Sigwa and Emir named Best Pictures at the 8th Golden Screen Awards

(Top, L-R) Sid Lucero, Best Actor-Drama for Muli; Angelica Panganiban, Best Actress-Musical or Comedy for Here Comes The Bride; Tirso Cruz III, Best Supporting Actor for Sigwa; Lovi Poe, Best Actress-Drama for Mayohan; Martin del Rosario, Breakthrough Performance by An Actor for Dagim; and Frencheska Farr, Breakthrough Performance by An Actress for Emi


Idinaos ang 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (Enpress), sa Teatrino, Promenade, Greenhills, noong Sabado, April 2, 2011. Ang Enpress ay kinabibilangan ng mga entertainment reporters, editors, at columnists ng ibat-ibang media.

Dinaluhan ito ng ilan sa pinakamalalaking pangalan ng industriya.

Ang comedienne na si Eugene Domingo at ang actor-politician na si Roderick Paulate ang tumayong hosts ng programa. Sila ang mga nanalong Best Actress at Best Actor (in a Musical or Comedy Motion Picture), respectively, noong nakaraang taon.

MIX OF NEW & VETERAN TALENTS. Ang pelikulang Emir ng Film Development Council of the Philippines at Cultural Center of the Philippines ang nagwaging Best Motion Picture (Musical or Comedy).

Ang direktor nitong si Chito Roño ang nanalong Best Director.

Ang bida ng Emir na si Frencheska Farr ang nanalo sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actress.

Nag-tie naman sa Breakthrough Performance by An Actor sina Martin del Rosario para sa Dagim at Rocky Salumbides para sa Tarima.

Ang Sigwa ang itinanghal na Best Motion Picture (Drama).

Dalawa sa cast members nito ang nagwagi ng acting awards—sina Tirso Cruz III (Best Supporting Actor) at Zsa Zsa Padilla (Best Supporting Actress).

Nagpasalamat si Tirso sa aniya’y napakagandang birthday gift. Nagdiwang ng kanyang "50-something" birthday ang dating matinee idol noong April 1. Pinasalamatan din ng aktor ang kanyang asawa at mga anak, at ang Diyos "who graciously loaned me this talent."

Halata namang nagulat sa kanyang award si Zsa Zsa, na naroon upang tanggapin ang "Icons" award sa ngalan ng kanyang partner na si Dolphy.

"Nagpunta lang naman ako dito para tanggapin yung award ni Tatay Dolphy. Isang malaking sorpresa ito para sa akin. Ito po ay labor of love sa karamihan sa amin."

Dagdag nito, tungkol sa direktor ng Sigwa na si Joel Lamangan, "Direk, ginawa ko yung pelikula dahil mahal na mahal kita," saad ng Divine Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nakakuha ng top acting honors—Best Actor at Best Actress—ay sina John "Sweet" Lapus (Here Comes The Bride) at Angelica Panganiban (Here Comes The Bride) sa Musical or Comedy category.

Sina Sid Lucero (Muli) at Lovi Poe (Mayohan) ang nakakuha ng top acting honors sa Drama category.

Hindi nakadalo si John Lapus sa awards night. Ngunit naroon naman ang kaibigan niyang si Kris Aquino para tanggapin ang kanyang kauna-unahang acting trophy.

Halinhinang binasa nina Kris at Eugene ang napakahabang acceptance speech na ipinadala ni Sweet via SMS.

"Who could better accept this award in my behalf but my good friend, Kris, who witnessed my struggles as an artist. Hopefully, and I pray that with this award, my struggles will be over," saan ng isang text message.

Sinabi rin dito, "This award came at a perfect time, sa oras na kailangan ko ng validation and acknowledgment kung tama ba’ng industriya na pinasok ko. Tamang-tama pala!"

Dagdag naman ni Kris: "Ako talaga ang nag-volunteer to come here, for all the times na siya ang tumayo para sa akin sa mga okasyon ni Josh. Tamang-tama na for the first award that he’s receiving ay nandito ako." Si Josh, ang panganay na anak ni Kris, ay malapit na malapit kay John.

Hindi naman daw makapaniwala si Angelica na siya ang nanalo. Mas unang nakilala si Angelica sa drama.

"Hindi ko in-imagine, hindi ko inisip na magkakaroon ako ng trophy bilang nakakatawang nilalang," pasimula ni Angelica. "Pinapangako ko sa inyo na lalo kong pagbubutihan itong pinasok kong kalokohan.

"Sobrang dami ko pong pinagdadaanan nung ginagawa ko yung movie at hindi ko talaga alam kung bakit ako naging nakakatawa sa pelikulang ito.

"Kahit hindi ako naiintindihan ng daddy ko, bilang Amerikano siya, para sa kanya ’to, at alam kong proud na proud na naman siya sa nakuha ko ngayon," saad ni Angelica. Kamakailan lang nakilala ni Angelica ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nakaligtaan pasalamatan ni Angelica ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay, na hindi niya kasama noong gabing ’yon.

"Siyempre, hindi puwedeng hindi ko pasalamatan si Derek na never kinontrol ang lahat ng desisyon ko sa pagiging artista ko.

"At malaking bagay yun sa akin, na sinusuportahan niya ako sa lahat ng ginagawa ko, maghubad man ako o magpatawa ako o umiyak o makipag-love scene sa ibang lalake. Maraming-maraming salamat."

Pahabol pa niya patungkol sa napabalitang breakup nila, "So, alam ninyong lahat ngayon na hindi kami break!

"Nasa Boracay po siya kaya wala po siya ngayon. Pero sabi ko, magkulong na lang siya sa room para wala nang tsismis."

Ayon naman kay Sid tungkol sa kanyang panalo, "This award was the first award that I ever received. It intensified the flames of my passion for this craft. An actor is only as good as his co-actors. I’m lucky that I have worked with good actors in all of my projects."

Ikagugulat nga ng marami na ang Golden Screen award ang unang acting award ni Sid Lucero. Tinatanggap kasi sa industriya na isa siya sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon. May mga nagsasabi pa ngang siya ang pinakamahusay.

Kinabahan naman si Lovi nang tanggapin niya ang kanyang tropeyo.

Aniya, "I still can’t believe that I’m up here holding this award kasi lahat ng [kasama kong na-nominate] ay tinitingala ko. So, I’m really really happy and so honored to be up here."

Matapos nito ay binanggit niya ang yumaong King of Philippine Movies, si Fernando Poe, Jr.: "I’d like to thank my dad, Mr. FPJ, because without the experiences [I went through] being his daughter, I don’t think I would be able to shed a tear without experiencing those difficult times, good times. I wouldn’t be here without him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin niya, na may patukoy sa pangyayaring nakulong ang boyfriend niyang si Ronald Singson sa Hongkong dahil sa pagpasok nito ng drugs doon: "At lahat ng nangyayari sa akin ngayon, may rason, masama man o maganda. I know may reason. Kung masama man yun, at least may paghuhugutan ako para umiyak ulit."

ICONS. Bukod sa film awards, nagbigay-pugay rin ang Enpress sa mga binansagang "icons" ng Philippine movies.

Ito ay kinabibilangan nina Fernando Poe Jr., Nida Blanca, Ramon Revilla Sr., Susan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero, Dolphy, Joseph Estrada, Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, at Judy Ann Santos.

Si Mother Lily Monteverde ng Regal Films ang nag-abot ng plaque kay Ms. Gloria Romero.

"Talagang aalagaan ko ito. I have been in the business for sixty years. I think that I’ve been in showbiz long enough to deserve this award," saad ng maganda at mahusay na veteran actress sa kanyang award.

Si German Moreno naman ang tumanggap ng award sa ngalan ng Superstar na si Nora Aunor. Ayon kay Kuya Germs, nagkausap sila ni Ate Guy kamakailan sa Australia.

"Aminado siyang malaki ang pagkukulang niya," sabi ni Kuya Germs. "Ngunit sa panahon ng tagumpay niya ay madami ang nakinabang. At malaki ang naging kontribusyon niya sa industriya."

Ang plaque ni dating Pangulong Erap ay tinanggap ng kanyang anak na si Senator Jinggoy Estrada.

Si Zsa Zsa Padilla naman ang tumanggap ng para kay Dolphy.

Ang apo ni Ramon Revilla Sr. na si Bryan Revilla ang tumanggap ng karangalan para sa kanyang lolo.

Si Roderick Paulate naman ang tumanggap ng plaques ng kanyang mga matalik na kaibigan na sina Governor Vilma Santos at Maricel Soriano.

Sa pagtanggap ni Fanny Serrano ng award para kay Sharon Cuneta, sinabi nito, "Na-witness po ng dalawang mata ko kung paano maging isang Megastar. Mahirap na masaya. Kaya kuntento na akong maging si Fanny Serrano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LINO BROCKA AWARD FOR IPE. Ang award-winning actor na si Phillip Salvador naman ang pinarangalan ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award.

Ang kaibigan nitong si Senator Jinggoy Estrada ang nag-present sa kanya ng karangalan.

Akma naman ito, dahil ayon kay Ipe: "Si Lino ang naging instrumento upang magkaroon ako ng malaking pagkakataon na maging artista. Sa akin, napakaimportante nito. Siya ang mentor ko. Siya ang nagturo sa akin ng lahat upang mapagbuti ko ang aking craft.

"Ang kabilin-bilinan lang niya sa akin, ’Sa trabaho mo, huwag kang mag-aargabyado ng kapwa mo artista. Kung kailangang tulungan mo, tulungan mo.’

"With all due respect sa lahat ng mga direktor, pero alam ko na mag-a-agree kayo that—he is the greatest director of all time!" pahayag pa ni Ipe, na sinang-ayunan naman ng mga nasa audience sa pamamagitan ng isang masigabong palakpakan.

Matapos tanggapin ang award ay nadaanan niya ang dating karelasyon na si Kris Aquino at binati niya ito. Nagbeso ang dalawa. Si Phillip ang ama ni Joshua.

LIST OF WINNERS. Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 8th Golden Screen Awards:

Breakthrough Performance by An Actor: Martin Del Rosario, Dagim & Rocky Salumbides, Tarima

Breakthrough Performance by An Actress: Francheska Farr, Emir

Best Visual Effects: Ambient Media and Thaumatrope Animation, RPG Metanoia

Best Musical Score: Josefino Toledo, Emir

Best Sound: Albert Michael Idioma & Addis Tabong, Emir

Best Original Theme Song: "Bakit Ako Naririto?" from the movie Emir, music and lyrics by Gary Granada, interpreted by Frencheska Farr

Best Production Design: Rodrigo Ricio, Emir

Best Editing: Jerrold Tarog, Emir

Best Cinematography: Neil Daza, Emir

Best Story: Chito Roño and Jerry Gracio, Emir

Best Original Screenplay: Bonifacio Ilagan, Sigwa

Best Supporting Actor (Drama, Musical or Comedy): Tirso Cruz III, Sigwa

Best Supporting Actress (Drama, Musical or Comedy): Zsa Zsa Padilla, Sigwa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Director: Chito Roño, Emir

Best Actor (Musical or Comedy): John Lapus, Here Comes The Bride

Best Actress (Musical or Comedy): Angelica Panganiban, Here Comes The Bride

Best Actor (Drama): Sid Lucero, Muli

Best Actress (Drama): Lovi Poe, Mayohan

Best Motion Picture (Musical or Comedy): Emir

Best Motion Picture (Drama): Sigwa


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN