TV5 issues its "guidelines for the protection of children"

Part of TV5’s program guidelines to protect the rights of children is: "conducting regular seminars and sensitivity training sessions for all talents and employees in production."


Inilabas ng TV5 ngayong araw, April 19, ang kanilang panuntunan para mapangalagaan ang karapatan ng mga batang lalabas o lalahok sa kanilang mga programa.

Layunin daw ng kanilang "network guidelines for the protection of children" na maiwasang maulit ang kontrobersiyang kinasangkutan ng primetime variety-game show na Willing Willie, matapos ang March 12 episode nito.

Lumikha ng ingay ang nasabing episode ng programa matapos na paulit-ulit na pinasayaw ng isang "sexy" dance number ang anim na taong gulang na contestant na si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related article.)

Dahil sa nangyari ay inakusahan ng ilang indibiduwal at grupo ng "child abuse" ang main host ng programa na si Willie Revillame. (CLICK HERE to read related article.)

Hindi naglaon ay lumaki nang husto ang isyu, na nauwi sa pag-pullout ng ad placements ng ilang malalaking sponsors sa programa.

Dahil din sa mga pangyayari ay minabuti na lamang ni Willie na magpahinga muna sa kanyang trabaho bilang host.

Kasabay nito ay nagdesisyon ang TV5 management na panandaliang itigil ang pag-ere ng programa habang isinasaayos ang format nito. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon at hearing na isinasagawa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa controversial episode.

Ito ay para konkretong matiyak kung anong aksyon ang dapat ipatupad upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap.

SENSITIVITY TRAINING SESSIONS. Sinabi ng TV5 na ang lahat ng nakasaad sa kanilang panuntunan ay nabuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Children’s Television Foundation (PCTF).

Ang PCTF ay isang non-profit organization na siyang nasa likod ng popular children’s educational program na Batibot, na napapanood sa TV5.

"TV5 will assign a child welfare coordinator with appropriate background and training to be present at each stage of the production process (auditions, interviews, rehearsals, and production conferences, among others) to oversee all matters relating to the welfare of children," saad ng pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagbigay alam din ng Kapatid network na regular silang magsasagawa ng seminars at "sensitivity training sessions" para sa mga talento at bumubuo ng production staff ng bawat programa.

Ang gabay at panuntunan na ito raw ang magsisilbing katibayan na tapat at seryoso ang istasyon na masiguro na epektibong mapapangalagaan ang karapatan ng mga kabataan at walang anumang paglabag ang magaganap sa ilalim ng mga programa na napapanood sa TV5.

FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang nilalaman ng statement na ipinadala ng Kapatid network sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon:

"In line with its commitment to support the intellectual, emotional, psychological, physical and social development of children, TV5 released today its Guidelines on the Treatment of Children as Viewers, Subjects, Talents or Participants.

"The Guidelines, formed in consultation with the Philippine Children’s Television Foundation, articulate the network’s general policies on the treatment of children, with specific provisions on children’s programming, news coverage pertaining to children, participation of children in programs, and compliance measures.

"Apart from these Guidelines, TV5 commits to comply with other standards that may be formulated by the Movie and Television Review and Classification Board, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, the Department of Labor and Employment (e.g., on child talents), and other relevant agencies.

"TV5 will assign a child welfare coordinator with appropriate background and training to be present at each stage of the production process (auditions, interviews, rehearsals, and production conferences, among others) to oversee all matters relating to the welfare of children.

"To ensure that all programs consistently comply with the Guidelines, TV5 will conduct regular seminars and sensitivity training sessions for all talents and employees in production.

"Moreover, TV5 has created its own Standards Compliance Group (SCG) with a Standards Advisory Board to formulate and periodically review the Network’s broadcast standards and policies, and a Compliance Section that will monitor compliance therewith. All programs, plugs, and other non-program materials aired on TV5, AksyonTV, Radyo5, Sports5, as well as on the TV5 and INTERAKSYON websites shall be monitored by the Compliance Unit. A consulting child psychologist will likewise be engaged to support the implementation of the Guidelines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Finally, in an effort to be more sensitive and responsive to its viewers, TV5 is in the process of setting up a viewer feedback mechanism, where viewers may email the Ombudsman (the_tv5_ombudsman@tv5.com.ph) directly.

"Any and all complaints sent via the viewer feedback mechanism shall be handled confidentially and with discretion. With the said Guidelines in place, TV5 hopes to contribute to building a socially responsible community with genuine respect and sensitivity towards all children and their families.

"It is a manifestation of the network’s sincere intention to implement effective precautionary measures to guarantee that no rights, especially children’s rights, will be violated in the production and broadcast of its radio and television programs."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN