Judy Ann Santos and celebrity friends appear on Talentadong Pinoy for Ryan Agoncillo’s birthday special

The birthday special of Ryan Agoncillo on Talentadong Pinoy features some of his friends from showbiz competing for the title "Celebrity Talentado." Ryan’s wife, Judy Ann Santos, also makes a special guest appearance as one of the talent scouts.


Ginanap kagabi, April 4, sa Skydome sa SM North EDSA ang birthday special ni Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy.

Dahil birthday ni Ryan, na siyang host ng Talentadong Pinoy, isang special guest talent scout ang bisita nila. Ito ay walang iba kundi ang misis ni Ryan na si Judy Ann Santos.

Kauna-unahang TV guesting ito ng aktres mula nang ipinanganak niya ang anak nila ni Ryan na si Lucho.

Kasama si Judy Ann ng resident talent scouts ng naturang talent search program ng TV5 na sina Lucy Torres-Gomez, Shalala, at Direk Jose Javier Reyes.

Ang chairperson naman ng jury ay ang ina ni Judai at mother-in-law ni Ryan na si Carol Santos.

CELEBRITY SHOWDOWN. Since espesyal nga ang naturang episode, isang Celebrity Showdown ang naging tema ng palabas noong gabing ’yon. Mga celebrity na close kay Ryan ang nag-compete para maging "Celebrity Talentado."

Ang unang nag-perform ay si Daiana Menezes, a.k.a. Lady Amigaga. Naka-costume na tila isang belly dancer, kumanta at sumayaw si Daiana ng kanta ni Shakira na "Waka Waka Africa." Dabarkads ni Ryan si Daiana sa top-rating noontime show na Eat Bulaga! sa GMA-7.

Pangalawang nag-perform sina Jose Sarasola at Marion dela Cruz, a.k.a. MC Tuklaw & MC Quintin Tarantahin. Naging kaibigan ni Ryan sina Jose at Marion sa Argentina, kung saan ginanap ang reality show noon ng ABS-CBN na Pinoy Fear Factor. Naging participantes sina Jose at Marion, samantalang si Ryan naman ang nag-host ng programa.

Celebrity contestant No. 3 si Miriam Quiambao, a.k.a. Magnetic Miriam, na kumanta ng "Fireworks" ni Katy Perry. Dating nakasama ni Ryan si Miriam sa Unang Hirit ng GMA-7.

Pang-apat na nag-perform si Jeffrey Santos, a.k.a. Bayaw. Si Jeffrey, as we all know, ang nakatatandang kapatid ni Judy Ann. Isang kakaibang drama-skit mula sa El Filibusterismo ang ipinamalas ni Jeffrey, kasama ang dati niyang kasamahan sa That’s Entertainment na si Brylle Mondejar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Celebrity contestant No. 5 naman si LJ Moreno, a.k.a. Daredevil Chic. Sumayaw na tila isang showgirl si LJ na may lifting pa. Nasa grade school pa lamang noon si LJ at nasa high school si Ryan ay magkaibigan na sila. Naging participante rin si LJ sa Pinoy Fear Factor.


"VERY, VERY SPECIAL GUEST." Isang "very, very special guest" naman ang kumanta at sumayaw for the birthday boy—ang panganay na anak nina Ryan at Judai na si Yohan.

Kasama ni Yohan na kumanta ng "You Belong With Me" ni Taylor Swift ang pamangkin ni Ryan na si Macqui, na anak ng kuya ni Ryan na si Dondee Agoncillo.

Very first TV performance ito ni Yohan. Natatawang sabi nga ni Ryan, ang tagal niyang pinigilan na lumabas sa telebisyon ang anak, but this time, wala na siyang nagawa.

Isang special VTR din ang ipinalabas kung saan nagkuwento ang mga magulang ni Ryan na sina Daddy Chito at Mommy Nina, at Kuya Dondee ni Ryan, ng mga bagay-bagay tungkol sa TV host-actor.

Isang malaki, kumpleto, at mamahaling tool box naman ang regalo kay Ryan ng kanyang Talentadong Pinoy family. Tuwang-tuwa si Ryan sa naturang regalo. Matagal na raw kasi niyang plano na simulang mag-aral magkumpuni ng sasakyan. Kahit daw kasi car racer siya, hindi pa siya marunong magkumpuni ng sasakyan.

"It could be my fallback [career]!" ang natatawa niyang sabi.

Upang malaman kung sino ang nagwagi sa Celebrity Showdown, mapapanood ang special edition na ito ng Talentadong Pinoy sa TV5 sa April 10, Linggo, na mismong kaarawan ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN