Rachel Alejandro explains why there's no ring on her finger: "Kasi ang nangyari we just decided na yun na. Diretso na nang wedding ring. Wala nang engagement."

Rachel Alejandro (above) shares how she got engaged to Carlos Santamaria: "We met in Vietnam sometime in October. We were drinking in a very simple bar like one of those street bar places. Wala. I guess it just occurred to us how happy we were and then parang sabi niya, kung ganito tayo kasaya lagi we should probably get married soon! Parang ganon. So, doon lang parang napagkasunduan, okey!"


Sandaling panahon na lang at magiging Mrs. Carlos Santamaria ang singer-theater actress na si Rachel Alejandro sa kanyang fiancé na si Carlos Santamaria sa isang exclusive wedding rites na gagawin sa Boracay.

Pero nakakapagtakang walang naganap na marriage proposal sa singer mula sa kanyang nasabing foreign boyfriend na isang international reporter. Wala ring suut-suot na engagement ring si Rachel.

"Walang proposal."

Bungad na pag-amin ni Rachel sa PEP nong makausap namin siya kamakailan lang.

"We decided it together. Nagkita kami sa Vietnam. Kasi he lives in Bangkok, ako naman dito sa Manila. Every once in a while either pumupunta siya dito or ako ang pumunta sa kanya," aniya.

"But this particular time, we met in Vietnam sometime in October. We were drinking in a very simple bar like one of those street bar places. Wala. I guess it just occurred to us how happy we were and then parang sabi niya, kung ganito tayo kasaya lagi we should probably get married soon! Parang ganon. So, doon lang parang napagkasunduan, okey!

"It's just a question of setting a date. So it wasn't like a big moment na parang you know... it was a decision.

"Siguro pag umabot ka na sa age ko, hellooo! " natawa at parang naiilang na sambit ni Rachel. Thirty-seven years old na si Rachel samantalang turning 31 naman ang kanyang magiging asawa na si Carlos."

"Hindi naman siya yung romantic type of guy. He's very practical. I always thought din na I would eventually make the decision rather than... yung normal na nangyayari na naghihintay yung babae na magsabi yung lalake.

"I knew that I would definitely be part of the decision. Gusto ko na ikakasal na ako," paliwanag niya.

NO RING. Ipinaliwanag rin ni Rachel kung bakit walang engagement ring.

"Kasi ang nangyari we just decided na yun na. Diretso na nang wedding ring. Wala nang engagement-engagement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I guess some women will say na parang ay, parang hindi romantic. Ako, it's okey. Parang mas gusto ko na masaya yung marriage namin rather than to have those little traditional type of things."

Sa loob ng isang taong relasyon nila, paano ito tumakbo lalo na't malayo sila sa isa't-isa? Magkaiba din ang culture, upbringing at mundong kanilang ginagalawan: si Carlos ay nasa news, samantalang si Rachel naman ay nasa showbiz?

"Ang kagandahan lang, at least yung core values are the same in the sense na malapit din siya sa pamilya. Hindi naman sobrang alien ang Spanish culture sa Pilipino dahil very similar naman tayo sa kanila, doon rin naman nagsimula ang karamihang kaugalian nating mga Pinoy. Nagmula rin naman sa mga Spanish.

"So hindi rin naman ganon ka-different pero definitely ang dami naming pagkakaiba. Kasi ako, I'm very like... ano ako, because I've been working for so long. At this point in my life I deserve something already na parang... I'm not saying na ang dami kong pera. I think I've earned enough over the years, I've saved enough for... like for instance I have a business nga di ba?

"Nandito na ako sa point ng buhay ko na I can be good to myself. Siya kasi he's coming from a point na nag-uumpisa pa lang siya sa career niya as a journalist. Hindi pa niya ina-allow ang sarili niya to have the good things in life. So, nandoon kami sa magkaibang point ng buhay namin.

"Kumbaga, even if it's just six years difference, in terms of career, parang ang layo ko na, kumbaga," aniya.

Nasabi na ni Rachel na magiging gaya pa rin ng dati ang set-up nila na hindi sila magsasama sa iisang bubong pagkatapos ng kasal.

"For now lang naman. We're kinda stuck sa ganitong situation for now, kasi may play akong gagawin. Tapos itong Sexy Chef maglu-launch ng mga bagong diet in May. May play akong gagawin sa Atlantis that's going to take another two months. Then, after that Tita Girlie Rodis is planning to produce Larawan musical as a movie. So, that's going to take so many months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Etong first quarter of the year talagang naka-set na sa ganon. Beyond that hindi na ako tumanggap ng play. Kasi may gagawin pa sana akong play in September, hindi ko na tinanggap.

Parang to give a chance nga na kung saan siya ma-re-assign, in the event na malipat siya sa States. Kasi gusto niyang... kasi nag-a-apply siya sa branch nila sa U.S. either sa DC or sa New York. In the event na matuloy yun, ready ako to go."

'HE HAS SEEN ME AT MY WORSE.' How well does she know Carlos?

"I think we know each other pretty well, I've seen the worse kumbaga and he has seen my worse. Nagkakaroon na rin kami ng mga very trying situations katulad nga nitong crisis sa Japan.

"Ang masasabi ko, talagang he's a very courageous person. Parang wala siyang takot. He's very dedicated as a journalist na parang ilalagay niya yung... if a job calls for it... Although, he tells me naman na hindi niya ilalagay ang sarili niya sa panganib na hindi naman kailangan.

"'Mag-i-ingat ako,' sinasabi naman niya yun sa akin. Siyempre, sa akin, naloloka-loka ako sa ganon. Kasi siyempre, as a singer, alien sa akin yung idea na yun. Kasi wala namang danger yung trabaho natin. Nagpapasaya lang tayo ng mga tao. It's more of yung mga ganong little things na hindi namin napagkakasunduan which is kinda a big thing. Yun ang latest conflict namin.

"Kumbaga, wala akong magagawa dahil at the end of the day siya pa rin naman yung magdi-desisyon para sa sarili niya. Career niya yun. Siya naman very supportive sa akin. May offer nga sa akin na telenovela. If I accept it, parang talagang hindi na kami magkikita.

"I didn't turn it down, pero I made it very difficult na... kasi ang dami kong atchu-chuchu! So, parang hindi na natuloy. It's safe to say na winish ko na lang na huwag na lang. Ngayon parang nagli-lie low na rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga raket lang as a singer, yung mga ganyan-ganyan, hindi naman nagiging problema. Pero yung something na long-term na telenovela or a play na talagang uubusin yung oras mo, medyo kailangan pag-isipan ko ng dalawang beses bago ko tanggapin dahil I have to consider na hindi na kami magkikita lalo."

Naisip na raw ni Rachel na posibleng hindi sila magtagal ni Carlos dahil sa kanilang cultural differences at mga pagdadaanang mga pagsubok.

"Siyempre, lahat naman risk, e. We're just like any other couple. I know it seems strange pero ako kasi parang just because the marriage might not last [for me] it's not a good reason para hindi subukan.

"Kasi hindi mo malalaman kung saan pupunta ang buhay mo unless you go for it," paniniwala niya.

GENEVA'S ADVICE. Isa sa mga kaibigang matalik ni Rachel ay si Geneva Cruz na hiwalay na sa kanyang asawang Fil-Am na si KC Montero. May natutunan ba siya sa nangyari sa kanyang kaibigan na maaari niyang i-apply sa papasukin niyang buhay may asawa?

"Alam mo, it's so amazing because Geneva... ang galing niyang bumasa ng mga lalake at saka kung ano yung... alam mo, kaya niya sinabi dahil ganito-ganun-ganon. Naku! Alam niya. Irerekomenda ko siya sa lahat ng mga babae or yung mga may problema sa mga lalake. Ang galing-galing niya.

"Ang lagi niyang sinasabi sa akin is that i have to let him make up his own mind... Alam mo yun? Hindi ko pa puwedeng i-control e.

"Kasi ganon ako e, medyo control freak ako. Gusto ko ganito-ganyan. Siya (Geneva) may style na kailangan make him feel na he's really a man and that he's made the decision on his own.

"Tsaka, make him realize on his own na kailangan ka niya. Kasi I'm always willing to do everything.

"In all of my past relationships ganon ang mga naging problem. I do too much. Women in general, ganon e. Kasi nurturing tayo, di ba? Na pagdating sa mahal natin, willing tayong tumambling, lahat gagawin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi nila na-appreciate yun. Minsan mga mati-take for granted nila. Kailangan feeling nila um-effort rin sila. Yan ang advice ni Geneva sa lahat ng mga babae," paliwanag pa rin ni Rachel.

Ang pagkakaroon ng anak kaagad ay hindi priority nina Rachel at ni Carlos.

"Wala pa kaming plano about that. Hindi siya ganon ka-ano... right now baka bigla kaming lumipat sa US. Up in the air kasi. Maraming plano na up in the air. Maybe someday.

"Ang dami ngang nagsasabing ano ka ba? Matanda ka na! Kailangang magmadali ka na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN