernandez admits people will expect a lot from him, being the son of well-known actors Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez. But Renz says he entered showbiz because, "Gusto ko lang po sila i-honor sa ginagawa ko. At gusto kong ipagpatuloy ang legacy ng tatay ko at 'yong patuloy na legacy sa nangyayari sa nanay ko."


Tinupad muna ni Renz Fernandez ang kanyang pangako sa yumaong ama, ang action star na si Rudy Fernandez, bago siya sumabak sa showbiz.

Ngayon tapos na siya ng kursong Pilosopiya, susubukan ng bunsong anak ni Lorna Tolentino ang pag-arte sa pamamagitan ng pagtatambal nila ni Kim Chiu sa huling episode ng Your Song Presents Kim sa darating na Linggo, March 27.

"Nakatapos na po kasi ako ng pag-aaral noong Oktubre at nag-promise po ako sa tatay ko na tatapusin ko muna ang pag-aaral bago ko ito gawin. So, ayun po, ngayong natapos ko na, gusto ko nang gawin," dagdag na pahayag pa ni Renz sa media junket na inihanda para sa kanya kahapon, Marso 24, sa White House restaurant, Eugenio Lopez Drive, sa Quezon City.

Ayon kay Renz, "Bata pa lang, pangarap ko na ang mag-artista."

Pero dahil nga sa hiling ng kanyang ama na makatapos muna ng pag-aaral, hindi niya muna pinasok ang mundo ng showbiz.

"Tama ang ginawa niya kasi, ngayon, mas may disiplina ako, kaya kong mag-focus," sabi ni Renz.

Bagamat kilalang mga aktor ang kanyang magulang, aminado si Renz na, "Hindi po ako eksperto pa, nasa proseso pa lang ako ng pag-aaral."

Kaya naman bilang panimula, humingi agad siya ng tulong upang mapahusay pa ang kanyang pag-arte.

"Noong naka-graduate ako, nag-training ako agad. Nag-workshop ako kay Direk Laurice Guillen. Pero masasabi ko na kailangan ko pa ng practice siyempre. Baguhan lang naman po kasi ako," kwento ni Renz. Si Direk Laurice ay matalik na kaibigan ng mga magulang ni Renz.

ANOTHER SON OF DABOY IN SHOWBIZ. Bago si Renz, una nang pumasok sa showbiz ang kanyang kuya na si Raphe Fernandez. Isa siya sa mga kasama ni Gerald Anderson sa weekly show na Buhawi Jack.

At tulad ng ibang magkakapatid na pumapasok sa showbiz, hindi naiwasan na tanungin si Renz kung ano ang magiging kaibahan niya sa kanyang Kuya Raphe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwelang sumagot si Renz, "Magkaibang tao po kami ni kuya. Ang mga strengths ko, weakness niya, and ang mga weakness ko, strengths niya naman. Like, sabihin natin, mas maliit ang tiyan ko, okay, Kuya? Pero kung pag-uusapan natin mga creative na bagay, pagsusulat at kung anu-ano, si kuya ang tao para doon."

Bukod dito, aminado rin si Renz na hindi maiiwasang magkaroon ng expectations ang mga tao sa kanya dahil anak siya nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

"Hindi ko po maaalis 'yon," sabi niya. Sabay sabi na sa kanyang pag-arte, "Gusto ko lang po sila i-honor sa ginagawa ko. At gusto kong ipagpatuloy ang legacy ng tatay ko at 'yong patuloy na legacy sa nangyayari sa nanay ko."

Dagdag pa ni Renz, sa halip na ma-pressure sa mga iisipin ng ibang tao, itutuon na lamang raw niya ang kanyang oras sa trabaho.

"Ayaw ko na lang isipin. Ayaw ko nang mag-worry. Gusto ko na lang isipin ang trabaho ko at 'yon ang kailangan kong gawin. Kung 'yon ang iisipin ko, masisira ang lalabas."

Samantala, nang tanungin naman siya kung ano sa tingin niya ang mga katangian na namana niya sa kanyang magulang, napangiti siya at sinabing, "Sana makuha ko lahat ng good assets nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN