Gigger Boys and other showbiz friends still in shock over death of AJ Perez

(Main photo) AJ Perez, second from right, with fellow Gigger Boys Robi Domingo, Aaron Villaflor, and Sam Concepcion; (insets) Enrique Gil and Jessy Mendiola. (CLICK HERE to trace AJ’s career through a photo gallery)


Ilan sa malalapit na kaibigan ni AJ Perez ang nakausap ng The Buzz ilang oras pagkatapos kumalat ang balitang namatay ang young actor dahil sa aksidente noong madaling-araw kahapon, April 17. (CLICK HERE to read related story.)

Kasama na rito sina Rayver Cruz at Gab Valenciano, na kasamahan ni AJ sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

Nagbigay ng mensahe ang dalawa para sa namayapa nilang kaibigan.

Ani Rayver, "Alam naman naming lahat na kung nasaan man siya ngayon, masaya siya. Prayers na lang. Ipagpi-pray namin siya.

"Sa family niya, stay strong na lang. Kasi ako, naranasan ko na, at mahirap siyempre. Lalo na sa kalagayan nila ngayon. Iba kasi kapag family.

"Narito naman kaming lahat para sa kanila, sa family niya, for him, para ipag-pray."

Namatay ang ama ni Rayver noong 2009.

Ayon naman kay Gab, "If he’s listening right now, thank you for being an inspiration. Not just for younger people, but for myself and older guys. I pray that wherever you are—I believe that you are with our Creator—we love you, Bro. And I’ll see you soon."

Nakausap din ng The Buzz ang leading lady ni AJ sa dating teleserye ng ABS-CBN, ang Sabel, na si Jessy Mendiola.

Aniya, "Akala ko talaga hindi totoo yung sunod-sunod na tweet ni Mama Ogie [Diaz] na, yun nga, naaksidente raw si AJ. Tapos, dead on arrival na raw siya sa hospital.

"Hindi ko talaga siya matanggap. Hanggang ngayon, nasa state of shock pa ako. Parang kakakita lang namin noong isang araw, tapos ngayon, wala na siya.

"Puro good words ang meron siya para sa akin. Kapag sinasabi kong hindi ko kaya, sasabihin niya, ’Kaya mo ’yan. Ang galing-galing mo.’

"Palagi siyang... Minsan kahit bad words na ang ibato mo sa kanya, mga good words pa rin ang ibabato niya sa ’yo. Ganoon siya kabait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ine-expect namin na any time, dadaan siya, maghe-hello, mag-i-smile sa amin. Mahirap lang tanggapin na wala siya.

"Pare, sana maging masaya ka na diyan. Mahal na mahal ka namin at mami-miss ka namin nang sobra."

GIGGER BOYS. Sa studio naman ng The Buzz ay live na nakausap ng host na si Boy Abunda ang barkada ni AJ sa Star Magic at mga kasamahan sa Gigger Boys na sina Enrique Gil, Sam Concepcion, Aaron Villaflor, at Robi Domingo.

Umpisa pa lang nang ipakilala ni Boy Abunda ang apat ay teary-eyed at naging emosyunal na si Robi.

Una siyang tinanong ni Boy kung ano ang mga natutunan niya at kung ano ang memories na meron siya sa kaibigang pumanaw.

"Well, alam naman natin that AJ is in a better place now. Wala...wala po akong masabi," sagot ni Robi.

Tinanong ni Boy si Robi kung bakit siya umiiyak.

Sagot ng dating Pinoy Big Brother teen housemate, "Sayang, e... sayang, e. You may say that the person has unlimited potential. Iba si AJ, hindi lang unlimited potential."

Ano ba ang memories niya kay AJ?

"Kasi, whenever wala si Tito Gerry [AJ’s dad] para sunduin siya, ako personally ang naghahatid sa kanya sa bahay. And sa time namin na yun, napag-uusapan namin lovelife niya, lovelife ko, lahat—anything under the sun. Ikinukuwento ko na sa kanya lahat."

May non-showbiz girlfriend si AJ.

Patuloy ni Robi, "Si AJ kasi, hindi lang siya celebrity, hindi lang siya dancer, hindi lang siya Gigger Boys, hindi lang siya Kapamilya sa amin, he was one of our brothers. Kaya sobrang sakit."

His message to AJ...

"AJ, alam namin na nasa mabuting lugar ka. You’re with God now. Always take care of yourself, bro. We’ll always pray for you."

Para naman kay Aaron, masakit daw talaga ang biglang pagpanaw ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Masakit, kasi malalapit na kaibigan kami. Kung paano nabuo ang grupo namin. Alam n’yo yun, napaka-solid namin. We work as one.

"Parang ang sakit lang. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin tanggap.

"Ewan ko, magulo pa rin ang isipan ko ngayon. Parang napakaimposible. Siyempre, masakit para sa aming lahat. Lalo na sa mga nakakakilala sa kanya, di ba?

"Kaya noong narinig namin ang balita, parang nagtawagan kami, 2 a.m.

"’Bro, alam mo na ang balita kay AJ? Bro, wala na si AJ.’ Akala ko, nagloloko lang sila. ’Bro, saan naman galing ang balitang ’yan?’ sabi ko. ’Bro, it was confirmed. Patay na si AJ.’"

Ayon naman kay Sam, "Actually, noong malaman ko yun, parang hindi mo pa kayang i-accept agad, e. Parang you’re in shock, you’re in denial.

"Until right now, ang nararamdaman ko, parang ganoon pa rin. It was surreal.

"When I found out about it, I was trembling. My heart was pounding. Ganoon pa rin po ang feeling ko hanggang ngayon.

"And the way I remember AJ, he was just a happy soul. Masayahin lang po siya, kung bakit kami nagtatawanan. Most of the laughs we shared is because of AJ."

Tulad nina Robi, Aaron, at Sam, in shock pa rin daw si Enrique.

"I can’t believe na wala na si AJ," sambit ng Mula Sa Puso actor.

"Nalaman ko na wala na siya noong tumawag sa akin si JM de Guzman sa taping. Sabi niya, ’Bro, totoo ba ang balita?’ Sabi ko, ’Ano?’ ’Huwag kang mabibigla, ha. Si AJ raw, wala na.’ ’Pre, hindi totoo ’yan. Teka lang, tawagan ko si AJ.’

"May sumagot, parang si AJ. Sabi ko, ’Bro, anong nangyari sa ’yo?’ Si Tito Gerry pala yun, yung tatay niya ang sumagot. ’Ken,’ tawag niya sa akin Ken. ’Ken, I can’t talk right now.’ Sabi niya, ’AJ is gone.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabilis daw ang takbo nila, tinamaan daw sila ng truck. Sabi ko, ’Tito, I can’t believe it. I’m so sorry.’ Sabi niya, ’Just tell your friends na lang. I’m sure they want to know.’"

Sinabi ni Boy na naiintindihan niya ang nararamdaman nila sa pagkawala ni AJ. Pero ano ang naging tama nito sa kanila?

Enrique: "Live your life to the fullest. Anything you want to do, gawin mo na agad."

Sam: "Same. Treat every day as your last because it could be anyone of us. You just take everything and, you know, let the people around you feel how you feel about them."

Aaron: "Sa akin, ingat lang at dasal, of course."

Robi: "Everything is uncertain. And just like in the book, Tuesdays with Morrie, if you know how to die, you know how to live. Kung ako sa inyo, sabihin n’yo na sa lahat ng minamahal ninyo na mahal n’yo sila."

Pagkatapos ng interview ay nag-alay ng awitin si Sam para sa yumao nilang kaibigan—ang "Gone Too Soon" ni Michael Jackson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN