Angelica Panganiban and Derek Ramsay deny breakup reported in PEP Alerts

"Ang ganda ko lang kasi talaga at masyadong hunk ang dyowa ko. Sorry, kami ang pinakabagay sa buong mundo. Mamatay talaga sila sa inggit!" says Angelica Panganiban about the latest report that she and boyfriend Derek Ramsay have broken up.


Ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang i-post ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa PEP Alerts kahapon, March 31, ang tungkol sa balitang "hiwalay" na ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, nagkaroon agad ng reaksiyon mula sa kampo ng dalawang Kapamilya stars.

Parehong itinanggi nina Derek at Angelica ang maikling report na ito sa PEP Alerts:

"Tungkol sa magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban: Ang alam ng PEP ay hiwalay na ang dalawa. Bagamat walang kumpirmasyon mula sa sinuman sa kanila, sinasabing si Derek ang mas handa sa hiwalayang ito."

Sa text message na ipinadala ng PEP contributor at PMPC president na si Melba Llanera sa PEP staff writer na si Nerisa Almo kahapon, sinabi nitong kaka-text lang niya kay Derek at tahasang sinabi ng aktor na hindi totoong hiwalay na sila ni Angelica.

Ilang minuto naman pagkatapos nito, nakatanggap ng report ang PEP mula sa isa pa naming contributor na si Rommel Placente. Ayon daw sa handler ni Angelica na si Cris Navarro, hindi totoong break na ang aktres at si Derek.

"Napahalakhak" nga lang daw si Angelica nang tanungin siya ng kanyang handler tungkol dito.

Kaagad namang inilathala ng PEP sa PEP Alerts ang pagtatangging ito ng mga kampo nina Derek at Angelica.

Mabilis ding kumalat sa social networking sites gaya ng Twitter at Facebook ang balita. May iba pa ngang artista na nagsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon tungkol sa report, gaya ni Ruffa Gutierrez.

Ayon kay Ruffa, nakausap niya raw ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong, at itinanggi rin nitong hiwalay na ang kanyang alaga at si Angelica.

ANGELICA'S SNN INTERVIEW. Kagabi rin ay nagpa-interview si Angelica sa late-night showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN. Dito ay itinanggi muli ng aktres ang lumabas na report.

Aniya, "Siyempre, hindi. Actually, last week pa kami sinasabing hiwalay na. Tumawag rin sa akin si Derek. Sabi niya, 'May nanggugulo ba sa 'yo?' Sabi ko wala naman, sabi ko may mga nagte-text lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Angelica sa SNN na bagamat sanay na siya sa ganitong klaseng "tsismis," nagulat pa rin siya sa lumabas na report.

"Actually, nakakaloka nga kasi may blog ako and nilagay ko pa doon 'yong mga pictures namin noong nag-date kami noong Tuesday [March 29]. Sabi ko pa nga, ang saya- saya namin doon. Kahapon kasama namin ang family ko, nag-dinner din kami... So, nakakagulat na biglang ganoon," sabi niya.

Muli ay pinagtawanan lang ni Angelica ang bagong isyu sa kanila ni Derek.

"Ang ganda ko lang kasi talaga at masyadong hunk ang dyowa ko. Sorry, kami ang pinakabagay sa buong mundo. Mamatay talaga sila sa inggit!" sabi pa ng aktres.

DEREK ALSO DENIES SEPARATION. Samantala, itinanggi rin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Angel sa panayam sa kanya ni Ricky Lo, para sa column nito sa The Philippine Star na "Funfare," na lumabas ngayong araw, April 1.

"Sorry to disappoint the writer of that 'scoop,' but Angelica and I are okey na okey," sabi ni Derek.

Dagdag pa ng aktor, "Habang kami ay pinaghihiwalay, mas lalo kaming tumitibay."

Noong nakaraang linggo lang ay napabalitang may ibang girlfriend diumano si Derek na taga-Dumaguete City. Pero mariin din itong itinanggi ni Derek sa panayam sa kanya ng The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

"There's no truth to this thing," diin niya. "Nagpunta nga ako ng Dumaguete para mag-recruit ng [frisbee] player, tapos may girlfriend na ako? May tsinek-in daw ako sa hotel na kaming dalawa lang? Kasi nadadamay na rin ang hotel that I stayed in, mga pamilya ng mga kaibigan ko..."

Sabi pa ng aktor, "I don't know why kung bakit may mga lumalabas pa na ganito. Nasasaktan din ako, guys, sa mga nangyayari, sa mga nagagawa n'yo. I just smile it off. But sometimes, it's kinda insulting na lagi na lang ina-assume kahit saan ako magpunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP STATEMENT. Sa bahagi ng PEP, ito ang nais naming ipaalam kina Derek at Angelica: Hindi mapaglaro ang entertainment site na ito.

Hanggat maaari ay ilang beses naming inuurirat ang aming sources lalo na kapag ganitong maselan ang kuwento. Wala kaming history ng pagpapabaya o pagpapaka-daskul daskul sa aming pagbabalita. Malinaw rin ang record naming nag-a-apologize kami nang matindi at agad-agad sa mangilan-ngilang pagkakataong mali ang report namin.

Sa pangyayaring ito, tinanong namin nang ilang ulit ang source. Sinabi namin dito na hindi kapani-paniwala ang balitang hiwalayan dahil ang pagkakaalam namin ay tunay na matatag ang samahan ng dalawang ABS-CBN stars. Madalas ngang ilabas ng PEP ang mga magagandang balita tungkol sa kanilang pagmamamahalan.

Sa puntong ito, nais din naming linawin na ang PEP ay walang itinatagong agenda. Sa isang banda, wala itong inaalagang artista; sa kabilang banda, wala rin itong sinisiraang artista. Sa isang banda, wala itong kinikilingang grupo; sa kabilang lbanda, wala rin itong kinakalabang grupo.

Ang PEP ay isang independent at professional entertainment portal. Hindi ito gumagawa ng balita; ito ay nagre-report lamang ng mga kaganapan sa showbiz.

Sa kaso nina Angelica at Derek, walang anumang intensyon ang PEP na buwagin ang kanilang samahan.

At kung pahihintulutan namin ang sariling magkomento—para lang luminaw nang husto ang mga bagay-bagay—masasabi namin nang sinsero: Bagay ang dalawa. Maaliwalas silang tingnan. Puro at inosente ang datíng nila as a couple. At wala kaming nakikitang anumang dahilan para hindi maging masaya para sa kanila.

Ngunit sa makailang ulit naming pagtatanong sa aming source—na ang personalidad ay maingat sa pananalita—ilang ulit rin itong tumango upang ipahiwatig na sigurado siya sa sinasabi niya. Kung tutuusin, siya ay matatawag na reluctant source.

Sana raw ay hindi na lang siya nagsabi—kahit pa raw totoo ang sinasabi niyang tapos na ang relasyon ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw din niyang wala siyang alam tungkol sa sinasabing babae mula sa Dumaguete. Sa simula't-simula ay wala siyang komento tungkol dito dahil wala raw talaga siyang alam sa kung ano ang totoo sa kuwentong iyon.

Ang tanging dinagdag nito nang balikan namin siya ay "magde-deny talaga si Derek." Baka raw hindi pa ito handang magsalita. Ayaw naman niya sabihin kung bakit hindi niya binabanggit kung handa ba si Angelica.

Ang pangwakas niyang pananalita ay hindi siya nagkamali sa kanyang impormasyon.

Sa bandang huli, ito ang masasabi ng PEP: Ikinatutuwa namin ang pagtangging ito nina Derek at Angelica dahil mahusay at maganda para sa lahat kung totoong sila pa rin.

Kahit pa sabihing nagkamali ang PEP source—at, tuloy, nagkamali ang PEP sa paglabas ng balita—mas maganda pa rin kung walang hiwalayang naganap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN