Marlene Aguilar lists her "shortcomings" as a mother; admits "tampuhan" with brother Freddie Aguilar

"When I'm happy, I'm really happy. When I'm loving, I'm really loving. When I'm hateful, I'm really hateful," says Marlene Aguilar.


Live na nag-guest sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central si Marlene Aguilar kahapon, March 27. Si Marlene ang ina ni Jason Ivler, ang main suspect sa pagpatay kay Renato Ebarle, Jr.

KUYA FREDDIE. Ang unang tanong ng segment host na si John "Sweet" Lapus kay Marlene ay kung hanggang ngayon ba ay may tampuhan pa rin sila ng kapatid niya, ang folk singer na si Freddie Aguilar?

Isang maigting na "Yes!" ang sagot ni Marlene at "Truth" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Saan nagsimula ang tampuhan nilang magkapatid?

"Pinanganak kasi akong mas matalino kay Kuya Freddie!" ang tumatawang sagot ni Marlene.

So, personal ito, pampamilyang usapan?

"Yes, personal, hindi kami magkaintindihan."

Paano kapag nagkikita sila sa mga family reunion, halimbawa?

"Oh, no, may tampuhan kami, pero I love him," paglilinaw ni Marlene. "Wala naman kinalaman yung pagmamahal ko sa kapatid ko, di ba? I love you, Kuya Freddie! Even if you don't understand me."

Kailan sila huling nagkausap?

"A, noong ano po, New Year," sagot ni Marlene.

So, nag-uusap naman pala sila, mayroon lang misunderstanding?

"Yes, yes."

DRAMA QUEEN? Ang pangalawang tanong kay Marlene: Totoo bang minsan sa mga interview sa kanya ay hinahaluan niya ng arte para magmukha siyang emotional sa telebisyon?

Isang mabilis na "Yes! ang isinagot niya, at muling sumang-ayon sa kanya ang truth verifier machine.

"You expected me to say no, so I said yes," sabi ni Marlene tungkol sa kanyang sagot.

Nagre-rehearse ba siya ng mga maemosyonal na sinasabi niya in front of the cameras?

"No, no, it's real!" diin niya.

"This doesn't work!" tumatawang pahayag pa niya referring to the truth verifier machine.

So, emotional siyang tao?

"Yes," sagot ni Marlene.

"When I'm happy, I'm really happy. When I'm loving, I'm really loving. When I'm hateful, I'm really hateful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kapag umiiyak daw siya ay tunay na pag-iyak iyon.

Nabanggit naman ni Sweet na may mga nagtatanong kung willing si Marlene na pumasok sa showbiz yaman din lamang at may karanasan na ito sa pag-arte.

"I went to the best acting school in New York. Eric Morris Acting School in New York," banggit ng ina ni Jason Ivler.

Bukas pa ba ang nasabing acting school?

"I don't know, sa L.A. na yata sila," sagot naman ni Marlene. "But in Worcester State College in Massachusetts, nag-acting school din po ako."

Kung may offer sa kanyang TV or film project, tatanggapin ba niya?

"Lumabas na po ako sa foreign film," banggit naman niya.

Ngayon ba ay willing siyang umarte muli sa harap ng kamera?

"Yes!" mabilis niyang sagot.

Ano ang gusto niyang role—nanay, diwata, o inaapi?

"Diwata ng dilim... Diwata ng lagim!" ang tumatawa nitong sagot.

May leading man ba siyang gustong makapareha?

Hindi agad ito nakasagot. Ayon kay Sweet, wala kasing TV sa bahay ni Marlene kaya wala siyang maisagot na leading man na gusto niya.

Bakit wala silang TV set?

"Mahirap lang po kami," sagot ni Marlene, na sinabayan niya ng halakhak.

"Yung husband ko, may TV," dagdag niya.

Si Marlene daw ay hindi nanonood ng TV.

"I read books," aniya.

IMPERFECT MOTHER. Ang pangatlong tanong sa kanya: Was there ever a time na naisip niya na siya ay nagkaroon ng pagkukulang bilang isang ina?

"Truth" muli ang lumabas na resulta sa sagot ni Marlene na "Yes!"

Any particular aspect na sa palagay niya ay nagkulang siya bilang isang ina?

"Actually, si Jason ang nagsabi sa akin... Kasi, tinuruan ko siyang mag-Tagalog. Tapos, noong nagpunta na siya sa Hawaii, e, ang daming Ilocano doon.

"E, Ilocanang puro ako. Tapos sabi niya, sinisisi niya ako kasi hindi daw siya marunong mag-Ilocano. Kahit ngayong nasa jail na siya, napapahiya siya pag kinakausap siya ng mga guards ng Ilocano kasi dapat daw tinuruan ko siya ng Ilocano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dine-demand niya na yung anak kong maliit ngayon, turuan kong mag-Ilocano. Kasi Ilocana raw ako, dapat turuan ko yung mga anak ko ng Ilocano," kuwento niya.

Bukod doon, may iba pa bang aspeto na sa tingin niya ay nagkulang siya bilang ina?

"Sabi niya... Kasi kami, when we were growing up, bugbog-sarado kami sa tatay ko, e. So, sabi niya, dapat daw binugbog ko din siya. I mean... This is true... Sabi niya, dapat daw, naranasan niya na nasapok ko din siya."

Hindi raw siya namamalo ng anak.

Kamusta naman ang moral values ng kanyang mga anak?

"I'm very, very proud of Jason," sambit ni Marlene. "Si Jason kasi at saka yung isang anak kong lalaki na nasa U.S. ngayon, mga working students 'yan, e.

"Nagbabayad lang ako ng tuition fee. The rest sila na yun, e. Hindi sila nanghihingi ng kung anu-ano, expensive cell phones, wala. Hindi sila materyosong tao, e.

"And even now, yung anak kong isa, is graduating top of his class. To the point that he has broken the record in the history of the school sa sobrang taas ng grade niya, e, working student siya."

JASON IN JAIL. Kumusta na si Jason ngayon, habang ito ay nakapiit?

"He's treated very well in jail. Mabait po sa kanya kasi magalang naman siya, e. Masama lang ngang magalit.

"But, sabi niya sa akin, yung jail daw is parang sociological school. Sabi niya, 'You don't know about a country until you see the conditions of its prisoners.' So, sabi niya sa akin, 'Jail is a school.'

"Tsaka mayor siya ng selda niya. Yung mga foreigners, siya yung mayor. So, hindi naman siya talaga nakakulong, nakakaikot siya.

"And matatas na siyang mag-Tagalog ngayon, dati hindi siya marunong mag-Tagalog.

"Tapos, naiintindihan na niya yung... the plight of the poor. Na kahit may nangyaring trahedya sa amin, naiintindihan niya ngayon na mas marami pang kawawa compared to him," saad ni Marlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN