Luis Manzano has not yet said yes to ABS-CBN primetime series Alta

"Ako, if there’s one thing na kaya kong ipagmalaki, yung kaya kong sabihin nang taas-noo, anuman ang mayroon ako ngayon, pinaghirapan ko. It’s not an easy ride. It was not a free path for me. Di porke’t anak ka ni ganito, ni ganyan, madali ang lahat para sa akin," says Luis Manzano.


Nilinaw ni Luis Manzano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang kasama raw siya sa cast ng upcoming ABS-CBN primetime series na Alta. Ayon kasi sa reports ay kasama siya sa powerhouse cast nito na kinabibilangan nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, Sam Milby, Zanjoe Marudo, at KC Concepcion.

Ayon kay Luis, ang lahat ay still under negotiation pa. Nagtataka nga raw siya sa lumabas na balitang kumpirmado na ang partisipasyon niya sa Alta.

"I just want to clarify kasi kahit ako, nabasa ko sa Internet that confirmed I joined the cast. May mga negotiations for Alta, pero ako, ang alam ko, yung mga kasama, yung mga nabanggit, like sina Angelica, Gretchen, KC, Sam, Zanjoe. Pero ako, ipe-present pa lang. So, wala pa akong alam sa istorya, wala pa akong alam sa kahit na ano.

"Hindi ko pa alam kung yes or no, pero siyempre depende pa rin sa proyekto. Kasi sa cast pa nga lang, ibang klase na. But there’s no confirmation pa, ipe-present pa lang. But definitely, I miss doing teleseryes," pahayag ng actor-TV host.

Ang huling teleseryeng ginawa ni Luis ay ang Dyosa noong 2008.

Sabi pa ni Luis, nakatrabaho na niya ang ilan sa kumpirmadong cast ng Alta at wala siyang masasabi sa husay ng mga ito.

"Si Gretchen nakatrabaho ko siya once sa commercial; si Angelica sa Rounin; si KC sa special niya sa I Am KC; sila Sam and Zanjoe naman sa Dyosa.

"Kumbaga, kaya kong sabihin na okay naman ang lahat ng cast, hindi mo kukuwestyunin yung galing ng mga kasama dito. I can say it all depends on the story, yung story ang gusto kong makita," saad niya.

GOING SEXY. Hinuhulaan na medyo sexy ang magiging tema ng Alta dahil sa karamihan ng bumubuo ng cast nito. Tinanong namin si Luis kung bukas ba siya sa sexy, daring kissing and love scenes kung saka-sakaling makasama nga siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sa Who’s That Girl nga, wala akong tinira, puwet ko na ang ipinakita. Sa Dyosa, merman ako na halos nakahubad na ako. Ano ba naman kung magtatanggal ako ng shirt?

"Ako, I’ve never done it but if it calls for it, I don’t know... Pero siguro naman, kakayanin ko, pero alam kong maiilang ako.

"Lahat kasi ng ginagawa kong projects, medyo nalilinyang pambata, comedy, very light-romantic comedy na hindi naman kailangang mag-bed scene. Pero siyempre, as an artist, darating at darating ako sa puntong ’yan.

"Alam ko na hindi ako magiging kumportable, alam ko na maiilang ako. Feeling ko, kailangan akong i-guide ng co-stars ko, ng direktor. Nakagawa nga ako ng gay movie na may kissing scene, kami ni John Lloyd [Cruz], ano ba naman yung bed scenes?" sabi ni Luis.

PROVING HIS WORTH. Sa The Buzz last Sunday, April 3, ay umamin si KC Concepcion na sa loob ng tatlong ay nahirapan siya to prove her worth as an artist dahil na rin sa taas ng expectations sa kanya ng publiko bilang anak ng showbiz royalty na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. (CLICK HERE to read related story.)

Gaya ni KC, si Luis ay anak din ng dalawa sa pinakasikat na artista sa bansa—ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang award-winning actor na si Edu Manzano.

Dumaan din ba sa ganung sitwasyon si Luis gaya ni KC?

"Ako, if there’s one thing na kaya kong ipagmalaki, yung kaya kong sabihin nang taas-noo, anuman ang mayroon ako ngayon, pinaghirapan ko. It’s not an easy ride. It was not a free path for me. Di porke’t anak ka ni ganito, ni ganyan, madali ang lahat para sa akin.

"Kaya kong sabihin na mula nang magsimula ako as MYX VJ, up to Kampanerang Kuba, up to anuman ang pag-uusap natin ngayon, pinaghirapan ko kung anuman ang mayroon ako," saad ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay regular na mapapanood si Luis sa ASAP Rocks, Entertainment Live, Pilipinas Got Talent, at Laugh Out Loud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN