Krista Ranillo gives birth to a baby boy

Isang baby boy ang isinilang ni Krista Ranillo through normal delivery sa isang ospital sa California nitong April 5. Ang sanggol ay papangalanang Nick Jacob o NJ bilang initials ng totoong pangalan ng asawa ni Krista na si Niño Jefferson Lim.


It’s a baby boy for Krista Ranillo and Niño Jefferson Lim!

Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon April 9, Sabado, ito ang nakalathala sa FunFare column ni Ricky Lo sa Philippine Star. Ayon sa ulat ng StarTalk TX host, isang baby boy ang isinilang ni Krista through normal delivery sa isang ospital sa California nitong April 5.

Ang sanggol ay papangalanang Nick Jacob o NJ bilang initials ng totoong pangalan ng asawa ni Krista na si Niño Jefferson Lim.

Baby NJ weighed 8.6 pounds and measured 20 inches long at birth. Ipinagmamalaki ni Krista na bini-breastfeed niya ang kanilang baby.

At sa phone conversation nina Mr. Lo at Krista, tinanong ni Mr. Lo kung bakit nag-decide si Krista na normal delivery at hindi Caesarean ang panganganak niya?

"Actually pinipilit ko talaga na normal delivery and then hindi na-anticipate namin noong... ni Dr. Reyes, yung doctor ko na ganun pala siya kalaki!

"Tapos yung posisyon pa niya imbes na dapat yata naka-dapa or something, paharap siya, gusto niya talaga lumabas siya, makikita niya lahat ng mga tao, parang ganun," ang natatawang kuwento ni Krista.

"Parang baligtad yung position niya."

Ilang oras siyang nag-labor?

"Yung labor actually mas madali, parang mga five hours lang, pero yung delivery, sabi niya (her doctor) kung hindi ganun yung position mas mabilis, mga one hour-and-a-half.

"Pero sinabi niya, for a first-timer daw, masuwerte ako na mabilis lang for me."

Nasa tabi ba ni Krista ang asawa niya nang nanganak siya?

"Yes andun siya! Sobrang okay nga siya, very supportive, siya yung nagbibilang, ’Push! Push!’ gumaganun siya.

"Then after kong manganak, yung mga kasama namin sa ospital, yung mga kasabay, [sabi nila] ’I thought your husband was the one giving birth!’"

Pinaghandaan daw ni Krista ang kanyang pagbubuntis, tulad ng pagbabasa ng mga books about pregnancy.

"Yes! Lahat yun ginawa ko, wala akong ginawa kundi mag-attend ng mga child-birth class, breastfeeding, lahat. Talagang alam mo yung pinrepare ko talaga ang sarili ko for a different life na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulong rin daw niya si Niño sa pagpapalit ng lampin at iba pang bagay na may kinalaman sa pag-aalaga ng kanilang anak.

"Oo, very hands-on rin naman siya, hindi nga nakakatulog sa gabi. Medyo napabayaan nang konti ang business pero sabi ko, sige nakauwi na kami ng bahay, back-to-work na rin siya."

Kailan ang binyag at sino ang mga ninong at ninang?

"Wow! Wala pa, hindi pa namin nadi-discuss e, pero siguro in a few months."

Magpapakasal sana sila ni Niño sa Pilipinas last November, pero nabuntis siya kaya hindi natuloy. Kailan ito matutuloy?

"Ay naku sana, sana diyan pa rin. E hihintayin muna namin na lumaki nang konti si baby para puwede namin siyang isama diyan para makapag-vacation rin siya sa Philippines."

Magsu-showbiz pa ba si Krista kapag bumalik sa Pilipinas?

"Tingnan natin, baka. Why not? We’ll see, we’ll cross the bridge when we get there, di ba?"

Dalawang beses ikinasal sina Niño at Krista; first was in simple rites in Norwalk on July 14, 2010. Ikalawa ay noong August 8, 2010 in Jewish ceremonies at the Hotel Maya in Long Beach, California.

Matatandaang lumipad patungong Amerika si Krista upang makasama ang kanyang pinsang designer. Sa U.S. din nagtayo ng isang clothing line si Krista kung saan muling nag-krus ang kanilang landas ng childhood sweetheart niyang si Niño na may matagumpay na supermarket business.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN