Dingdong Dantes donates personal items for Ogie-Regine Celebrity Ukay-Ukay to build classrooms

Dingdong Dantes handed over his personal items to Kapuso Foundation vice-president Mel Tiangco at the GMA Network Center last night, April 12. Dingdong’s items will be part of Ogie-Regine Celebrity Ukay-Ukay which will begin on April 15 at the World Trade Center.


Kagabi, April 12, ay personal na dinala ni Dingdong Dantes ang mga donations niya para sa Ogie and Regine Celebrity Ukay-Ukay na magaganap sa World Trade Center simula sa Biyernes, April 15.

Iniabot ni Dingdong ang kanyang mga gamit sa vice president ng GMA Kapuso Foundation na si Mel Tiangco sa GMA Network Center. Ang malilikom kasing pera mula sa ukay-ukay na ito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation para makapagpatayo ng mga silid-aralan.

Masayang-masaya naman si Mel nang makita ang mga dalang damit at collectibles ni Dingdong para sa Ogie and Regine Celebrity Ukay-Ukay, na lalahukan din ng iba pang celebrities.

Ayon kay Mel, "Nakakatuwa nga. Nakakatuwa na may isang activity na mapagtutulung-tulungan ng lahat ng mga taga-industriya. It doesn’t matter kung anong network at kung saan ka affiliated. Wala, e, sapagkat napakaganda ng patutunguhan nito. We are building classrooms all over the Philippines and we have been doing this since 2003.

"So, naisip namin siyempre, iba rin yung mga gamit ng artista. Kahit gamit na nila, di ba? Talagang yung mga fans nila, they really want to own some of the things they used.

"Tingnan n’yo nga ang dala ni Dingdong, tingnan n’yo naman, may pangalan pa. Bawal lang akong bumili, pero bibilhin ko ’yan!"

Dugtong pa ng 24Oras anchor, "We’re very, very happy about the outcome of this project. Pero siyempre, yung talagang outcome would be after Ukay-Ukay."

Gaano kalaki ang ine-expect nila na posibleng maging income sa Ogie-Regine Celebrity Ukay-Ukay?

"Ganito na lang, we want to build 50 schools this year. And the 50 schools will take something like 30 million or more. So, we want to raise that amount through the years para all-year round, we will be building schools," saad niya.

Ano ang reaction niya sa personal na pagdadala ni Dingdong ng mga gamit nito sa GMA Network Center?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ni Dingdong, matagal ko nang love ’yan, e. Matagal na. Hindi alam ng marami yun that even a long, long time before, Dingdong has been already helping GMA Kapuso Foundation. Marami na, noon pa. Noong si ano pa, este...noon pa!" natatawang biro niya.

"I am very happy that he’s here again to support the project of the foundation," pahabol niy Mel.

DINGDONG’S DONATION. Ang mga personal na gamit ni Dingdong na dala niya, bukod sa mga damit niya, ay ang jacket na bigay sa kanya ng Party Pilipinas noong birthday niya last year, ang collection niya ng mga laruan like Lord of the Rings, Superman, at Friday the 13th.

Aminado si Dingdong na nahirapan siyang i-let-go ang mga yun.

"Kaya nga medyo na-late ako dahil talagang pinipili kong mabuti. Ang pinili ko, yung mabigat para sa akin because it means it’s special. Kasi kapag binigay mo ang isang bagay na balewala lang, it means na walang halaga sa ’yo.

"Itong mga ’to, talagang special para sa akin. Maraming mga damit, pero para sa akin, itong mga laruan ko. So, para sa mga bata na mahilig sa Lord of the Rings, parte ’yan ng koleksiyon ko dati. But I’m willing to let it go para sa pagpapatayo ng mga classrooms.

"At the same time naman, naise-share mo ang joy ng pagkakaroon ng ganoong item. Nanggaling na sa akin, pero ipinapasa na natin sa kanila. At the end of the day, may magandang reason pa, which is magkakaroon pa ng mga classrooms," saad ng aktor.

Dala rin ni Dingdong ang ilang damit na galing naman sa kasintahan niyang si Marian Rivera.

"Few dresses pa lang ’yan, pero meron pa raw na susunod," banggit ni Dingdong.

Biniro tuloy ni Mel si Dingdng na tila raw ginawa siyang "messenger" ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran naman ni Dingdong, "Baka kasi hindi umabot kaya siniguro ko na meron siyang representation dito."

Aminado naman si Dingdong na naging mas malapit sa kanya ang proyekto ngayon ng Kapuso Foundation dahil ang sarili niyang foundation na Yes Pinoy ay sa edukasyon din ang focus.

"Lalo na talaga. Siguro bukod sa mga items na ito, I am dedicating my time. And siguro, yung project din namin sa Yes Pinoy na in line sa project ng Kapuso Foundation," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN