Papa Jack reveals rags-to-riches story: "Nagtitinda ako sa palengke, nagtatanim ako sa bukid, nag-aalaga ako ng mga baboy."

Pagdating ng high school ay working student pa rin si Papa Jack, pero isa pang pinagkakitaan niya ay ang pagsali sa mga male beauty contest.

"Hindi ko naman kinakahiya iyon," mabilis na sambit ni Papa Jack. "Sumasali ako ng mga contest noon. Mga modeling contest kung tawagin nila sa probinsiya. In fairness, nananalo ako!"


Sa likod nga nang pagpapatawang ginagawa ng sikat na radio jock-turned TV host na si Papa Jack, may malungkot na kuwento rin pala ito sa kanyang buhay.

Bagama't marami ngang napapasaya si Papa Jack sa pamamagitan ng kanyang No. 1 radio show tuwing hating-gabi sa Love Radio na TLC (True Love Confessions) and WC (Wild Confessions), may pinagdaanang mga pagsubok ang kanyang mga ngiti at halakhak.

Para nga kay Papa Jack, isang simpleng tao lang daw siyang dumaan sa maraming hirap para maabot niya ang tinatamasang tagumpay ngayon.

Pinanganak at lumaki sa Alcala, Pangasinan, si Papa Jack na ang tunay na pangalan ay John Gemperle. Sampung taon pa lang daw si Papa Jack ay natuto na siyang magbanat ng buto dahil sa kanilang kahirapan.

Laki sa isang broken home si Papa Jack at sa kanilang ina sila naiwang magkakapatid.

"Believe it or not, ten years old pa lang ako, marunong na akong magtrabaho. At hindi basta trabaho, talagang trabaho na mabibigat at pang-matanda."

Pag-isa isa niya sa mga gawaing ito, sinabi niya, "Nagtitinda ako sa palengke, nagtatanim ako sa bukid, nag-aararo ako, nag-aalaga ako ng mga baboy. You name it, lahat ng mga puwedeng gawin sa probinsya ay nagawa ko na."

Hindi biro ang oras ng gising at trabaho sa bukid, aniya. "I would wake up around four in the morning at diretso na ako sa bukid. Ginagawa ko 'yan bago ako pumasok sa school.

"After school naman, sa palengke ako dumidiretso para tumulong sa mga nagtitinda roon.

"Kaya sanay ako sa trabahong mabibigat. Kinasanayan ko na. Kung hindi ako tutulong, wala kaming kakainin ng pamilya ko," pag-alala pa ni Papa Jack.

Mabuti na lang daw at napag-aral pa rin daw silang magkakapatid ng kanyang ina kahit isang kahig, isang tuka ang naging buhay nila.

Pagdating ng high school ay working student pa rin si Papa Jack, at dito ay isa pang pinagkakitaan niya ay ang pagsali sa mga male beauty contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman kinakahiya iyon," mabilis na sambit ni Papa Jack.

"Sumasali ako ng mga contest noon. Mga modeling contest kung tawagin nila sa probinsiya. In fairness, nananalo ako!" malakas na tawa ni Papa Jack.

"Ilang beses din akong nanalo ng title. Pinakamalaking cash prize na nauwi ko ay P10,000. Malaking bagay na iyon sa pamilya namin! Masarap na ang nakakain namin niyan.

"Pero hindi ko naman buo na naiuuwi ang pera. Ihihiwalay mo na yung para sa nagpasok sa iyo sa contest at yung naging talent scout mo.

"Kahit na nabawasan, may take home pa rin ako at binibigay ko iyon sa family ko para sa mga gastusin namin."

Noong palarin na makapasa sa entrance exam sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) si Papa Jack, doon lang siya unang nakipagsapalaran sa Maynila. Mass Communication ang kanyang naging kurso sa PUP.

Sa Maynila, hindi pa rin niya tinantanan ang pagtrabaho. "Working student pa rin ako noong nakapag-aral na ako sa Manila. Nagtrabaho ako ng kung anu-ano pa rin."

Dagdag niya, sabay tawa ulit, "On the side, sumasali pa rin ako sa mga bikini contest sa mga comedy bars. Suki na nga ako, e!

"Basta may mabalitaan ako na bikini contest, sasali talaga ako. Physically fit pa tayo noon kasi kaya malakas ang loob kong sumali. Mas malaki kasi ang premyo.

"Mabuti na lang at sinusuwerte pa rin tayong may maiuwi ako na premyo.

"Half of the prize na napapanalunan ko, tinatago ko for my expenses sa school and the rest pinapadala ko sa probinsiya."

Sabi nga niya, "Kahit na nasa malayo ako, my family is my main concern. Kaya hindi puwedeng wala akong trabaho."

Kapag nagbabalik-tanaw nga si Papa Jack sa mga struggling days niya, napapangiti na lang daw ito at nagtataka kung paano niya na-survive ang mga araw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panay nga raw ang pasalamat niya sa Panginoon dahil nabigyan siya ng lakas ng loob para makatulong buhayin ang pamilya niya.

"Wala naman tayong choice talaga noon. Hindi naman kami mayaman. Kaya yung pagtulong sa pamilya ko ang tanging laman ng utak ko.

"Ngayon at medyo nabiyayaan na tayo ng magandang trabaho at career, malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon. Kung hindi ako dumaan sa mga pagsubok na iyon noong araw, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.

"All that happened to me in the past are parts of what I am and where I am today.

"Kaya nga kapag nakakarinig ako ng mga callers sa radio show ko na nasisiraan na sila ng loob or nawawalan na sila ng pag-asa sa buhay, I always tell them to pick themselves up and go on with life.

"Dumaan na kasi ako sa ganyang buhay. I've been there, and if I weren't strong to deal with it, baka baliw na ako ngayon!" tawa ulit niya.

"Kung kinaya ko, makakaya rin ng iba diyan. Always remember to pray and thank the Lord for all the challenges in life. Sa ending naman, may kapalit ang lahat ng pinagdaraanan nating hirap sa buhay."

May sariling pamilya na rin si Papa Jack ngayon. Isang non-showbiz girl ang kanyang kinakasama, at meron silang 6-year old daughter. Kaya lahat daw ng blessings niya ay para na rin sa kanyang sariling pamilya.

"More than the blessings that I'm receiving, ang magkaroon ng sariling pamilya ang masasabi kong naging kapalit ng lahat ng pinagdaanan ko noon.

"To be able to raise your own family is really a miracle. I cannot ask for more sa Panginoon. Kung may hihilingin pa ako sa Kanya, siguro it would be guidance and protection for my family."

Bukod nga sa kanyang hit radio show, mapapanood na rin sa TV si Papa Jack sa pamamagitan ng bagong talk show ng GMA-7 na Star Box. Magsisimula ito ng Abril 4. At kasama niya rito ang nagbabalik-TV na si Ali Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like to thank GMA-7 for giving me this big break on television. May mga offers na ako from different networks, pero mas pinili ko ang maging Kapuso.

"GMA-7 has been good to me ever since. Ilang beses na akong nakapag-guest sa mga shows ng GMA-7 at maganda ang trato nila sa aming mga radio host. Kaya bakit ka pa lalayo sa pagiging Kapuso?"

At para sa pilot telecast nga ng Star Box, si Marian Rivera ang special guest nila. Sa Tutuban Divisoria ang first episode ng show.

"Best Lover, Seloso Ever" ang topic sa unang telecast ng Star Box.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN