Solon suggests investigation on Willing Willie's controversial March 12 episode

"This will not be a fault-finding inquiry. We will ask [Social Welfare] Secretary Dinky Soliman, [Commission on Human Rights] Chairperson Etta Rosales and Willie Revillame to help us find legislative solutions that would avert similar incidents from happening again," Bagong Henerasyon Party List Representative Bernadette Herrera-Dy explains why there is a need to conduct a congressional investigation on the March 12 episode of Willing Willie.


Isang congressional investigation ang iminungkahi ng isang kongresista kaugnay ng kontrobersyal na episode ng programang Willing Willie noong Marso 12.

Ang Willing Willie ang weekday primetime variety program na hinu-host ni Willie Revillame sa TV5.

Sa naturang episode, isang anim na taong gulang na lalaki ang nagsayaw ng "macho-dance routine" sa isang segment ng show. Dahil sa "talent" niyang ito ay binigyan siya ng P10,000 ni Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa ulat ni Paolo Romero ng The Philippine Star, na lumabas ngayong araw, April 1, sinabi ni Bagong Henerasyon Party List Representative Bernadette Herrera-Dy na ang mga naglalabasang mga reklamo tungkol sa show ay dapat maging hudyat na sa Kongreso upang suriin ang kontrobersiya. Ito ay upang malaman kung ano ang mga hakbang na dapat gawin ng mga mambabatas para mas lalong maproteksyunan ang karapatan ng mga kabataan.

Pero nilinaw ni Rep. Herrera-Dy, na siya ring vice chairman ng House Committee on the welfare of children, "This will not be a fault-finding inquiry. We will ask [Social Welfare] Secretary Dinky Soliman, [Commission on Human Rights] Chairperson Etta Rosales and Willie Revillame to help us find legislative solutions that would avert similar incidents from happening again."

Matatandaan na unang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sina DSWD Sec. Soliman at CHR chairperson Rosales tungkol sa isyu.

Nakuha rin ng isyu ito ang atensiyon ng ilan pang kagawaran na nagsusulong sa karaptan ng mga kabataan, tulad ng United Nation Children's Fund (UNICEF) at Council for the Welfare of Children (CWC).

Samantala, ang chairperson naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Mary Grace Poe Llamanzares ay iniutos rin na imbestigahan muna ang nasabing episode. (CLICK HERE to read related article.)

Bago pa man ang suhestiyon na ito ni Rep. Herrera-Dy, nagsumite na ng resolusyon si House Deputy Speaker and Quezon Representative Lorenzo TaƱada III bilang pagkundena rin sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, ang nangyari sa Willing Willie noong Marso 12, "clearly depicted the public humiliation of the boy as he was forced to dance while he cried on live television."

Ang nasabing congressional inquiry ay maaring magsimula sa Mayo 9 sa pag-resume ng session sa Kongreso.

MORE CELEBS EXPRESS DISMAY. Samantala, nang kumalat ang video ng episode na ito ng Willing Willie, may ilang mga artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pamamagitan ng micro-blogging site na Twitter.

Ngunit binalikan naman sila ng host ng Willing Willie na si Willie Revillame noong Martes, Marso 29. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa TV host, "Do'n sa mga artistang nagti-tweet [tungkol] sa akin, tumulong na lang kayo sa inyong mga kababayan. Wag na kayong magsasalita sa tweet n'yo. Hindi ko na ipapakita 'yang mga pangalan n'yo.Kasi pag binanggit ko sa inyo, maraming magagalit sa inyo."

Pero para international Pinay singer na si Lea Salonga, ang pagpo-post ng mga celebrity sa Twitter ay parang pagtulong na rin upang ipaalam sa tao ang tungkol sa issue.

Hindi rin sumang-ayon si Aiza Seguerra sa pagpapatigil ni Willie sa mga tulad nilang aktibong gumagamit ng Twitter upang ipahayag ang kanilang saloobin.

Samantala, isang panawagan naman ang inilathla ni Monique Wilson noong nakaraang Miyerkules, Marso 23. Aniya, kailangang ipahayag ng mga mamamayan at kapwa-artista ang anumang pagkadismaya upang mas mataas pa ang kalidad ng mga programang ihahain ng mga TV network sa mga manonood.

Noong Miyerkules, Marso 30, sa isang press statement, pinaalalahanan ni Senator Pia Cayetano ang producers ng mga programa na dapat nilang isipin ang mga karapatan ng mga kabataan sa lahat ng oras. Umaasa rin siya na maiwasan na ang ganitong insidente sa mga susunod pang panahon.

Kaugnay nito, naglabas na ng moratorium ang TV5 tungkol sa magiging partisipasyon ng mga bata sa kanilang games shows. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang presscon ang ipinatawag ni Willie Revillame bukas, April 2. Inaasahan na sasagutin ng kontrobersyal na TV host ang mga batikos na ibinabato sa kanya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN