Rachel Alejandro to wed her Spanish boyfriend in Boracay this April

"It's not going to be easy. Pero, yun nga, siguro kung ano na lang yung mga... It's a matter of scheduling. Saka siguro yung pasensiya na lang. Minsan napu-frustrate ako pag nasa airport ako at nadi-delay yung flight. Iniisip ko, kokonti na nga yung oras namin together, parang umiikli pa. So, it's going to be like that for a while and then eventually, pag malipat siya sa U.S., kasi he has plans of getting transfered there, baka lumipat kami," says Rachel Alejandro ab


Dalawang linggo mula ngayon ay pakakasal na ang singer na si Rachel Alejandro sa kanyang boyfriend na si Carlos Santamaria, isang reporter para sa isang Spanish News Agency na nakabase sa Singapore.

Gagawin ang wedding rites sa Boracay sa April.

Sa panayam ni Rachel sa Paparazzi noong Linggo, March 27, sinabi niyang isang taon silang naging magkasintahan ng kanyang foreigner boyfriend at dalawang beses ang plano nilang magpakasal. Isa nga ang magaganap sa Boracay at ang ikalawa ay sa Spain kung saan galing si Carlos.

Kapansin-pansin ang tanned skin tone ni Rachel ngayon. Ipinaliwanag naman niyang sinadya niyang magpaitim ng kutis para bumagay sa motif ng kanyang wedding gown na gold.

"Nagpupumilit magpa-tan kasi gold yung... Actually, I chose the color gold for my wedding gown. So, parang maganda kung gold lahat," paliwanag ng mang-aawit.

Sa "Presscon Express" segment ng show humarap si Rachel. Ito ang portion kung saan ang mga invited movie press ang magtatanong sa celebrity guest.

LONG-DISTANCE LOVE AFFAIR. Ayon kay Rachel, hindi naging hadlang ang long-distance love affair nila ni Carlos sa loob ng isang taon.

Ngayong magpapakasal na sila, paanong set-up ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong nasa Bangkok, Thailand si Carlos, at si Rachel naman ay dito sa Pilipinas naninirahan?

"Siguro for now, gano'n pa rin," sabi ni Rachel. "Kasi ngayon, ang nangyayari, few days here [Pilipinas], few days there [Bangkok]. Pag may work ako, nandito ako.

"Of course, nandito pa rin yung company ko, the Sexy Chef. Parang ako pa rin yung marketing for the company.

"Parang hindi pa rin ako totally makalipat ng Bangkok. Plus, of course, talaga namang dito ang buhay ko, yung career ko. Carlos comes once a month."

Bilang isang international reporter, obligado raw na magpunta sa iba't ibang bansa ang kanyang boyfriend. Gaya nga sa Japan, dahil sa earthquake at tsunami na sumalanta sa ilang prefectures doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Rachel, "Nitong nakaraang huling kaguluhan sa Japan, nando'n siya at ayaw niyang umalis doon. Nate-tense ako, may wedding pa tayo! Kasi, di ba, yun yung tawag ng trabaho, e. Even if it's dangerous, kahit na gustong himatayin ang pamilya niya...

"Of course, ako na yung unang-una dahil may wedding pa. Yung sa akin kasi, hindi naman nalalapit sa panganib ang buhay ko kaya okey lang sa kanya."

Naiisip na raw ni Rachel ang magiging sitwasyon nila ni Carlos kapag tumakbo na ang buhay nila bilang mag-asawa, lalo't hindi sila madalas magkasama.

"It's not going to be easy. Pero, yun nga, siguro kung ano na lang yung mga... It's a matter of scheduling. Saka siguro yung pasensiya na lang.

"Minsan napu-frustrate ako pag nasa airport ako at nade-delay yung flight. Iniisip ko, kokonti na nga yung oras namin together, parang umiikli pa.

"So, it's going to be like that for a while and then eventually, pag malipat siya sa U.S., kasi he has plans of getting transfered there, baka lumipat kami," sabi niya.

Wala raw balak si Rachel na iwan ang pagkanta ngayong magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya.

"Oy, hindi. Sabi nga niya, if ever na ma-assign siya somewhere, gusto niya yung place na puwede pa rin akong kumanta."

CARLOS & RACHEL'S EX-BOYFRIENDS. Bago naging sina Rachel at Carlos, naging kasintahan ng singer si Dingdong Avanzado, na ngayo'y mister na ni Jessa Zaragoza, at ang dating actor-dancer na si Lee Robin Salazar, na nasa States pa rin.

Ano ang nakita niya kay Carlos na wala sa dalawang showbiz personalities na nakarelasyon niya?

"I don't know, iba-iba kasi sila, e!" natatawang sagot ni Rachel. "Magkakaiba kasi sila, e. Sobrang magkakaiba.

"Dingdong and I are very similar. Kasi... di ba? Very close din siya sa pamilya ko. In the end, para na kaming naging magkapatid because we're so alike. Sabi nga nila... ang dami ngang nagsasabi na magkamukha na raw kami," pahayag ni Rachel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umamin din ang singer na muntik na silang magpakasal noon ni Dingdong. Pero masaya si Rachel sa buhay may-asawa ni Dingdong sa piling ni Jessa.

"Nakakailang shows na kami. Baka nga mag-India kami," banggit pa niya tungkol sa dati niyang boyfriend.

Hindi naman itinatanggi ni Rachel na nagkikita pa rin sila ni Dingdong, pero on a professional basis na lang.

"Madalas kaming mag-show ngayon, lagi kaming nagku-concert. Gustung-gusto niyang makarating dahil I invited him to the wedding.

"Niloloko ko nga siya, kasi sabi ko, 'Ayan, tutal naman inimbita mo rin ako sa wedding mo.' Plastik, di ba? Dahil hindi ako imbitado [sa kasal nina Dingdong at Jessa]. Hindi ako na-invite. Yung pamilya ko naimbitahan, ako hindi.

"Kasi that time, parang weird pa during that time. After so many years, okey na okey na. He really wants to come, kaya lang I think baka may Europe show sila. Hindi pa sila sure."

Walang ideya si Rachel na nag-10th wedding anniversary na pala sina Jessa at Dingdong. Nang malaman niya ito, nagpahayag siya ng katuwaan sa successful marriage ng dalawa.

"Of course, ang masasabi ko, I'm very happy for the two of them. I know there were some moments over the past year na parang nagkaroon ng some issues. But I have no idea what it was about. Kasi they're mum about it. So, ngayon, okey na okey na sila."

Naikuwento ni Rachel na nagkakilala na sina Dingdong at Carlos sa Australia. Sinabi nga raw ni Dingdong na ang isa sa mga kantang ginawa niya ay para sa kanilang dalawa (Rachel at Carlos).

PRIVATE WEDDING. Nabanggit din ni Rachel na hangga't maaari ay gusto niyang maging pribado ang kanyang wedding.

"Ako kasi, ever since before, naisip ko na gusto ko manageable pa yung people na nandoon. Every time na magbe-birthday ako at ang dami kong inimbita, natataranta ako. Dahil feeling mo, lahat gusto mo asikasuhin... Siguro kailangan kalma ka na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it was my choice for it to be a very small wedding para ang feeling ko, relax ako at para ma-enjoy ko yung bawat tao na nandoon," paliwanag niya.

Ang tatayong maid of honor sa kasal nina Rachel at Carlos ay ang best friend ni Rachel na si Geneva Cruz. Samantalang ang man of honor naman ay si Ricky Rivero, na kaibigan ni Rachel magmula pa noong That's Entertainment. Si Ricky ngayon ang second unit director ng Mula sa Puso ng ABS-CBN.

Kabilang naman sa principal sponsors si Girlie Rodis, na manager ni Rachel, at si Bobby Garcia, director ng singer sa Atlantis pati sa halos lahat ng kanyang shows abroad.

Sinabi rin ni Rachel na excited ang kanyang amang si Hajji Alejandro sa magaganap na wedding. Pinag-uusapan nga raw nila ang kanyang isusuot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN