Leni Robredo: "Kaunting dasal pa, maipapanalo na natin ito."

May 10, 2016
<p>Vice presidential candidate Leni Robredo optimistic to win the race.</p>

Gitgitan man ang labanan sa vice-presidential post, naungusan na ni Camarines Sur Representative Leni Robredo si Senator Bongbong Marcos, base sa unofficial at partial results ng botohan.

As of 10:30 ng umaga ngayong Martes, may 10, mayroon nang 13,341,232 votes si Leni; habang si Bongbong ay mayroong 13,178,696 votes.

Higit sa 160,000 votes lang ang kalamangan ni Leni kay Bongbong.

Tweet ni Leni kaninang madaling-araw, “Number 1 na tayo!”

Noong unang bahagi ng tally ay nanguna si Bongbong, pero kaninang madaling-araw ay naungusan na siya ni Leni nang pumasok ang mga boto mula sa balwarte ng Liberal Party candidate.

Positibo si Leni na siya ang mananalo sa pagka-bise presidente.

Tweet niya, “Umaarangkada na tayo! Pumapasok na mga boto mula sa bailwicks natin—Bicol, Iloilo, ARMM.

“Kaunting dasal pa, maipapanalo na natin ito.”

Ipinaliwanag pa ni Leni sa kanyang tweet na may sariling operation quick count ang kanyang kampo upang mabilis na matukoy ang resulta ng botohan.

Continue reading below ↓

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang anak ni Bongbong matapos itong mag-tweet dahil sa diumano’y dayaan sa bilangan ng balota.

Nabura na ang nasabing tweet at humingi ng paumanhin si Sandro sa kanyang tweet.

Read: Bongbong Marcos's son apologizes for #DayaangMatuwid tweet

Sa kabilang banda, nanawagan ang anak ni Leni na si Aika Robredo sa kanyang Facebook post hinggil sa kumakalat na balitang ipapa-impeach umano ng kanyang ina si Rodrigo Duterte, sakaling manalo ito bilang pangulo ng Pilipinas.

Pahayag ni Aika: “Walang katotohanan iyon at walang kasaysayan ang mga Robredo sa mga anomalya at korapsyon. Sila ang may ambisyong makabalik sa Malacanang. Protektahan natin si Leni.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Vice presidential candidate Leni Robredo optimistic to win the race.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results