Radio jock Papa Jack turns TV star via morning show Starbox

Radio jock Papa Jack will be Ali Sotto's co-host on GMA-7's upcoming morning show Starbox. "Nakakatuwa po at overwhelming ang kasiyahan. Sobrang laki ng tiwalang ibinibigay sa akin at sana mapangatawanan ko po sa abot ng makakaya ko," he says about his big break on TV.


Television star na rin ang radio jock na si Papa Jack—o John Gemperle sa tunay na buhay. Siya ang magiging co-host ng nagbabalik-telebisyon na si Ali Sotto sa bagong morning program ng GMA-7, ang Starbox.

Dahil lalantad na ang mukha niya sa telebisyon, hindi maitago ni Papa Pack ang excitement.

"Nakakatuwa po at overwhelming ang kasiyahan. Sobrang laki ng tiwalang ibinibigay sa akin at sana mapangatawanan ko po sa abot ng makakaya ko," pahayag ni Papa Jack nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Starbox kaninang tanghali, March 28, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Bakit sa tatlong pinakamalalaking istasyon sa bansa ay sa GMA-7 niya piniling magkaroon ng TV show?

Aniya, "Radio guy po kasi ako. May konkretong planong patutunguhan at GMA po ang nagbigay sa akin. May inquiry ring iba pang show na sobrang nakakatuwa. Pero as of now, Starbox muna."

Wala bang conflict sa radio station niya ngayon ang pagtanggap niya ng show sa Kapuso network?

"Yun po ang sobrang pasasalamat ko sa GMA. Kasi, merong sariling radio network din ang GMA. But they're kind enough to recognize talents outside GMA na pinaniniwalaan nila. Nakakatuwa po talaga," masayang sabi ni Papa Jack.

Hindi ba nahirapan ang GMA-7 na kumbinsihin siyang maging bahagi ng regular na show?

"Hindi po. Actually, I had no second thoughts. Nang sinasabi sa akin kung gusto kong mag-TV, 'Yey!' ang sagot ko," deklara ni Papa Jack.

Na-imagine ba niya na magiging TV star siya some day?

"TV star, hindi!" bulalas niya.

"Ma-TV, oo. Kasi, probinsiyano po ako at laking mahirap. Yun din kasi ang peg ko rin pag may blessings. I always look back."

Twenty-eight-years-old na si Papa Jack at tubong-Alcala, Pangasinan.

Patuloy niya, "Six years na ako sa radio. Feeling ko, masisibak na po ako before. Kasi feeling ko, I wasn't improving as DJ. Doon ko po inisip yung show ko. Brainchild ko po ang TLC at Wild Confessions. Saving grace ko po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, one of the many reasons kaya hindi ako nasibak because na-create ko yung TLC. Parang contribution sa industriya na ginawang primetime ang gabi na ibang oras."

Kaya pa ba ng schedule niya ang araw-araw sa TV at gabi-gabi sa radio?

"Kaya po, kasi before Starbox came along, I did a lot of things. Bombero po ako. Photographer ako, and last semester, I taught sa school. Professor po ako.

"So, I do a lot of things. Sanay po ako sa erratic na schedule. Kayang-kaya ko po ito," sabi ng radio jock turned TV host.

Kamusta naman katrabaho ang kanyang "Mama Ali"?

"Nung una, naiilang po ako. Nag-aalangan ako. Very creative ako sa words ko, sa kanya kasi baka ma-offend ko po siya. Pero hindi, game pala siya," papuri niya sa kanyang co-host.

Aminado si Papa Jack na "committed" na siya.

"Kung nakikinig kayo sa radio sa gabi, you would know kung sino ang taong mahalaga sa akin. Kasi very transparent ako on air," sabi niya.

Sa April 4 ang pilot telecast ng Starbox. Bukod kina Ali at Papa Jack, dagdag-atraksyon din sa show ang dalawang members ng XLR8 na sina MM at MJ Magno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN