XLR8's MM and MJ Magno try hosting via Starbox

Twin brothers MM (left) and MJ Magno join Ali Sotto and Papa Jack on GMA-7's newest morning show, Starbox. "Hindi ko ma-imagine na ako, host? Hindi ko pa po kasi nagagawa ito. Pero siguro po, dahil kambal kami, kakaiba naman. Tapos, Korean-look pa po kami. Gusto ng mga bata [yan] ngayon," says MM about their hosting stint.


One year na ang all-male P-pop group na XLR8, kung saan kabilang ang kambal na sina MM at MJ Magno.

Kaya masaya raw ang kambal na sa pagpasok ng one year ng kanilamg grupo—na mainstay sa musical-variety show na Party Pilipinas—ay nabigyan sila ng oportunidad bilang co-hosts ng bagong morning show ng GMA-7, ang Starbox. Makakasama nina MM at MJ dito sina Ali Sotto at Papa Jack.

Sa kanilang dalawa, si MM ang unang pumasok sa showbiz nang maging miyembro siya ng Star Magic Batch 16 ng ABS-CBN. Hanggang sa maging co-host siya ni German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman at mabuo ang grupo nilang XLR8. Inamin din ni MM na naglayas siya noon sa kanilang bahay.

Gym buff din si MM, kaya natanong namin sa kanya kung may plano siyang magpakita ng kanyang katawan sa TV o pelikula, lalo na't gusto rin pala niyang umarte.

"Hindi naman po," sagot niya. "Ang idol ko pong talaga si Rain, yung Korean sa Full House. Kasi, kapag nagpi-perform po siya, sing and dance, tapos sexy ang katawan.

"Wala naman po akong planong magpaseksi. Pero yung acting po, sana po, sana mabigyan din po ng chance."

STARBOX. Pero bago ang acting, sa hosting muna sila unang masusubukan ng kanyang kakambal via Starbox. Isang bagay raw ito na hindi nila parehong ine-expect na mangyayari sa career nila.

"Hindi ko po talaga ma-imagine, promise!" sabi ni MM sa press conference ng Starbox noong Lunes, March 28, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Dagdag niya, "Hindi ko ma-imagine na ako, host? Hindi ko pa po kasi nagagawa ito. Pero siguro po, dahil kambal kami, kakaiba naman. Tapos, Korean-look pa po kami. Gusto ng mga bata [yan] ngayon.

"Siguro rin po kasi, makulit kasi kami ni MJ, like sa I Laugh Sabado. Tandem po kaming palagi kaya po siguro nagustuhan din kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kaba at hiya raw na nararamdaman si MM working with Ali Sotto.

"Sobra po," nakangiti niyang sabi. "Kahit po sa dressing room, 'Ay, Ms. Ali...' Pero sobrang bait po. Binigyan nga po namin siya ng kesong puti. Kasi sabi niya, 'Di ba, Laguna kayo? Pahingi namang keso de bola.' Sinabi namin sa parents namin, tapos yun po, binigyan po namin siya."

Ano naman ang masasabi nila kay Papa Jack?

Ani MM, "Actually, gabi na po umuuwi ang XLR8 after ng rehearsal. Wala po kaming magawa kung hindi ang makinig ng radio, palaging Papa Jack ang inaabangan namin. Noong time na sinabi po na host nga kami at ipinakilala ang mga host, parang kami, 'Wow, astig 'yan!"

Kuwento naman ni MJ, silang dalawa ni MM ang iikot sa mga tao para magtanong. Sina Ali at Papa Jack ang literal na nasa loob ng "box."

Naninibago pa raw sila dahil bago talaga sa kanilang dalawa ang hosting.

"Kung sa kantahan at sayawan, kahit anong oras po at kailan, game po kami diyan," sabi ni MJ. "Pero sa hosting po, hindi pa po kasi namin nagagawa. Pero ngayon po, nagwo-workshop po kami kay Direk Floy Quintos."

NOT LEAVING XLR8. Kahit na may sarili na silang show ngayon, hindi raw iiwan nina MJ at MM ang XLR8.

"Hinding-hindi po," sabi ni MJ. "Sabay-sabay po kaming walo na nangarap. Siyempre po, hindi po namin iiwan ang mga kapatid namin na ganoon."

Natutuwa rin si MJ na siya na kahit paano, marami na rin daw ang nakakakilala sa grupo nila.

Pero aniya, "Honestly, ako po, hindi ko po alam kung sikat na ba kami kasi hindi naman po kami nakakalabas. Ang rest day po namin, Monday lang. Pero minsan, may schedule pa. So, wala na po kaming time na gumala.

"Kami po kasing dalawa ni MM, hindi po kami mahilig na mag-online. Kaya minsan po, kapag lumalabas po kaming dalawa, kilala na rin po kami ng tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWINS. May advantages at disadvantages ba ang pagiging kambal nila?

Ayon kay MJ, "Yung disadvantages po, tingin ko, wala naman po. Yung ano lang po siguro na pinagko-compare po kaming palagi. Pero sa akin po, wala naman yun.

"Ang advantage lang po, hindi na lang kapatid ang turing mo sa kanya, best friend na rin po. Araw-araw mong kasama. Kasi sabi po ng iba, kapag kambal, palaging nag-aaway, nag-iinggitan. Pero sa amin, hindi po."

Identical twins man sina MJ at MM, pero makikita raw ang difference nilang dalawa sa hairstyle nila. Mas buff din daw si MM kumpara kay MJ.

Pagdating naman sa showbiz crushes, sina Jackie Rice at Sheena Halili raw ang mga type ni MJ; habang si MM naman ay attracted daw sa humor ni Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN