AJ Perez’s parents donate his eyes to "Miracle Kid" Fatima Soriano

The parents of young actor AJ Perez have decided to donate his cornea to "Miracle Kid" Fatima Soriano (inset), who has been blind since birth. AJ was killed in a vehicular accident yesterday, April 17.


Kinumpirma ng mga magulang ng yumaong aktor na si AJ Perez na sina Gerardo at Margarita Perez na ido-donate nila ang mga mata—o ang cornea—ng kanilang anak sa "Miracle Kid" na si Fatima Soriano.

Inanunsiyo ito ng mga magulang ni AJ sa burol ng young actor ngayong hapon, April 18.

Si Fatima ay ang 17-year-old inspirational singer na ipinanganak nang bulag.

Nang kunan ng pahayag si Fatima tungkol sa pagdu-donate ng cornea ni AJ, ito ang kanyang naging pahayag: "Kung bibigyan po ako ng chance makakita. Pero hindi ko na makikita si Mama Mary, mas gusto ko na po ito."

Ayon kasi kay Fatima ay nakikita niya si Virgin Mary at nagpapadala rin daw ito ng mensahe sa kanya.

Sa panayam naman ng ABS-CBN News sa ina ni Fatima na si Fely Soriano, kinumpirma niya na nakapag-usap na sila ng ama ni AJ tungkol sa planong pagdu-donate ng cornea ng young actor.

Ayon pa kay Fely, si Thess Gubi ng Star Magic ang unang pormal na nagsabi sa kanya tungkol sa donation noong Linggo.

"Noong Saturday nanonood ang mother ni AJ ng Bottomline [talk show ni Boy Abunda sa ABS-CBN] at si Fatima ang guest. So ‘yon, very fresh pa sa kanya ‘yong story ni Fatima. Tapos tumawag ang husband niya, sinabi namatay si AJ," kuwento niya.

Dagdag pa ng ina ni Fatima, "We are very grateful na napili nila si Fatima na bigyan ng cornea ni AJ. It’s good. I will be very happy kung anuman ang maging resulta. Thankful kami sa family ni AJ kasi una nilang napili si Fatima."

Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang advice ng doktor ni Fatima bago sila gumawa ng hakbang tungkol sa cornea transplant.

"Kasi hindi pa kami makapag-confirm kung okay ang cornea transplant kay Fatima. Pero after po ng Holy Week, we will be having po ‘yong check up," sabi ni Fely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan muna raw ni Fely ang pamilya ni AJ na ideposito ang cornea ni AJ sa eye bank sa Makati Medical Center.

Parehong ipinanganak noong 1993 sina AJ at Fatima.

Si AJ ay pumanaw ng madaling-araw kahapon, April 17, dahil sa isang vehicular accident. (CLICK HERE to read related story.)

Pauwi na si AJ sa Manila nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa Moncada, Tarlac. Galing ang young actor sa Dagupan, Pangasinan, kunsaan nag-perform siya sa Bangus Festival.

Ayon sa isang taga ABS-CBN, umuwi raw nang maaga si AJ dahil nais niyang makahabol sa rehearsals para sa ASAP Rocks kinaumagahan. Pero hindi na nga siya nakarating sa Manila dahil sa malagim na trahedya na ikinasawi ng kanyang buhay.

Si AJ ay 18 years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN