Paolo Bediones marks birthday simply while in Japan to cover the disaster

"Na-realize ko talaga personally, bilang isang mamamahayag, talagang tatanggalin ka sa comfort zone mo. Papayag ka dapat kahit saan at papayag ka din na kumain ng kahit na ano. Bumiyahe din at sumuong sa kung anu-anong lugar, safe or hindi, pero calculated ang risk," says Paolo Bediones about his experience of covering the aftermath of the disaster that hit Japan.


"Memorable, memorable. Doon mo makikita talaga na mayroong panic mode."

Ito ang nasabi ni Paolo tungkol sa pagpunta niya sa Japan two weeks ago para i-cover ang mga pangyayari matapos tamaan ang bansa ng earthquake at tsunami noong March 11, 2011.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo noong Biyernes ng hapon, March 25, nang dumalo siya sa opening ceremonies ng MVP Olympics na ginanap sa Meralco Compound sa Pasig City.

Kuwento pa niya, "Nung nakita ko yung mga imahe sa telebisyon, sabi ko sa sarili, talagang as a journalist, gusto kong pumunta. Gusto ko makita first kung ano yung nangyari, bakit nangyari, at ano yung pwede kong gawin. Ano ba yung mga impormasyon na puwede kong makuha doon. Kung puwede ko ipamahagi sa mga kababayan natin dito,

Lumipad si Paolo last March 16 at hindi niya alam kung ano ang aasahan niyang makita.

"Wala talagang makapaghahanda sa iyo sa kung ano yung makikita mo doon. Hindi namin napigilan na maiyak sa ilang mga eksena. Yung mga nakikita natin sa telebisyon, nalula na tayo."

Aniya pa, "Kapag nandoon na tayo sa kinatatayuan mo, sa Sendai halimbawa, nakita mo yung devastation. Hindi ka makapaniwala na kaya ng tubig yun."

Isa rin daw humbling experience ang nangyari sa kanya doon.

"Ang problema talaga kung makakain ka man, hindi mainit," sabi ni Paolo. "Kasi nga, halimbawa sa convenience store, hindi nila papayagan na ipainit pa kasi they're saving on electricity.

"Naranasan din namin yung pumila ng isa't kalahating oras para lamang makabili ng tinapay. Sampung piraso kasi yung pagkain doon, medyo limitado.

"Naranasan ko yung ma-stranded sa snow storm. Seven hours kami nandoon sa delubyo ng niebe [snow], na hindi mo alam kung makakarating ba kayo sa pupuntahan ninyo. At doon ko rin unang naranasan from 10th floor ang isang 6.1 [magnitude] na lindol."

Naging problema rin daw ang pag-uwi niya rito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon ko lang naranasan na sa bawat biyahe pauwi ay chance passenger ka. Dahil halos lahat ng mga foreign national, pinapauwi na. Recently nga, 25 embassies ang nag-close down doon for the meantime," sabi niya.

BIRTHDAY IN JAPAN. Isa pa sa very significant na nangyari kay Paolo ay ang pagdiriwang ng kanyang 37th birthday sa Japan noong March 17 habang nagku-cover ng devastation doon.

"Alam mo, ito na siguro yung pinakatahimik na kaarawan ko sa tanang buhay ko. Maraming bumati sa Facebook, sa Twitter, wala lang makatawag. Pero wala. I just spent it with my crew. Ganoon lang kasimple. Kasama ko ang crew ko.

"Kasama ko din yung mga OFWs. Sana naman, napaligaya ko sila kahit paaano sa aking pakikipag-entertain sa kanila...," sabay nahinto siya sa sasabihin niya at inaalala ang nangyayari.

Patuloy niya, "Parang what do you say to people na hindi niya alam kung saan kukunin ang susunod na kakainin nila? Kapag kausap mo naman ang mga Japanese, ano ang sasabihin mo sa kanila para ma-comfort mo sila dahil nawalan sila ng bahay at nawalan sila ng mahal sa buhay?"

Sa pagbalik niya sa Pilipinas noong March 21, worried naman siya kung sakaling mangyari ang ganung kalamidad dito sa atin.

"More than anything, nung pag-uwi ko dito, natakot ako. Natakot ako para sa atin. Kasi ang Japan, kung pinaghahandaan na nila yun, tapos ganyan pa ang nangyari sa kanila, what more pa tayo na sinasabi ng mga eksperto na 'we're not ready'?

"May mga building diyan, they're not built to code [regulations]... Guguho iyan. And we know that we're due for a 7.2 magnitude quake which would bring about intensity 8 sa Metro Manila. I don't think yung mga building natin are built for that.

"Lalong-lalo na recently, may mga issues na nakita yung mga contractor ay nagtitipid. Kailangan malaman lang natin sa mga susunod na araw, kapag dumating yung 'big one' na sinasabi, if we are really prepared or not," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN