Carmina Villarroel goes solo with her hosting job in Amazing Cooking Kids

"E, siguro kasi, ewan ko, bilang madaldal naman ako. Pero after nga ng taping, parang ang sakit ng lalamunan ko! Mahirap palang mag-host ng isa lang kasi siyempre wala kang kabatuhan, ganyan," says Carmina Villarroel about hosting a show all by herself.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carmina Villarroel sa presscon ng Amazing Cooking Kids kahapon, April 7, sa 17th floor ng GMA Network Center. Si Carmina ang host ng cooking show na ito na nagtatampok sa 12 batang contestants mula 9 to 12 years old.

Tinanong ng PEP kay Carmina kung ano ang pakiramdam na solo siyang host ng show. Kagagaling lang niya from hosting the morning program Love ni Mister, Love ni Misis, kung saan sila ng kanyang partner na si Zoren Legaspi ang mga host.

"Ito na nga, binalikan ko na nga yung SiS, e, 3-2-1, di ba?" sabi niya. "Tatlo kami dati [sa SiS]. Sa Love ni Mister, dalawa kami. Ngayon, mag-isa na lang ako.

"Siyempre nung nawala yung ano [Love ni Mister, Love ni Misis], siyempre nakakalungkot. Pero siyempre, thankful din simply because parang we had our chance. Nag-enjoy naman kaming pareho [ni Zoren], marami naman kaming napasaya. Pero ganun talaga, e.

"Ang mga shows talaga come and go, ganun. And with GMA pa, parang they always want something new...and we understand that. Malungkot, but okay na rin.

"Actually, hindi pa nga tapos yung Love ni Mister, in-offer na nila sa akin ito [Amazing Cooking Kids], e, na-excite ako. Sobra talaga akong na-excite na, ’Okay, halika na, let’s go!’ Na parang hindi ko masyadong naintindihan na tapos na pala yung Love ni Mister."

Tumagal ng pitong buwan ang morning program nina Carmina at Zoren.

Nalungkot ba si Zoren sa pagkawala ng Love ni Mister, Love ni Misis?

"E, kasi alam mo naman ang mga lalaki, parang walang emosyon!" natatawang sabi ni Carmina. "Di ba, kasi ang mga babae, mas ma-senti, mas emotional. E, ang mga lalaki, hindi naman.

"Ang babae, ’Ay, mami-miss ko yung ganun, yung ganito!’ E, ang mga lalaki, walang ganun, e. But sa kanya, mas more on tinitingnan niya ang positive side na, ’You know, honey, hayaan mo na, we had our time, nag-enjoy tayo,’ ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na, ’At least man lang, nabigyan tayo ng chance na tayong dalawa.’ Mas on the positive side siya, e. Kaya siguro hindi rin ako ganoon nalungkot kasi magkasama naman kami sa bahay, puwede kaming magdaldalan doon, yung ganun."

WEDDING PLANS. Paano na yung balita na magpapakasal sana sila ni Zoren sa first anniversary ng show nila?

"Ay, oo nga pala, ano? Buti na lang ipinaalala ninyo sa akin yun. Oo nga. Malay mo naman pagkatapos nito, may ibang show na ulit na doon na yung continuation," sabi niya.

Nasa isip pa ba nila ang plano nilang yun?

"Oo, pero minsan nalilimutan na nga namin na, ’Ay, oo nga pala, ano?’ Kasi nga, di ba, katulad ng palaging sinasabi namin, kasi we don’t feel na there’s something missing. Kaya talagang, ayun, sana ngayon, bilang pinaalala n’yo naman, ’Ay, oo nga, ano?’ Parang ganun."

Ayon kay Carmina, kumpleto naman ang pagsasama nila ni Zoren kasama ang kanilang kambal na sina Cassandra at Maverick.

"Oo, e. Wala namang...wala e. Pero nandidiyan lang ’yan, malay mo, sabihin na lang namin na, ’O, okay, finish na yung ganun, bahala na!’ Parang ganun."

Lalo na kung wala naman silang plano na bonggang wedding.

"Ay, oo, ayaw din naman namin ng bonggang-bongga. Kahit ano puwede sa amin. Hindi, kasi naman ako, ever since, hindi naman ako mabongga, e, hindi naman ako...

"Ewan ko, kasi pag bongga, mahihirapan akong mag-entertain ng tao, mahirap maglakad, ’no! Tapos papansinin ko silang lahat. Ay, ayoko ng ganun, nakakapagod!

"Ang pinaka-dream wedding ko, yung simple lang, yung ganun lang, simple lang. With family and close friends. Gusto ko yung intimate lang na yung nakikita mo kung anong nangyayari dun sa kabilang table, yung ganun lang," sabi niya.

AMAZING COOKING KIDS. Ang Amazing Cooking Kids ay isang reality cooking competition ng labindalawang bata—from 9 to 12 years old. Ang mga judge ay sina Chef GB Barlao, Chef Jackie Ang-Po, at Chef Rosebud Benitez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas na ito simula sa April 16, Sabado, bago mag-Eat Bulaga!.

Naka-adjust na raw si Carmina na wala si Zoren as her co-host.

"Oo. E, siguro kasi, ewan ko, bilang madaldal naman ako. Pero after nga ng taping, parang ang sakit ng lalamunan ko! Mahirap palang mag-host ng isa lang kasi siyempre wala kang kabatuhan, ganyan.

"Pero masarap yung feeling na you’re surrounded with kids. So, parang sa kanila, everything’s so light. Masaya lang kahit nagtatrabaho kami, parang naglalaro lang.

"Pero naman pag sinabi mong ’timer starts now,’ ay, nakaka-competition mode sila. Pero pagkatapos na, pag cut na, ay, bata na naman sila!

"’Tsaka ang maganda sa kanila, wala yung, ’Ay, ayaw kitang pansinin kasi kaaway kita, kalaban kita!’ Walang ganun.

"’Tsaka pag natapos na yung dish nung isa, lahat kami bilang parang inahin nga ako, nakasunod silang lahat sa akin. Pag titikim ako, titikim din sila. Nakakatuwa yung mga bata.

"So, makikita mo na they’re also interested to know the taste of the dish nung kanilang mga kakumpitensiya. Sasabihin pa nila, ’Sarap nito, a!’ Gaganun pa sila.

"Kaya sabi ko, okay ang mga bata. Sana lahat tayo ganun ang thinking, yung ganun. Hindi lang sa natututo ako sa kanila, hindi lang pagdating sa pagluluto, pati yung pananaw sa buhay. Parang relaxed lang, chill lang, yung ganun."

CRYING MOMENTS. Wala pa naman daw umiyak na bata sa show.

"Wala pa, ayokong may umiyak! Ayoko, iiyak rin ako!" sabi ni Carmina.

Paano pag may matatanggal na?

"Eto na nga. Siyempre pilot pa lang, di ba? Although the week before that, nag-pictorial na kami, dun na kami medyo naging close. Tapos sabi ko, two weeks pala kaming magkasama.

"Wala pang natatanggal-tanggal dito, meron na kaming award-award na best ganito, best ganyan. Pero very sport sila. Pero sabi ko, ’Malay ko, hindi ko lang alam, baka sa sususnod may matatanggal na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon na nga, ayokong dumating ’yon. Tapos minsan, may mga group effort, may hahatiin sa two teams. Ayoko silang mawala.

"Kaya nga sabi ko, kahit na hindi ako yung magdya-judge, ako naman ang magsasabi, ako yung mag-a-announce, e. Although hindi ko desisyon, siyempre, di ba? Kung ano lang naman yung desisyon ng mga judges. Pero, my God, ako naman ang taga-’And the winner is... And the award goes to...’

"Oh, my God!" sambit ng TV host-actress.

Baka siya pa ang maunang umiyak?

"E, malamang!" tawa niya. "E, siyempre ibibigay lang naman sa akin ang resulta, di ba? Parang, ’O eto na po yung resulta!’ Parang ’Eeehhh!’ Mapapaganun ako.

"Ito na nga lang best ano, e, best specialty dish, ’yon lang ha, parang additional points lang, ako yung sumisigaw na ’Aaayyy!’ Ako yung gumaganun! Ayoko ng ganun, hindi ko kaya! Hindi ko alam."

Paano kapag may umiyak na contestant?

"Iiyak din ako...hindi ko alam. Siguro yung instinct ng mommy na... Hindi ko alam, hindi ko alam.

"Pero alam ko naman na based on the standards of the competition. But you know, alam ko naman na, you know, when you get there, may matatanggal, magiging emotional sila and you cannot question the emotions of, you know, especially kids.

"So if they want to cry, okay lang naman, iko-comfort ko naman sila. I think that’s the ano...iyon naman ang initial reaction, di ba? ’Tsaka as a host, as a mother, parang mga anak-anakan ko itong mga ito.

"Na puwedeng, ’O, dali, magpapa-ice cream na lang ako.’ Lahat sila, ’Yehey!’ Yung ganun talaga. Kaya sabi ko, ano ’yan, e, it’s how you talk to them.

"Parang feeling ko, if ever man may iiyak, part lang naman talaga ’yon. Minsan nga kahit yung mga parlor games lang sa mga children’s party, may mga umiiyak. Pero after nun, okay na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTHER FIGURE. Nakikita rin daw ni Carmina ang mga anak niya sa mga batang contestant.

"Oo, kasi alam mo yung, minsan ang mga bata, gustong nakikipag-usap sa matanda, yung nakakatanda, iyon ang napi-feel ko sa kanila. So, parang feeling ko, ako yung inahin nila, ang dami-dami kong anak, twelve!

"Tapos pag nakipag-usap ako sa kanila, parang nakikipag-usap ako sa mga anak ko. Yung kung papaano ko sila kausapin, papaano nila akong kausapin... Kasi inaalam-alam ko rin kung anong mga nangyayari sa buhay nila, parang nakikipag-usap ako sa mga anak ko, ganun."

What if kausapin siya ng GMA-7 at pasalihin in a special episode ang kambal niyang anak?

"Tinanong ko kasi yung kids ko, sabi ko, ’Do you want to guest in our show?’ ’Nooo!’ Kasi nahihiya sila. Sabi ko, ’Sige na, you teach them.’ Ayaw nila, gusto nila sila daw yung tuturuan. E, siguro pagka ganun...hindi pa naman namin napag-uusapan."


Pero papayag ba sila ni Zoren if ever?

"Oo naman, oo naman," sagot ni Carmina. "Basta sa kanila, ayaw nila ng competition since hindi naman sila ganun ka-confident na they can really cook.

"Pero pag kunwari... Si Mavi, nagko-compete ’yan sa tennis. So, pag tennis, ’Okay, fine, I’ll compete.’ Pero siyempre with cooking, hindi naman sila ganung kabihasa talaga, so mas gusto nila yung...

"Kasi may mga times naman na magtuturo kami. So, pag ganun, pag participation, may ganun, gusto nila kasi parang one of those sila, gusto nila. Ganun."

Ang 12 aspiring kiddie chefs ay sina Dingdong Lagman (Quezon City), Tasha Pulgado (Bulacan), Nica Fortuno (Batangas), Xymon Caballero (Caloocan), Duday Reyes (QC), Budik Villalobos (Cavite), Pat Reyes (Mandaluyong), Ice Almalmani (Parañaque), Tarah Santos (Muntinlupa), Angela Rosales (QC), Ronin Leviste (Makati), at Pau Sablaya (QC).

Si Pat ay anak ng may-ari ng Reyes Barbecue, samantalang si Ronin naman ay anak ni Batangas Vice Governor Marc Leviste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN