Aljur Abrenica assures Robin Padilla he only has good intentions for Kylie

"Walang problema kung sila. Huwag na nila akong isama dun sa love story nila. Kasi kung ako ang tatanungin nila, hindi talaga puwede. Hindi ako puwedeng mag-compromise, hindi ko puwedeng i-compromise ang pinaniniwalaan ko, pananampalataya [ko], para lang ipakita ko sa anak ko na mahal ko siya," says Robin Padilla (right) on reports that his daughter Kylie Padilla (inset) is now dating Kapuso star Aljur Abrenica (left).


Ayaw mang diretsahin ni Robin Padilla, obvious na hindi siya boto sa napapabalitang relasyon ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

Pahayag ni Robin, "Walang problema kung sila. Huwag na nila akong isama dun sa love story nila. Kasi kung ako ang tatanungin nila, hindi talaga puwede. Hindi ako puwedeng mag-compromise, hindi ko puwedeng i-compromise ang pinaniniwalaan ko, pananampalataya [ko], para lang ipakita ko sa anak ko na mahal ko siya."

Si Robin at ang kanyang mga anak ay mga Muslim, samantalang si Aljur naman ay Katoliko.

Ayon pa kay Robin, wala siyang alam kung talagang nanliligaw si Aljur kay Kylie. Hindi naman daw siya tututol, pero madalas daw na pinapayo niya sa kanyang mga anak na huwag silang magmamadali dahil bata pa sila.

"Ako, ang lagi kong sasabihin sa mga anak ko, isa lang: 'Mga bata pa kayo. Kung sa palagay ninyo kayo ay nasa tamang edad na, okey, ako'y sumusuporta sa inyong paniniwala. Pero tandaan ninyo, nag-uumpisa pa lang ang tamis ng inyong mga buhay, huwag muna ninyong isarado. Kalalaya n'yo lang sa amin, huwag kayong kumuha ulit ng security.'

"Pag-ibig, security guard yan!" natatawa niyang pahayag.

ALJUR'S REACTION. Nakarating kay Aljur ang mga pahayag na ito ni Robin. Gusto linawin ng dating Machete star na magkaibigan lang daw talaga sila ni Kylie.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kung nililigawan ba niya si Kylie, matagal siyang nag-isip bago kami sinagot.

Pero sa huli, sinabi niya, "Attracted ako sa kanya. Sobrang attracted ako kay Kylie kasi maganda na at mabait pa."

Ayon pa sa binata, hindi na nga raw sila nagkikita nang madalas dahil pareho silang busy sa kanilang schedule.

"Kapag wala kaming schedule, lumalabas kami minsan around [Tomas] Morato lang. Hindi kami takot makita ng mga tao, kasi wala naman kaming ginagawang masama. At hindi lang naman kami, marami kami," saad nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto lang iparating ni Aljur kay Robin na wala siyang masamang hangarin kay Kylie. Kung saan man daw hahantong ang closeness nila ng dalaga, tinitiyak niyang aalagaan niya ito at hindi lolokohin.

Sabi ni Aljur, "Napakalaki talaga ng respeto ko kay Tito Robin. May alam naman ako ng kahit na konti sa Muslim religion at naniniwala ako sa kanya. Malaki po talaga ang respeto ko sa kanya.

"Hindi ko paglalaruan si Kylie," patuloy niya. "Wala akong masamang hinahangad para sa kanya kundi maging mabuting kaibigan ako para sa kanya at maging masaya pag kasama siya. Maging masaya ako pag kasama ko siya. Inspirasyon ko siya, e."

Wala rin daw dapat ipag-alala si Robin dahil maayos ang friendship nila ni Kylie. Paulit-ulit din niyang sinabi na wala siyang balak na lokohin ito.

"Huwag po siya mag-aalala dahil wala po kaming ginagawang masama. Wala po akong masamang hangarin, o isipin po na lokohin si Kylie. Hindi po dumadaan sa isip ko 'yan.

"Magkaibigan lang kami, masaya kami pag magkasama kami. Alam ko naman ang mga rules na sinasabi, at itinuturing ko rin na espesyal sa akin si Kylie. Ang babae po talaga, hindi niloloko kundi dapat pong mahalin," seryosong pahayag ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN