Jon Hall and Michelle Madrigal explain their breakup: "We were fighting a lot."

"We argue all the time so we've decided better to stay friends before we [start to] hate each other," Jon Hall (picture above) explains why he and Michelle Madrigal broke up. "But being friends is hard at the moment..."


Live na sabay na nag-guest sina Jon Hall at Michelle Madrigal sa StarTalk TX kahapon, Sabado.

Dating magkasintahan ang dalawa at isang buwan na silang break.

Tinanong ng StarTalkTX host na si Mr. Ricky Lo kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

"We were fighting a lot," ang sagot ni Jon.

Over what?

"Nothing really... really maliliit na bagay so parang it was unhealthy," dagdag pang sinabi ni Jon.

Personal differences ba?

"I guess, siguro po," ang naging sagot naman ni Michelle.

Masasabi bang naging dahilan rin ang madalas [o araw-araw] nilang pagsasama noon sa Survivor Philippines Celebrity Showdown kung saan pareho silang contestants?

"We're close, everyday, at parehong strong yung personalities namin so nagka-clash talaga kami. So it's better na maghiwalay na lang kami," pahayag pa ni Michelle.

Wala na bang pag-asa na magkabalikan sila?

Na sinagot ni Jon ng...

"It's been one month and we argue all the time so we've decided better to stay friends before we [start to] hate each other.

"But being friends is hard at the moment so..."

Pero magkasama sila sa Captain Barbell (ni Richard Gutierrez na eere na bukas, March 28 sa GMA 7); hindi ba sila nagkakailangan na magkasama sila sa isang show?

Dito na nagsimulang umiyak si Michelle kasabay ng pagsasabing...

"It's okay, if it's work. Ayoko naman na because we're not together ayokong mag... na hindi ko siya makatrabaho, but it's hard."

Paano ito naha-handle ni Jon, na magkasama sila sa trabaho, pero break na sila at nahihirapan pang maging magkaibigan sa ngayon?

"Well, we have to be professionals about this. Like she said it's work so we have to set our differences aside. I think in the future, we'll get better, but for now medyo mahirap," pag-amin ni Jon.

Inamin rin ni Jon na mahal pa niya si Michelle.

"I do love her, I love her very much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahal pa ba ni Michelle si Jon?

"Hindi naman po ako iiyak kung hindi," ang patuloy pa ring umiiyak na sagot ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN