Cristine Reyes says her new movie, Tumbok, has more to offer than just daring love scenes

"Huwag naman sana puro tungkol sa love scenes ko with Carlo [Aquino] and Ryan [Eigenmann] ang isulat nila, ’di ba?" Cristine Reyes says about her new movie, Tumbok. "Yung movie, maganda. First time kong makatrabaho si Direk Toppel [Lee] at talagang na-impress ako sa kanya... Pero dahil nga sa mga love scenes ko, baka masapawan iyon. Pero sa totoo lang, umarte ako ng tama rito. Ipagmamalaki ko ang movie na ito talaga."

<


Nabanggit nga ni Cristine Reyes na bago siya umabot sa edad na 30 ay gusto na niyang may asawa na siya. At sana nga raw ay ang lalakeng nagpapasaya sa kanya ngayon na si Rayver Cruz ang lalakeng magiging asawa niya pagdating niya sa edad na iyon.

Halos magkasing-edad lang daw sila ni Rayver. Cristine just turned 22 years old noong February 5 at si Rayver naman ay magti-turn 22 naman sa July 20.

Kaya magkasundo raw silang dalawa sa lahat ng bagay, at inamin ni Cristine na minsan ay napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal.

"Hindi naman kami serious sa pag-uusap about getting married. Matagal pa naman kasi. May eight years pa naman. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari, ’di ba?

"Kung ako lang ang masusunod sana, e, kami ni Rayver ang magkakatuluyan. Pero hindi natin alam ang magiging takbo ng relasyon namin, ’di ba?

"Kaya kailangan inaalagaan, at kung may problema, ayusin agad kasi mahirap na pabayaan mong lumaki at baka hindi na magawan ng solusyon," ang sabi ni Cristine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niyang Tumbok.

Dahil sa kanilang pag-uusap raw ni Rayver tungkol sa pagpapakasal, nagsimula na raw silang dalawa na mag-ipon. Kanya-kanyang ipon daw sila ni Rayver. Wala raw silang joint bank account.

"Joint bank account agad?" sabay tawa niya. "Ni hindi pa nga kami mag-asawa, may gano’n na talaga?

"Kanya-kanya kami ng ipon ni Rayver. Mas kailangan kong mag-ipon kasi minsan gastadora ako. Si Rayver, di malimit gumastos ’yan unless importante at kung para sa family niya. Ako kinu-control ko na ang expenses ko.

"Alam ko na hindi forever ang trabaho sa showbiz. Kailangan may naitatago ka para kung sakaling may mangyaring hindi maganda, handa ka. Tsaka ’yung pag-iipon ko naman, para sa paghahanda sa anumang puwedeng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan ko naman ’yan kay Ate [Ara Mina]. Si Ate kasi, maingat sa kinikita niya, kaya kahit na hindi na siya masyadong active sa showbiz, na-e-enjoy niya ang mga pinagtrabahuan niya noon."

Kung si Rayver nga raw ang makatuluyan niya balang-araw, alam niyang magiging mabuting mister ito at ama sa mga magiging anak nila.

"Nakita ko naman kay Rayver kung gaano siya nagiging maasikaso sa family niya. Kapag may importanteng event sa family nila, nandoon siya and he will drop everything kasi gusto niyang nandoon siya.

"Tapos nakita ko rin ang pagiging mabait at magalang niyang kapatid sa dalawa niyang kuya. Kahit na siya ’yung pinaka-busy, kapag naglambing ang mga kapatid niya, mas uunahin niya ang mga ito.

"Kaya alam ko na kung magkaroon man ng sariling pamilya si Rayver, magiging maasikaso siya at alam mong may responsibilidad siya.

"Ngayong binata pa nga lang siya ay gano’n na siya, what more kung may family na siya ng sarili."

PANTASYA NG MGA BATANG LALAKI. Sa ginawang survey sa mga lalake, ages 18 hanggang 25 years old, si Cristine Reyes ang lumalabas na numero uno na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan ngayon.

Siyempre, flattered naman si Cristine, dahil alam daw niyang maraming sexy at mas maganda sa kanya sa showbiz. Natutuwa siya at marami pa palang may gusto sa kanya.

"Natuwa naman ako kasi nga sa rami ng mga babaeng artista sa showbiz, napapansin pa rin naman ako. Maraming salamat sa kanila.

"Sana ’yung mga nakisama sa survey na ’yan ay manood ng Tumbok para maging box-office hit ang movie namin!" malakas na tawa pa niya.

Bagama’t isang suspense-thriller ang pelikulang Tumbok ng Viva Films, hindi rin maiwasan na may gawing mga sexy scenes si Cristine.

Hindi nga raw matatawaran ang mga maiinit na love scenes ng aktres sa mga kasama niya sa movie na sila Carlo Aquino at Ryan Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero diin ni Cristine na hindi lang naman daw ang mga sexy scenes niya ang bentahe ng pelikula. Maganda raw ang istorya nito at totoong na-challenge daw siya sa pag-arte.

"Huwag naman sana puro tungkol sa love scenes ko with Carlo and Ryan ang isulat nila, ’di ba?" tawa niya ulit.

"Yung movie, maganda. First time kong makatrabaho si Direk Toppel (Lee) at talagang na-impress ako sa kanya. Magaling siya sa ganitong klaseng movie.

"Pero dahil nga sa mga love scenes ko, baka masapawan iyon.

"Pero sa totoo lang, umarte ako ng tama rito. Ipagmamalaki ko ang movie na ito talaga," ngiti pa ni Cristine.

Balita ngang nagulat daw si Carlo Aquino sa ginawa nilang mainit na love scene ng aktres. Hindi raw akalain ni Carlo na magagawa ni Cristine ang gano’ng klaseng eksena.

Mag-react kaya ang boyfriend niyang si Rayver sa ginawa niyang eksenang ito?

"Hindi ko alam... bahala na!" tawa pa ni Cristine.

"Ako naman, naging professional lang. Trabaho lang naman lahat. Alam ni Rayver na may ganyang mga eksena at magkakilala naman sila ni Carlo.

"For sure, nagtanung-tanong na siya tungkol sa eksena. Hindi pa naman niya ako sinisita!" malakas pa niyang tawa.

"Si Carlo naman, matagal ko na siyang kilala. Naging gentleman naman ito sa mga eksena namin. Kung natulala man siya sa naging love scenes namin, wala akong magagawa dahil pinakita ko lang ang pagiging game ko sa mga gano’ng eksena.

"Ayoko kasing masabihan ako ng maarte or nagpapakiyeme pa. Sige, itodo mo na para wala silang masabi.

"Mas gusto ko na ’yung sinasabi nilang natutulala ang ka-love scene ko kesa sabihan ako na nag-iinarte, ’di ba?" pagtatapos pa tinagurian nang FHM sexiest female.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN