KC Concepcion plans to spend time with boyfriend Piolo Pascual in New York

Birthday girl KC Concepcion will be joining her fellow Kapamilyas for the first time in the Star Magic World Tour, which will kick-off on April 15 at the Shrine Auditorium in Los Angeles, California.


Kapansin-pansin ang pagiging mas open ngayon ng Kapamilya actress na si KC Concepcion pagdating sa interviews at pagsagot sa mga tanong na ibinabato ng entertainment press.

Kagabi, April 6, ay isang birthday press conference ang inihanda ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN—para kay KC. Ginanap ito sa 9501 restaurant ng ELJ Building, ABS-CBN Compund, sa Quezon City.

Ngayong araw, April 7, ang eksaktong petsa ng 26th birthday ni KC, na ang tunay at buong pangalan ay Maria Kristina Cassandra Concepcion.

"Mas kumportable na po ako ngayon talaga. Di lang po sa sarili ko kundi ’yong sa showbiz din... Mas focus na po ako ngayon and mas passionate. Parang I found my own place in the sun, in this business—it’s a mixture po of a lot of things," sabi ni KC.

SHARING HER LIFE PUBLICLY. Hindi siyempre maiiwasan na mapag-usapan ang kasalukuyang lovelife ni KC with fellow Kapamilya talent Piolo Pascual.

Matatandaang umamin si Piolo na girlfriend na niya si KC nang mag-guest ang aktor noong January 30 sa showbiz talk show na The Buzz—bagay na ikinagulat ng marami sa dahilang kilalang masikreto ang dalawa pagdating sa kanilang mga personal na buhay. (CLICK HERE to read related article).

Aminado si KC na hindi pa siya ganap na kumportable sa atensiyon na nakukuha ng kanilang relasyon simula noong on-cam admission ni Piolo.

"Kasi po, siguro matagal na rin po akong naghihintay na ma-acknowledge po kung anong meron kami. Kasi po, may mga expectations na rin, so I appreciate it very much that he came out on The Buzz to say the truth," seryosong pahayag ni KC.

Dagdag niya, "I guess it’s also unavoidable kasi my first relationship with someone who’s on camera. Because my last is a director [Lino Cayetano] and works behind the scenes. The other one [rumored to be singer-songwriter Rico Blanco] was... wala. I only had two serious relationships and they were both long-distance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang I never had the chance really or the reason to talk about it and now I guess, ’yon, parang it’s also circumstances. I’m still very uncomfortable with it because like nung in-admit po niya [Piolo] sa The Buzz, agad-agad po akong hiningan ng reaksiyon.

"Di ba po sa totoong buhay pag may ganung nangyari, nanamnamin mo talaga muna? Iisipin mo ano what just happened there. I couldn’t understand pa kung ano talaga ’yong nangyari and pina-analyze na po sa akin. So, parang hindi ko siya na-enjoy nang normal."

Pero sa kabilang banda, malaki rin daw ang naitulong nito para maging open si KC na ibahagi ang mas pribadong aspeto ng buhay niya sa publiko.

Paliwanag ni KC: "It’s something that made me comfortable with my life here in showbiz. Kasi the more pala that you open up, and the more na makilala ka ng tao, and the more you share your experiences, na usually ayaw mo talaga, in the end, it’s so much better.

"Kasi ikaw ’yon and it’s part of your life and it’s better na ma-share mo rin ’yon; parang you’re not lying or hiding anything, which is never naman the case."

NEW YORK RENDEZVOUS. Nakatakdang magtungo papuntang Estados Unidos si KC simula sa April 15 para makibahagi sa Star Magic World Tour 2011.

Bibisita si KC kasama ang iba pang Kapamilya stars sa Shrine Auditorium sa Los Angeles at San Jose Center sa San Jose (April 15 and 16) at Lincoln Center sa New York City (April 23).

Tutulak naman papuntang Zurich, Switzerland si KC at sina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, at Bugoy Drilon para mag-concert sa May 14.

Bagamat hindi makakasama si Piolo sa overseas tour ay nabanggit naman ni KC na may balak silang magkita sa New York para mamasyal at magkaroon ng quality time together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He says naman na he’d really like to spend time with me sa New York. So that’s something that I had planned on my own na talaga—to spend five days in New York, watch Broadway plays, and then go to my favorite areas there."

LIVING INDEPENDENTLY. Taong 2007 nang magdesisyon si KC na umuwi sa Pilipinas matapos na maka-graduate sa kursong international corporate communications with a minor in theater arts sa American University sa Paris.

During that time ay hindi pa sigurado si KC kung tuluyan na nga niyang papasukin ang mundo ng show business para sundan ang yapak ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

After four years ay ganap na ngang niyakap ni KC ang showbiz bilang artista, recording artist, endorser, at television host.

Ngayon lang din tuluyang naisakatuparan ni KC ang balak niyang bumukod sa kanilang tahanan kasama ang pamilya at mamuhay ng solo.

"I moved out na po, but hindi ko pa po siya mapakita kasi napaka-bare pa po nung lugar. Finally, after three years of being home—na medyo parang nag-overstay ako sa bahay namin, sa family house—finally po I was able to move out," kuwento ni KC.

"Parang mas nagge-gain ko na po ’yong independence ko and totoo po pala na mas nakikilala mo ang sarili mo when you’re away from your comfort zone.

"It’s been a big change for me. Nakaapekto po siya positively sa work ko, sa focus ko, sa social life ko pati. Parang mas na-balance po ’yong lahat ng aspeto ng buhay ko simula nang nag-move out ako."

Nagbalik-tanaw si KC sa kanyang naging karanasan noong nag-aaral pa siya sa Paris. Kung iisipin daw ay nakatulong nang husto ang pamamalagi niya sa France bilang isang estudyante para maihanda ang sarili ngayong mag-isa na siya sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Training ko po kahit papaano yung five years almost sa Europe. People forget that I was a minority there. I have three jobs, lahat po ng household work, gumaspang na po yung mga kamay ko. Pina-treatment ko pa ’yan pag-uwi ko sa Pilipinas sa derma...

"So when I went back, to be living in my family house, I didn’t know that I will be based here again. Because I really thought that I would only be here for three months again. Kasi po, di ba, I fly in and out?

"But then three months became six months, became one year, two years, three years now, and I move out again. So I realize na na-train po talaga ako. It was very easy for me to adjust to... Pinuproblema ko po ’yong mga basurahan, wala pa pala akong basurahan, saan ba ako bibili ng basurahan dito? Saan ba itatapon ’yong basura?"

Sa ngayon daw ay masaya si KC sa nakuha niyang condominium unit at wala pa sa isip niya ang bumili o magpagawa ng sarili niyang bahay.

"Wala po akong bahay na pinapagawa. Ang balak ko po sa sarili ko later on na po [ako magpapagawa ng bahay] pag meron na akong partner ’tsaka may plans na talaga akong mag-settle down," sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN