Jed Madela prefers singing to Pinoy audiences despite offers abroad

"You know, when I sing, I don't sing just for the heck of singing. I sing to connect. I sing to touch the heart of the audience. And kapag kumakanta ako sa Pinoy, nakukuha ko 'yon, naa-achieve ko 'yon," says Jed Madela about staying in the Philippines instead of accepting job offers abroad.


Itinuturing na karagdagang karangalan ng award-winning singer na si Jed Madela ang maging boses ng bagong station ID ng The Filipino Channel, o TFC, ang international arm ng ABS-CBN.

Hindi na raw siya nagdalawang-isip pa nang makita niya ang lyrics ng theme song ng video, ang "Tayo ang TFC."

"When I got the material, nabasa ko 'yong lyrics. Sabi ko, 'Nakakaantig naman ng puso ito,'" simula ni Jed.

"Siyempre, halos lahat tayo may mga pamilya abroad. We know exactly how it feels to be separated with them, malalaman mo na talagang nagtratrabaho talaga sila."

Pagpapatuloy ng genuinely talented singer, "'Yon nga, to have this connection here, back in the Philippines, through TFC, iba talaga ang feeling. Siguro lahat ng mga kakilala ko may TFC talaga sila kasi doon sila nakaka-connect, nakaka-reach out sa pamilya nila, kung ano 'yong nangyayari dito sa Pilipinas."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jed sa pocket press conference na inihanda para sa bagong TFC station ID, noong Biyernes, Abril 1, sa ELJ building, sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

Matapos sina "Concert King" Martin Nievera, Broadway and West End actress Lea Salonga, "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano, at ang tinatawag ni Oprah Winfrey na "The Most Talented Girl in the World" na si Charice Pempengco—si Jed naman ang napili ng TFC na kumanta ng theme song para sa ika-17th anniversary ng naturang international channel.

"I'm very, very honored because ako'y isang hamak na fan lang nila," sagot ni Jed nang tanungin ng PEP kung ano ang pakiramdam nang mahanay sa mga performers na ito. "Sobra akong flattered because they look at me as a global Pinoy or an international Pinoy."

Unang mapapanood ang station ID ng TFC mamaya, Abril 3, sa Sunday variety show na ASAP Rocks sa ABS-CBN. Kasabay nito ang launch ng naturang station ID sa iba pang bansang mayroong TFC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERFORMING TO PINOY AUDIENCES. Matatandaan na nagbigay ng karangalan si Jed sa bansa bilang Best Voice of Asia Male Singer of the Year sa Kazakhstan.

At noong 2005, kinilala rin siya bilang Senior Grand Champion Performer of the World sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Burbank, California.

Matapos nito, inamin ni Jed na nakatanggap siya ng ilang offers na magtrabaho na abroad. Subalit mas pinili ng Kapamilya singer na manatili sa bansa, kaya siya ay napapanood tuwing Linggo sa ASAP ng ABS-CBN.

"Ako naman, lagi kong sinasabi, sobra akong proud to be Pinoy...the fact na I gave up opportunitites abroad.

"You know, as soon as nanalo ako noong 2005, there were opportunities na ino-offer sa akin, to be based there and to start a career there.

"But I chose to come back and share the victory with the Filipinos. 'Yon nga, kulit pa rin sila nang kulit na, 'Balik ka dito and start a career here.'"

Isa sa mga nakapagkumbinsi kay Jed na manatili sa bansa ay ang pagtanggap ng Pinoy sa mga local na mang-aawit.

Kwento ni Jed, "I tried it out and performed to a foreign audience. Okay din sila, they appreciate Filipino talent, but iba talaga ang pagtanggap ng Pinoy. When you sing for the Filipinos, mas may connection.

"You know, when I sing, I don't sing just for the heck of singing. I sing to connect. I sing to touch the heart of the audience. And kapag kumakanta ako sa Pinoy, nakukuha ko 'yon, naa-achieve ko 'yon."

Kahit na mas malaki ang posibleng matanggap ni Jed kung tinanggap niya ang mga offer, hindi raw siya nanghihinayang.

"I never regretted anything. Until now, actually, may mga offers pa rin," pagtatapat ni Jed.

"But if I accept these offers, it will be per-work basis. Gusto ko talaga dito ako based sa Pilipinas. Iba talaga, e. Sabi nga nila, 'There's no place like home.' Iyong Pilipinas talaga is hometown."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Ako kasi, it's not all about the money. It's not about the prestige of being a Hollywood star."

Dito ay sinabi niya sa PEP ang talagang inaasam-asam niyang recognition: "Ako kasi, gusto ko talagang makilala bilang isang Pinoy—global Filipino or international Pinoy.

"And I want to use this status that I've built to showcase talaga, ipaalám sa buong mundo na magagaling ang mga Pinoy."

Natutuwa rin ang itinuturing na "The Voice" ng bansa na unti-unti nang nakikilala ang mga Pinoy sa buong mundo.

Aniya, "Lately, nangyayari na, with the discovery of Arnel [Pineda] and Charice. Now, nadi-discover na rin 'yong mga sikat na international stars na may dugong Pinoy—and they're not ashamed to admit na Pinoy sila!

"Di ba, dati kapag sinabing Pinoy or Asian ka, they look down on you? Pero ngayon, I'm happy na umiiba na ang tingin nila sa Pinoy!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN