ABS-CBN announces five new channels for Digital TV broadcasting

"Tapos na yung malalabong signal, grainy pictures at pangit na audio quality ng isang palabas, kapag naging digital na ang signal na nakukuha ng TV mo. Ang maganda pa nito, it’s a one-time payment thing lang... Kasama pa sa Digibox ang limang additional channels from ABS-CBN..." enthuses ABS-CBN DTV marketing head Miguel Mercado (3rd from left) with radio host Ahwel Paz (extreme left), KBP legal counsel Atty. Reggie Jularbal (2nd from left)


In-announce kaninang tanghali, Abril 4, sa press conference na naganap sa ABS-CBN Dolphy Theater, ang nakatakdang paglu-launch ng Kapamilya Network ng DTV o Digital TV.

Ang DTV ay ang bagong teknolohiyang gagamitin ng Kapamilya station upang mas lalong makarating ang kanilang signal sa mas nakararaming manonood na Pilipino sa pamamagitan ng digital transmission.

Sa paggamit ng digital transmission kaysa sa kasalukuyang analog transmission, mas magiging malakas ang signal, mas malinaw ang mga imahe, at mas klaro ang tunog ng bino-broadcast na palabas ng isang TV station.

Sabi nga ni Miguel Mercado, marketing head ng ABS-CBN DTV, "Para kang nanonood ng DVD kapag naka-DTV ka na!

"Tapos na yung malalabong signal, grainy pictures at pangit na audio quality ng isang palabas, kapag naging digital na ang signal na nakukuha ng TV mo.

"Ang maganda pa nito, it’s a one-time payment thing lang at para ka lang bumili ng DVD player which costs around one thousand to three thousand pesos.

"Kasama pa sa Digibox ang limang additional channels from ABS-CBN na naka-cater para kay Nanay, para kay Tatay, para sa youth at dalawang channels na pambata," bida pa ng DTV marketing head.

Wala raw pinipiling brand o modelo ng TV ang ilu-launch nilang DTV Digibox. Ikakabit lang ito sa antenna port ng telebisyon, at puwede nang makasagap ng mas malinaw na digital broadcast mula sa kahit saan pang TV network na may digital transmission technology.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung pareho lang ba ito ng Digibox na ipinamimigay ng libre ng ABS-CBN subsidiary na SkyCable sa mga subscribers nito, at kung free-to-air channels lang ng ABS-CBN ang masasagap nito.

"No. The SkyCable Digibox is for the cable channels. Kung gusto mong makakuha ng mga imported channels like HBO, Star World, sa cable lang talaga yun at kailangan talaga ang SkyCable doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ito kasing DTV Digibox, it’s for those who can’t afford cable, those who can’t receive TV signals dahil sa mga humaharang na matataas na buildings at malalayong lugar, at doon sa talagang free-to-air channels lang ang kaya.

"Hindi lang ABS-CBN channels ang makukuha nito, kundi pati na rin ibang networks, just as long as they have digtal TV technology," sabi pa ni Mr. Mercado.

READY FOR DIGITAL. Mula pa raw 2007 nagsimula ang research at testing ng ABS-CBN sa digital transmission. At nung nakaraang taon, nagsagawa nga raw sila ng tests sa mga malalayong lugar sa Pilipinas at sa mga lugar na may problema talaga ang signal.

Successful at positibo naman daw ang resulta ng kanilang tests, kaya nga raw nag-announce na sila ng nakatakdang paglu-launch ng DTV ng ABS-CBN.

Hihintay na lang nila ang go-signal at final guidelines ng National Telecommunications Commission (NTC ) na naka-schedule na lumabas sa June ng taong ito.

Kasama sa guidelines ang pipiliin ng NTC na "standards ng digital technology," ayon sa ABS-CBN corporate communications chief na si Bong Osorio, na nakausap din ng PEP.ph. "Nasa NTC kung susundin ang Japanese o European standards."

Pag may go-signal na mula sa NTC, magsisimula na raw sila ng digital transmission at ang pagbebenta ang DTV Digibox sa publiko.

Naglabas kasi ng kautusan nung nakaraang taon ang NTC, na upang makasabay sa broadcasting technology sa Europe, U.S., Japan, South Korea, at iba pang mga bansa sa buong mundo, kinakailangan nang mag-switch mula sa analog to digital broadcasting ang mga TV stations sa bansa.

Ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) legal counsel na si Atty. Regie Jularbal, na naroon din sa presscon, tatlo pa lamang sa mga lokal na istasyon ng TV ang sumusubok ng digital transmission.

Ito ay ang ABS-CBN, NBN Channel 4, at ang GEMTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama sa presscon ng ABS-CBN si Atty. Jularbal, upang ipabatid daw sa lahat na ang paglu-launch ng DTV Digibox ng ABS-CBN ay susunod sa "must carry" policy ng KBP.

Ibig sabihin, hindi lamang mga channels at programang galing sa Dos ang masasagap ng Digibox, kundi maging ang mga galing din sa GMA-7, TV5, at iba pang TV networks.

"Just as long as they have digital signal," sabi pa ng KBP lawyer.

OTHER CHANNELS TO GO DIGITAL. Sa pakikipag-usap naman ng PEP sa representatives ng GMA-7 at TV5, ginarantiya ng mga ito na papunta na rin sa digital broadcasting technology ang kani-kanilang TV networks.

"We’re on our way there," sabi ng GMA-7 representative na nakausap ng PEP.

Samantalang ang TV5 naman ay sinabing gumagamit na ng digital technology sa pamamagitan ng cable company nitong Cignal Cable.

"Sa Cignal Cable, digital na. But the homes are not ready pa. So, hindi pa puwedeng mag-digital transmission ang TV5. But we’re digital-ready. NTC requirement for everyone to go digital is 2015. TV5 is ready na," pahayag pa ng TV5 representative.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN