Chokoleit’s micro-shorts incident grabs headline in Dubai newspaper

The incident involving stand-up comedian Chokoleit during a recent Dubai trip has prompted the UAE (United Arab Emirates) authorities, including the office of the Philippine Consul General, to once again remind tourists about the laws being implemented in the said Arab country.


Naging headline ng isang Dubai-based newspaper ang insidente na kinasangkutan ng komedyanteng si Chokoleit noong April 2, 2011.

Ayon sa naunang ulat na nailathala rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), naglalakad diumano ang komedyante patawid ng kalsada galing sa tinutuluyan niyang hotel sa Dubai nang hintuan siya ng mga pulis para dalhin sa presinto. (CLICK HERE to read related article.)

Nakapukaw sa atensiyon ng mga pulis ang suot na maiksing shorts ni Chokoleit.

Bagamat itinuturing na open city at progresibo kumpara sa ibang karatig na bansa sa Gitnang Silangan, konserbatibo pa rin ang batas na ipinapatupad sa Dubai na base sa kanilang tradisyon bilang Muslim.

Gamit ang headline na "Decency rule is no joke," iniulat ng 7Days newspaper sa April 10 issue nito ang nangyari kay Chokoleit. Nagbigay rin ito ng paalala sa mga turista na alamin at sundin ng maigi ang mga batas na ipinatutupad ng nabanggit sa UAE para maiwasan ang anumang problema.

"My advice to visitors to the UAE is that ignorance of the law is no excuse for anyone. I was on the way to do some shopping before my flight home when my legs were sighted by the police," pahayag ni Chokoleit, na ang tunay na pangalan ay Jonathan Garcia.

Wala namang kaso na ipinataw sa komedyante subalit dahil inabot ng limang oras sa presinto para sagutin ang katanungan ng mga pulis ay hindi na raw ito umabot sa kanyang flight pabalik ng Pilipinas.

At dahil nga sa nangyari ay muling nagpalabas ng "do’s and don’ts" advisories ang mga embahada ng iba’t ibang bansa, ang Dubai Tourism and Commerce Department (DTCM), kasama na rin ang mga UAE (United Arab Emirates) malls, para magsilbing paalala sa mga turista na nasa Dubai.

"I always tell people to obey the laws and the regulations in this coun­try and to be conscious of the cultural differences so that these kinds of incidents don’t happen. There is eno­ugh information available for people to know what the laws are here and if they are conscious of them when they visit, these kinds of misunderstandings that cause inconvenience for both the individual and the police would not happen," komento ni Philippines Consul General of Dubai, Benito Valeriano, nang makapanayam ito ng 7Days newspaper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN