AJ Perez interviewed by media a few hours before his sudden death

AJ Perez was able to talk to the press during the Bangus Festival in Pangasinan. In the interview, he talked about his forthcoming appearance on Maalaala Mo Kaya, the Gigger Boys, and his fans. In a few hours, he would be dead.

(Trace AJ’s care


Ilang oras bago pumanaw ang young actor na si AJ Perez ay nakausap pa siya ng ABS-CBN Regional News sa pagdiriwang ng Bangus Festival sa Dagupan, Pangsinan, bilang bahagi ng "Kapamilya Karavan."

Bandang alas-nuebe ng gabi ng Abril 16, Sabado, naganap ang interview sa Star Magic talent. Madaling-araw naman ng Abril 17, Linggo, siya binawian ng buhay.

Pabalik na ng Maynila si AJ, kasama ang kanyang ama at iba pa, nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang pampasaherong bus at truck sa Moncada, Tarlac.

Dinala si AJ sa isang ospital sa kalapit na bayan ng Moncada, ang Paniqui, Tarlac, kung saan siya ay idineklarang dead on arrival ng 12:20 a.m.

Sa huling panayam ni AJ, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, ikinuwento niya ang kanyang ginawang episode para sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya na ipalalabas sa April 30.

"Yung MMK episode ko po, ipapalabas din on April 30. Kasama ko rito si Bugoy Cariño. Kuwento ito ng dalawang magkapatid, and yung bond nila, yung kuwento ng pagmamahal sa isa’t isa and yung struggles nila having to move to Manila from Samar."

Nagbigay rin ng mensahe si AJ sa kanyang fans.

Aniya, "Sa mga fans? Ako, I’m thankful na meron akong fans. How do I handle them? Ako, I reach out to them via internet, social networking. Ginagamit ko ang Twitter."

Sa Twitter nga niya ipinaalam sa kanyang fans na pabalik na siya ng Manila noong gabing yun: "On the way home already from Dagupan. Long drive ahead... Thanks to everybody who watched..."

During the press conference in Dagupan, tinanong din si AJ tungkol sa kinabibilangan niyang grupo, ang Gigger Boys, at kung ano na raw ang nangyari rito.

Bukod kay AJ, kasama rin sa grupo sina Enchong Dee, Sam Concepcion, Aaron Villaflor, Enrique Gil, at Robi Domingo.

Ayon kay AJ, "Buo pa rin ang Gigger Boys. Yun nga, it just so happens na paminsan na lang kaming sumasayaw together as a whole group. Iba-iba ang schedule. Walang time for rehearsal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag may ASAP ang isa, yung isa, may out-of-town shows, may taping. Pero hindi pa rin naman nawawala ang Gigger Boys, buo pa rin."

Nakaburol ang labi ni AJ sa La Salle Greenhills hanggang bukas ng tanghali, April 19, bago ito ilipat sa Green Meadows.

Nakatakda siyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Linggo, Abril 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN