Robin Padilla on Mariel Rodriguez: "Masyado nang umikot ang buhay niya sa akin... Parang OA na nga."

"Huwag na muna. Wala na siyang aasikasuhin kundi yung bata na lang. Ayoko naman nun. Ngayon, ang gusto ko, ako na lang muna ang asikasuhin niya. 'Yon ang totoo!" says Robin Padilla about why he doesn't want to have a child with Mariel Rodriguez yet.


Lumapit si Robin Padilla sa direct-selling group na Natasha upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga kasamahan sa foundation niyang Liwanag ng Kapayaan nang ipasara ang eskuwelahang pinapasukan ng members nito last year.

Kwento ni Robin, "Kami ang lumapit sa kanila. Itong taong ito, gusto nga ni Rommel [Padilla, Robin's brother] na... kasi nga, nasara kami, di ba? Nung nasara kami, siguro blessing 'yon dahil yung programa ng Liwanag [ng Kapayapaan], dati libre lahat.

"Nung nag-takeover si Rommel, nang marinig niya ang mga programa, sabi niya, 'Mali ito. Tatanggalan natin ng responsibilidad yung mga magulang. Dapat huwag.'

"Siyempre, siya ang pangulo, iniba niya ang direksiyon ng Liwanag. Gusto niya, wala nang libre, para yung mga magulang, matutong magtrabaho.

"Kaya nang masarado ang eskuwela, hindi kami nasarado sa training. Tuluy-tuloy pa rin ang training ng magulang. Nag-training sila ng barista... hindi yung alak kundi coffee shop. Nag-training sila ng health therapist, food processing. Tuluy-tuloy 'yon.

"Nang mag-meeting kami uli, wala namang trabahong makuha. Walang mapuntahan, e. Problema na sa bansa natin 'yon. Nag-isip kami, at pumasok ang Natasha. Eksatong gusto kong magkaroon ng line ng pabango. So, kailangan namin ng marunong sa direct selling na tuturuan ang magulang. Kami ang lumapit sa Natasha."

Nakausap si Robin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang bagong endorser ng Natasha kagabi, March 29, sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.

Two years ago ay nakausap na raw ni Binoe, palayaw ni Robin, ang Natasha tungkol sa line of underwear na kanya sanang gagawin at i-e-endorso.

"Hindi namin nagawa 'yon dahil hindi ko talaga linya 'yon," sabi ng action star.

Dito sa natuloy na endorsement niya para sa Natasha, hindi siya binayaran sa pagiging endorser?

"Hindi. Ang usapan dito, training at bibigyan kami ng grant ng... parang puhunan. Items. Bale 'yon ang puhunan ng mga magulang namin. Hindi puro training lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, sa 64 students ng Liwanag, yung mga magulang, inaasahan namin at maghihikayat pa ng iba. Buong Pilipinas ang target namin dito," saad ni Robin.

Sa kapatid niyang si Rommel ibinigay ni Robin ang dati niyang responsibilidad sa Liwanag ng Kapayapaan. May karanasan na raw kasi ito sa pagtulong dahil sa naging pulitiko siya ng Nueva Ecjia.

Bukod pa rito, aminado si Robin na sobrang depresyon ang naramdaman niya nang ipasara ang eskuwelahan niya. Matatandaang nagsampa ng reklamo sa korte ang mga kapitbahay ni Robin dahil ginawa niyang eskuwelahan ang bahay niya sa Fairview, Quezon City. (CLICK HERE to read related story.)

BB & ROBIN'S CHILDREN. Nasaan naman ang isa pang kapatid ni Robin na si Rustom—o si BB Gandanghari?

"Aba, e, nung huli kaming magkita niyan, Pasko yata at papunta sa Amerika. Yung isa kasing 'yon, mahilig magsorpresa! Antayin na lang natin ang bago niyang sorpresa pagbalik!" sabi ni Robin sa "nawawalang" kapatid.

Kamusta naman ang anak niyang si Ali, na pinabalik sa Australia ng ina nito na si Liezl Sicangco?

"Sa telepono na lang kami nagkakausap ni Ali. Sana... si Liezl, e, mabait din naman 'yon, darating din ang panahon na makakapagbakasoyn din si Ali. Sa ngayon, siyempre, wala munang basagan ng trip. Doon muna ang trip niya," saad ni Robin.

Pagdating naman sa mga anak niyang babae na sina Queenie at Kylie, may warning si Robin sa mga umaaligid na lalaki sa kanila.

"Dapat lang silang matakot!" sabi niya. "Yung akin, kung maganda ang hangarin mo, mag-aantay ka. Pananalampalataya namin 'yon. Ang relationship, dapat commitment."

Hindi naman siya ganoon dati, di ba?

"Lahat tayo nagdaan diyan. Ayokong pagdaanan nila ang napagdaanan ko. Aba, ako'y iniimbita ng bawat organisasyon upang magsalita at pinakikinggan ako. Aba'y sana naman, pakinggan nila ako.

"Hindi ko naman sila pinipilit. 'Yon ay paalala para pag ako'y matanda na, wala naman akong regret na ako ay naging mabuting ama," saad ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, pinakasalan na niya agad si Mariel Rodriguez dahil sa paniniwalang 'yon?

"So, dapat lang naman. Practice what you preach," bulalas niya.

ROBIN IN BOXERS. Sa documentary ng love story nina Robin at Mariel na ipinalabas sa ABS-CBN, ang Iisang Landas, may eksena doon kung saan bagong gising si Robin at lumabas sa kusina na naka-boxer shorts siyang kulay blue. Kapansin-pansin na merong gumagalaw sa pagitan ng legs niya habang lumalakad siya. Pero ayon kay Robin, hindi niya napansin ang eksenang 'yon.

"Huh! Talaga? Hindi ko napansin 'yon. Panoorin ko nga uli!" natatawa niyang sabi.

Dagdag ni Robin, "Wala naman kasing... Sorry po sa nakapanood. Hindi ko po sinasadya 'yon. Naguluhan ako!

"Patawad po sa na-offend! At sa nagkagusto, maraming salamat! Pero hindi namin intensiyon, kasi ngayon lang ako nakitang naka-shorts in my 25 years sa showbiz. Siguro kailangan ko na yatang mag-underwear!" tawa niya ulit.

Takot ba siyang mag-pose nang naka-underwear?

"Hindi naman," sabi ni Robin. "Kasi hindi naman lahat ng tao matutuwa pag ginawa ko 'yon. Hindi na bagay sa edad ko. Maraming bata na puwedeng maging sex symbol. My goodness! Pag walang masuka, tuluy-tuloy natin!" natatawa pa rin niyang sabi.

CHANGES IN HIS LIFE. Ngayong meron na siyang Mariel, ano ba ang pagbabago sa araw-araw nilang pagsasama?

"Ang problema kay Mariel, totoo ito—masyado nang umikot ang buhay niya sa akin. Minsan, doon na kami nagkakaroon ng clash. Kasi ayaw na niyang magtrabaho. Medyo sa aking palagay, dapat, e, sana matutunan niyang asikasuhin ang sarili niya. Kasi nandoon pa rin siya sa paniniwala na...

"E, sa panahon ngayon, nasa showbiz ako at hindi normal ang uwi. Gusto ko may trabaho rin siya. Para hindi naman siya malungkot. Kasi baka malungkot siya, ma-bore, yun pa ang pagsimulan ng away namin.

"Pinilit ko 'yon. Hindi niya tinanggap ang E-Live kasi ayaw niyang maraming load. Kinakarir ang pagiging housewife, na hindi ako naniniwala nung una na pangarap niya. Pagdating ko, gigising 'yon. Siya ang gumagalaw... kape, ligo. Parang OA na nga," kuwento ng action star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumaas ba ang level ng pagmamahalan nila?

"Oo! Oo! Lalo na ngayon. Kasi ngayon, may dinadaanan na kami. Noon, dalawa lang kami. May trabaho na kami pareho at hindi nagtatagpo minsan ng oras. Ngayon ninyo mapapatunayan 'yon.

"Happy ako kay Mariel dahil, kahit minsan umaga na ako uuwi, gigising pa rin siya at aayusin ang almusal ko."

Ayaw pa nga lang ni Robin na magbuntis si Mariel.

"Huwag na muna," sabi niya. "Wala na siyang aasikasuhin kundi yung bata na lang. Ayoko naman nun. Palagay ko, doon na magkakaproblema... Kailangan..." bitin niyang sabi.

So, proteksyon muna ang ginagawa nila?

"Oo nga... Hanep ang segue nun, huh!" tawa niya. "Hindi. Ngayon, ang gusto ko, ako na lang muna ang asikasuhin niya. 'Yon ang totoo!

"Siguro OA man siya sa pag-asikaso sa akin ngayon, ayoko namang mawala 'yon. Minamahal ko siya ng ganoon.

"Pinoprotektahan ko yung... Kasi pag nabuntis 'yan, hindi ka na puwedeng tumabi sa kama kasi nandoon na yung bata," paliwanag niya.

So, bago siya umaksyon kay Mariel, dapat may proteksyon?

"Dapat!" tawa ulit ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN