Arnell Ignacio files extortion complaint against three highway patrol police officers

Arnell Ignacio says he felt humiliated after three members of Philippine National Police-Highway Patrol Group allegedly extorted money from him two weeks ago.


Nagsampa ng kasong extortion ang comedian-TV host na si Arnell Ignacio laban sa tatlong miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group kamakailan dahil sa umano'y pagpapahiya sa kanya ng mga ito dalawang linggo na ang nakararaan.

Sa ulat na nailathala sa ABS-CBN News kanina lamang, Abril 4, sangkot sa kasong ito sina PO3 Jose Levy Llagas, PO3 Neil Pono, at PO1 Jose Lasala.

Ayon kay Arnell, kriminal na umano ang pagturing ng tatlong alagad ng batas sa kanya nang sundan siya dahil sa kanyang dalang Porsche sa lungsod ng Pasig noong gabi ng Marso 26.

Sa radio interview niya kay Noli de Castro, sinabi ni Arnell na, "Napakasakit ng ginawa ng tatlong 'yan sa akin. 'Yong katakot-takot na kahihiyan na inabot ko sa kalye na 'yon. Biruin ninyo, 'yong tratuhin kang kriminal, limang taon kong hinulugan 'yang kotse na yan."

Kuwento pa ng dating Gobingo host, "Hindi ako pinara, sumusunod sa akin ang patrol car 875... Ang sabi sa akin, bakit daw 'yong plaka wala. Sabi ko, nandito ang plaka. 'Ka ko, 'Ang mga turnilyo ko nalaglag kasi ginamit sa exhibit ang sasakyan.' Ito at nandito din ang papeles ko. Tsinek din nila doon sa kanilang record, it was registered under my name."

Sa kabila ng mga papeles na nagpapatunay ng kanyang pagmamay-ari ng sasakyan, hiningan pa rin ng mga pulis si Arnell ng P100,000 para umano sa kanyang violation. Gayunman, iginiit ni Arnell na wala siyang ginawang anumang paglabag.

"Ito pa ang tanong, 'Saan ka pinanganak?' Sabi ko sa Maynila. Sabi niya, 'Ang kotse mo pang-probinsiya.' Nanarantado," sabi pa ni Arnell.

Ayon sa komedyante, lasing daw si Pono nang mangyari ang insidente.

Dahil sa pananakot na i-impound ang kanyang luxury car, pumayag na rin si Arnell na magbigay ng pera. Sinamahan pa raw siya ng tatlong pulis papunta sa kanyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo pa ngang naengganyo kasi nakita nila marami daw akong pera, marami daw akong kotse. Sabi ko, 'Hindi na ako nagtatrabaho sa TV, nananahimik na po ako," pahayag ni Arnell.

Ayon kay Arnell, itinatanggi raw ngayon ng tatlo ang naturang insidente. Subalit, sabi ng komedyante, "Hindi nila alam may CCTV dito sa bahay at nakita ng mga kapitbahay kasi ngayon dini-deny nila 'yan. At ako pa daw ang nakainom.

"'Yong pag-abot ko ng pera, walang nakakita... Ang daming tao nakakita sa kanila na katabi ko, dinala nila ang patrol car nila dito."

Sa ngayon, ipinag-utos na ni Chief Supt. Leonardo Espina ng PNP-HPG na ma-disarm at imbestigahan ang tatlong sangkot na pulis, bagay na ikinatuwa ni Arnell.

Samantala, nangako naman si Arnell na itutuloy niya ang kasong ito. Nanawagan din siya sa mga katulad niyang nabiktima ng mga pulis na lumantad at magsumite ng nararapat na kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN