Diether Ocampo introduces seven-year-old son Dream to the public


Diether Ocampo admits having a seven-year old son named Dream (in photo). The actor celebrated his son’s birthday at the Manila Ocean Park last Sunday, April 10.


Ipinakilala na ni Diether Ocampo ang kanyang anak na si Dream sa publiko. Napili itong gawin ng aktor sa 7th birthday celebration ng kanyang anak na ginawa sa Manila Ocean Park noong Linggo, April 10.

"Ito ang kaarawan ni Dream. So to make it more memorable, tinanong ko siya kung paano niya gustong i-celebrate ang birthday niya. Isa ito sa na-mention niya, yung Manila Ocean Park.

"Sabi ko, ’Anong gusto mong gawin doon?’ Sabi niya, ’Let’s invite kids.’ So, ang mga bata dito ay galing sa twenty-nine na daycare centers sa buong Manila," sabi ni Diether sa panayam sa kanya ng SNN na ipinalabas kagabi, April 11.

Tinanong din ang aktor kung papayagan niya si Dream na pumasok sa showbiz.

Kahit pa man interesado ito, ipinangako ni Dream sa kanyang ama na hindi ito papasok sa showbiz hangga’t hindi ito nakakapagtapos ng kolehiyo.

Hindi naman binanggit ni Diether kung sino ang ina ni Dream, pero pinaniniwalaang anak niya ito sa dating non-showbiz girlfriend.

ON BEING LINKED TO KRIS AQUINO. Sa panayam na ito, hindi na rin naiwasan tanungin si Diether tungkol sa napapabalitang pagiging malapit niya kay Kris Aquino.

Ngunit depensa ni Diether, wala naman siyang dapat ipaliwanag dahil sila ay magkaibigan lang talaga.

"Wala akong dapat i-explain, and I’m very happy at this point na ’yong pagkakaibigan namin ay naging mas malalim. Naging parang ibang level na."

Dagdag pa ng aktor, wala naman dapat pang intrigahin sa pagkakaibigan nila ni Kris. "Mas mature na kami ngayon. Wala naman talaga akong dapat sabihin because, as far as I’m concerned, walang dapat intrigahin doon."

Aminado naman si Diet na ipinakilala na niya si Dream kay Kris bago pa man niya inamin sa publiko na may seven-year-old son na siya.

Nagkasama sina Diether at Kris sa Metro Manila Film Fest entry na Dalaw na ipinalabas noong nakaraang Disyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN