Cebuana Lhuillier follows suit, suspends segment sponsorship on Willing Willie

"While we support programs that give hope to Filipinos here and abroad, we expect our business partners to promote good values, protect children’s rights and exercise prudence in communicating to the general public," Cebuana Lhuillier management stated in its decision to temporary suspend ad placement on Willing Willie.


Isang araw matapos suspindihin ng Procter & Gamble Philippines ang kanilang advertising placement sa variety-game show ng TV5 na Willing Willie, nagdesisyon na rin ang management ng Cebuana Lhuillier na pansamantalang kanselahin ang kanilang segment sponsorship dito.

Ang nasabing hakbang ay kaugnay pa rin ng kontrobersiya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na sumayaw ng "macho-dance routine" ang six-year-old na si Jan-Jan Suan kapalit ng P10,000. (CLICK HERE to read related article.)

Sa official statement na nailathala sa Facebook Fan Page ng Cebuana Lhuillier, nakasaad dito na ang pagsuspindi ay magsisimula sa Lunes, April 11, "while resolution on the matter is pending."

Ang Cebuana Lhuillier ay may "Watch and Win" promo sa programang Willing Willie.

Ito ang kabuuan ng statement ng Cebuana Lhuillier:

"In regard to the issue of the alleged child abuse that happened in TV5’s Willing Willie show, the Cebuana Lhuillier Management has decided to temporarily suspend its segment sponsorship in the said show, effective April 11, 2011, while resolution on the matter is pending.

"While we support programs that give hope to Filipinos here and abroad, we expect our business partners to promote good values, protect children’s rights and exercise prudence in communicating to the general public.

"We have taken note of the TV5 Management’s official statement and the corrective measures they have taken. We trust that they will ensure that a similar incident will not happen again. We hope that the concerned authorities will resolve this matter soon.

"Cebuana Lhuillier Management."

Bukod sa P&G Philippines at Cebuana Lhuillier, sinuspinde rin ng Jollibee Food Corporation ang ad placement ng isa sa mga fast-food chain nito na Mang Inasal.

Matatandaan na pinaubaya na ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) sa mga miyembro nito kung nais nilang manatili o mag-pull out ng ads sa Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kabilang ang Cebuana Lhuillier sa mga miyembro ng PANA.

Sa March 29 episode ng Willing Willie, tila nagbanta ang main host nito na si Willie Revillame sa mga advertisers na nais mag-boycott sa programa niya.

Sinabi niya, "Alam n’yo ho, pag binoycott kami ng advertisers, yung mga nagmamahal naman sa amin, hindi nila bibilhin ang produktong ’yan."

Base sa pagmu-monitor ng PEP (Philippine Entertainment Portal) simula noong Lunes, Abril 4, kapansin-pansin na nabawasan na ang bilang ng advertisements na lumalabas sa pagitan ng segments ng Willing Willie.



Mula sa halos 15 commercials sa isang segment gap, hindi na halos umabot ng 10 commercials ang bilang sa segment gap kahapon, April 7, sa Willing Willie. Mas madalas na rin ang in-house ad o teaser para sa iba pang programa ng TV5 sa bawat segment gap.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang TV5 tungkol sa hakbang na ito ng advertisers ng Willing Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN