Nude body painting and free breast exam at "Cleavage Night Part 3," a fund raiser for the cancer treatment of Mocha Uson's mom

Magkakaroon ng show ang Mocha Girls, "Cleavage Night Part 3" sa Mugen Bar, Metrowalk sa April 5 na naglalayong makalikom ng P250,000 para sa chemotherapy ng ina ni Mocha Uson (center). The other members of Mocha Girls are Mae dela Cerna (left) Jhane Santaguiel (right).


Makatuturan ang gagawing show ng Mocha Girls entitled "Cleavage Night Part 3" sa Mugen Bar, Metrowalk sa April 5 na naglalayong makalikom ng P250,000 para sa chemotherapy for two months ng ina ni Mocha Uson.

"Matatapos na ang chemotherapy niya sa June. Tapos na rin ang kanyang radiation therapy kaya kailangan ko ulit gumawa ng fund-raising show para sa kanya. Sino ba naman ang puwedeng mag-fund raising kundi ako, yung anak niya," ang sabi ng malungkot na si Mocha Uson habang pinag-uusapan ang sakit ng mother niya.

"Dalawa sa kasabay niya na nagki-chemotherapy ay pumanaw na. Ang advise sa akin ay dapat agresibo ako sa pag-alaaga sa nanay ko. Ang cancer kasi, one year na chemo 'yun at radiation and then mag-whole body PET/CT scan ka. Kapag hindi kumalat, suwerte ka, pero pag kumalat, magki-chemotherapy ka ulit mula sa umpisa.

"Tinanggal na kasi yung isang breast niya tapos nagra-radiation therapy kaya naaagnas na rin," kuwento niya.

Pinaghahandaan na ba niya kung anuman ang mangyari?

"Oo. Pero ang advise sa akin ng mga friends ko na merong pamilya na may kanser, 'wag ko raw tingnan na ito ang mangyayari in the future, tingnan ko lang 'yung today... Huwag ko na raw tingnan 'yung bukas, next week... ngayon yung importante."

Dahil sa breast cancer ng nanay niya, aware din siya ngayon para sa sarili niya?

"Regular akong nagbi-breast exam. Once a year ako na nagpapa-ultrasound. Basta regular akong nagpapatingin sa doctor ng nanay ko," aniya.

Paano niya hinaharap ang pinagdadaanan niya ngayon?


"Nung una, masakit kasi nag-iisa na lang ang magulang namin at hindi pa stable yung mga kapatid ko. Tatlo kami, yung bunso ay college pa lang, yung pangalawa, nagti-training pa lang sa ospital at may asawa siya. Ako yung panganay.

"Siyempre, mahirap. Kaya lang hangga't may buhay, may pag-asa sabi nga. At saka kung yung mother ko nga na mismong may sakit, mismong tinanggalan ng breast, mismong pinapasukan ng gamot na nakakamatay sa lahat ng cancer cells, e, kinakaya niya. Siya na nga yung may sakit, dapat mas lalo akong maging matapang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dun ko kinukuha ang lakas ko, sa mother ko. Kaya pina-promise ko sa kanya na kasama siya sa laban na ito at gagawin ko lahat na ma-raise yung cancer awareness sa mga babae lalo na sa mga batang babae," aniya.

Ano ang suportang nakukuha niya sa mga kagrupo niya sa Mocha Girls gaya nina Jhane Santaguiel at Mae dela Cerna?

"Eto nga, gaya nitong fund-raising show ko, tinutulungan nila ako dito, sa mga performance namin at pagbebenta ng tikets sa mga kaibigan nila at saka moral support. Pag kailangan ko sila, nandiyan sila," saad niya.

Aminado si Mocha na magastos ang may kanser sa pamilya kaya nagpapasalamat siya sa mga tumutulong sa kanya.

"Hindi talaga kaya ng isang tao o isang pamilya lang. Ako nga, hindi pa ako nakakakita ng ganitong kalaking halaga na P1 million, P2 million. Ang kailangang gastusin namin sa mama ko ay P2.5 million, one year lang 'yun.

"Yung iba nga inuutang pa sa bangko yan tapos payable in 10 years pero kailangan namin ito for her chemotheraphy," ang sabi ni Mocha.

"Dito ko nakita yung power... yung magagawang tulong ng ibang tao kaya nagpapasalamat naman ako na may mga taong tumutulong sa akin tulad ni Congresswoman Lucy Torres -Gomez.

"Alam niya yung pinagdadaanan ng nanay ko, nagulat na lang ako nag-text sa akin yung E.P. namin sa TV5 na i-meet ko raw siya dahil may ipinadalang tulong si Ms. Lucy na malaking halaga na pantulong sa nanay ko. Malaki talaga ang naitutulong ng mga taong ganun," aniya.

"Tapos sa 6Cyclemind na libreng tutugtog sa April 5, ang Magic 89.9, Boys Night Out na libreng iho-host 'yun pati na ang Ice Band. Manonood din daw ang mga friends ko at friends ng nanay ko.

"Dati puro banda lang, pero ngayon sa 'Cleavage Night Part 3,' may nude body painting ang Mocha Girls at welcome pati photographers. Ang tickets ay nagkakahalaga ng P600, plus one drink. Pipintahan ng artists ang katawan ko kasama sina Jhane at Mae, kaya makikita nila sa stage na lalabas ako na naka-nude pero nakapinta para sa breast cancer awareness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron ding free breast exam sa mga babae dun na gustong magpaturo at magpakapa, may doctor kaming invited. Oncologist ang titingin sa boobs nila," ang sabi niya.

"Nagpapasalamat ako dahil nakakaraos naman ako dahil sa tulong ng mga tao. Ginagawa ko ito para kay Mama. Talagang dito mo makikita ang tulong ng mga tao kasi hindi kaya nito ng isang tao lang. Masaya naman ako na may mga taong ginintuang puso," ang sabi niya.

Nagpapasalamat din si Mocha sa suporta sa kanyang event gaya ng Rhino Herbal Tea, Playboy Fragrances, Dr. Jancen, Mini Cooper Club, Sundari, Ideal Vision, Tony & Guy Salon, Royal Entertainment Production, Brady Advertising, Yellow Tail Wine at iFlick photo booth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN