Papa Jack describes his style of giving advice: "Okray na prangka"

Guwapo si Papa Jack sa personal, at hindi bagay sa mukha niya ang boses niya. "Opo mukha daw po akong baklang lasing sa radyo, that's what I always hear," he says.


Sikat na radio jock si Papa Jock sa kanyang TLC at Wild Confessions na programa.

Dito ay may mga callers siyang humihingi ng payo sa kanya tungkol sa sari-saring problema.

Mahusay magbigay ng payo si Papa Jack; saan niya kinukuha ang mga ibinibigay niyang advice?

"Konsepto po ng tama at mali. Feeling ko hindi ko kailangang magpunta ng eskuwelahan para malaman kung ano ang tama at mali," pahayag niya nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Star Box nila ni Ms. Ali Sotto at ng kambal na miyembro ng XLR8 na sina MM at MJ Magno.

Fan si Papa Jack ng isa pang DJ, si Nicole Ayala.

"Dati po sa call center ako, diyan po ako nag-umpisa. On my way to work nakikinig po ako sa kanya. I went to the station po para makita siya."

Ang pagpunta niyang ito ay sinabayan na rin niya ng audition.

"Nag-audition ako, natanggap po ako."

May nagalit na bang caller sa kanya?

"Opo! Welcome naman ako sa ganoon, kasi my radio show po is based on mere opinion, akin yung opinyon e, so when you call my show, binebenta ko yung opinyon ko. Kung ayaw mo ng opinyon ko, huwag kang tumawag kasi ipipilit ko yung akin, e.

"Iyon ang iniingatan ko sa Star Box kasi dito mas mahalaga yung opinyon ng kausap namin kaysa sa opinyon namin."

HELLO, GOOD-LOOKING. Guwapo si Papa Jack sa personal, at hindi bagay sa mukha niya ang boses niya.

"Opo mukha daw po akong baklang lasing sa radyo, that's what I always hear."

Kapag nagbibigay siya ng advice, madalas siyang gumamit ng gay terms, tulad ng "kembyular" na ang ibig sabihin ay sex.

Bakit magaling siya sa gay lingo?

"I have ano po, brothers, two of them po are gay. Kaya ano ako, marunong ng mga ano, terms."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang older at younger brother niya ay gay, at very close siya sa mga kapatid niya.

"Opo, opo, sa magkakapatid po. I always make the effort na mag-'I love you' sa kanila."

May mga boyfriends ba ang mga kapatid niya?

"Ah, hindi ko po pinakikialaman."

Wala pang ipinakilala sa kanya?

"Meron na po pero kumbaga I don't meddle in their personal business po."

CRYBABY. Hindi niya sinaktan o inaway ang mga ito?

"Ay hindi po! If anything po, iyakin po ako kaya hindi ko magagawa iyon."

Ma-appeal sa gays si Papa Jack. Naligawan na ba siya ng bading?

"Nanligaw na bading po? Hindi ko alam po kasi whenever I'm with gay people ano ako e, hindi ako aloof, palagay ako. Siguro... eventually mawawala yung malisya pag friendly ka, instead of ano, creating a barrier."

May nagregalo na nga sa kanya na mga kung anu-ano, tulad ng cellphone. Tinanggap niya ang cellphone dahil...

"I didn't know po kung kanino nanggaling, iniwan lang sa office. It was two years ago."

Any indecent proposal from gays?

"Palabiro po kasi ako, e. Hindi ko po alam kung proposal na yun, pero lagi po akong ano, e. Yung may magpapadala ng kung anu-ano, yung ganyan."

May nagbigay na daw sa kanya ng plane ticket?

"The last time po papunta sa Singapore, for two, kasama po siya. Hindi ko po ginamit, hindi ko po tinanggap."

Kilala niya yung nagbigay...

"I forgot the name po."

Ano ang ginawa niya sa ticket?

"Hindi ko po kinuha yung ticket, nasa kanya po, sinoli ko. This guy po kasi is an owner of a travel agency."

Paano niya ibinalik?

"Sabi ko tatawagan ko na lang po kayo kapag kailangan ko na yan," ang natatawang kuwento ni Papa Jack.

DJ EDGE. Ano ang difference niya sa ibang disc jockeys?

"Wala naman po, siguro po nabigyan lang ng pagkakataon, nauna lang ng bahagya. If anything po kumbaga I revolutionized yung [pang] gabi. Pero marami na pong nagbibigay ng advice, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang nanggaya or ano, like meron ng Joe D' Mango time."

Ang style niya ay kakaiba na nang-ookray siya ng callers.

"Okray na prangka."

Ano ang pinaka-bizarre na sitwasyon na itinawag sa kanya ng isang caller?

"Yung magkapatid na may nangyari po sa kanila. Yung lalaki ang caller."

Ano in-advise niya?

"Wala na, tapos na yun, e. Ganun po ako e, pag tapos na, wala ka ng problema, you have to live with it.

"Iyon ang reality."

Sumubok ka na ba ng acting?

"Nagawa ko na po dati, sa isang indie film. Nag-teatro din po ako dati, theater actor po ako dati.

"Nakalimutan ko na po ang title, I was with Valerie Concepcion and Lloyd Zaragoza, long time ago, pari po ang role ko."

Ang Star Box ng GMA 7 ay mapapanood araw-araw simula sa April 4, Lunes ng umaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN