Ryan Yllana on brother Jomari's friendship with Ronald Singson: "Nakita ko naman how loyal a friend si Kuya Jom kay Ronald."

What does Ryan Yllana think about Governor Chavit Singson's statement on fair-weathered friends, referring to Ryan's brother Jomari?

"Ang tingin ko naman diyan, misunderstanding lang at miscommunication. Habang wala kasi silang maayos na pag-uusap, may mga lalabas na ibang kuwento talaga. Nakita ko naman how loyal a friend si Kuya Jom kay Ronald. Magkaibigan talaga sila, walang duda roon. Kaya nagulat din ako sa mga nasabi ni Manong [Chavit Singson] about K


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor at Parañaque City councilor na si Ryan Yllana, tinanong namin siya tungkol sa nararamdaman ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jomari Yllana sa mga binitawang salita ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Ito ay tungkol sa "fair-weathered friends" diumano ng anak ni Governor Chavit na si former congressman Ronald Singson, kabilang na nga si Jomari. Hindi raw kasi nagpaparamdam ang aktor mula nang makulong si Ronald sa Hong Kong dahil sa kasong drug trafficking. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Ryan, nag-suggest siya kay Jomari na umpisahan na nitong makipag-usap nang pribado sa pamilya ni Ronald para hindi na masyadong lumaki ang problema. Mas maganda raw yung kumikilos na muna siya nang tahimik bago ito lumabas sa media.

"Ang tingin ko naman diyan, misunderstanding lang at miscommunication. Habang wala kasi silang maayos na pag-uusap, may mga lalabas na ibang kuwento talaga.

"Nakita ko naman how loyal a friend si Kuya Jom kay Ronald. Magkaibigan talaga sila, walang duda roon. Kaya nagulat din ako sa mga nasabi ni Manong [Chavit Singson] about Kuya Jom.

"Naisip ko naman na baka stressed lang si Manong. Siyempre, hindi naman biro ang nangyari kay Ronald. Ama lang siya na nalungkot sa nangyari sa kanyang anak. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"Wish naman namin na maayos ang lahat. Magandang pag-uusap lang ang kailangan nila," pahayag ni Ryan.

Nakausap ng PEP si Ryan sa press screening ng Captain Barbell sa SM The Block noong Huwebes, March 24.

Sa ngayon ay hindi raw muna active ang Fearless Productions nina Jomari at Ronald dahil sa mga nangyari sa dating kongresista.

Ang naturang production house ang nagdala sa Pilipinas ng mga international artists tulad ng American Idol winners na sina David Cook at Kris Allen, gayundin sa American Idol runner-up na si David Archuleta. Nadala rin nila sa Pilipinas si Marie Digby, ang Jabbawockeez, at ang pinakahuli ay ang high-caliber music star na si Usher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang respeto rin iyon kay Ronald," banggit ni Ryan. "Sabi nga ni Kuya Jom na sama-sama silang nagsimula nung negosyong 'yon, kaya dapat lang na hanggang sa huli ay sama-sama pa rin sila.

"Alam ko na maaayos din lahat ang nangyayaring ito. Mas maganda yung walang nag-aaway at magkaibigan ang lahat."

Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Jomari ay pinili nitong huwag na lang magkomento sa mga naging pahayag ni Governor Chavit.

Ang importante raw sa kanya ay ang paglabas ni Ronald sa kulungan. (CLICK HERE to read related story.)

COUNCILOR RYAN. Samantala, pinagtuunan muna raw ng pansin ni Ryan ang kanyang tungkulin bilang konsehal ng Parañaque City kaya nagpahinga muna siya sa paggawa ng mga drama series. Ang huli niyang ginawa ay ang Pilyang Kerubin nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

"Inasikaso ko muna ang office ko. May office staff ako at marami-rami rin sila. In-organize ko muna ang lahat kaya hindi ako tumatanggap ng guestings. Ngayon ay okey na at smooth-sailing ang lahat, puwede na akong mag-work sa TV ulit," sabi ng actor-politician.

Maluwag na tinanggap ni Ryan ang Captain Barbell ng GMA-7 dahil muli niyang gagampanan ang character niya sa unang Captain Barbell na si Bobby, ang confidante ni Teng, ang alter-ego ni Captain Barbell played by Richard Gutierrez.

"Ako na lang daw kasi ang natitira mula sa original cast ng Captain Barbell. Wala na sina Goma [Richard Gomez], Camille [Prats], Patrick [Garcia], Sunshine [Dizon], at JC [de Vera].

"Si Rhian Ramos naman, may special appearance siya, pero mawawala siya kaagad. Ako lang daw ang magtatagal sa show.

"Okey para sa akin kasi kailangan din nating magtrabaho ulit. May mga sinusuwelduhan tayong staff. Hindi sapat ang sinusuweldo natin bilang konsehal. Yung suweldo natin mula sa gobyerno ay napupunta sa mga tinutulungan nating mga proyekto sa Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nami-miss ko na rin ang mag-taping, e. Siyempre, mahal natin ang showbiz kasi dito tayo nakilala. Nagpaalam naman ako sa konseho at pinayagan naman nila ako. Wala naman daw problema basta ang trabaho ko bilang konsehal ay maayos kong nagagawa. At kailangan priority ang pagsilbi sa gobyerno," saad ni Councilor Ryan Yllana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN