AJ Perez’s eyes cannot help Fatima Soriano, says doctor

"I accept po kasi alam kong ito ang will ni Lord," says Fatima Soriano (inset) after her eye doctor said that she cannot accept AJ Perez’s eyes.


Hindi na mapupunta sa blind singer at Marian devotee na si Fatima Soriano ang mga mata ng yumaong young actor na si AJ Perez.

Matatandaang nais sana ng pamilya ni AJ na i-donate ang cornea ng kanilang yumaong anak kay Fatima, na mula pa pagkasilang niya ay isa nang bulag. Napanood kasi ng ina ni AJ ang interview ni Fatima sa programang Bottom Line ni Boy Abunda at tumatak sa isip niya ang dalaga. (CLICK HERE to read related story.)

Namatay sa isang vehicular accident ang 18-year-old Kapamilya star noong Linggo, April 17, habang nasa biyahe pabalik ng Manila. Galing si AJ sa Dagupan, Pangasinan, kunsaan dumalo siya ng pagdiriwang doon ng Bangus Festival.

Pero ayon sa doktor sa mata ni Fatima na si Dr. Mae Singson, hindi posibleng mailipat ang cornea ni AJ sa kanyang pasyente. Ang problema raw kasi ni Fatima ay ang kanyang mga retina, at tanging ang mga cornea lang ang maaaring i-transplant.

"Ang corneas niya ay normal," palinawag ni Dr. Singson sa isang panayam. "Ang problema sa kanya ay ang likod ng mata o ang kurtina ng mata called the retina.

"‘Yon ang defective sa kanya and it has been defective since pinanganak siya.

"So changing the cornea, which is sa harapan ng mata, ay hindi makakabigay lunas sa kanyang karamdaman.

"To this day, wala pa tayong effective na retinal transplant."

Pero maluwag namang tinanggap ni Fatima ang kanyang kapalaran.

"I accept po kasi alam kong ito ang will ni Lord," sabi ng 17-year-old "Miracle Kid."

Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin ni Fatima ang pamilya ni AJ dahil sa pagmamagandang-loob nila sa kanya.

Dagdag pa niya, "Baka may someone else po na matutulungan, kahit hindi po sa akin."

Samantala, in-endorse na ng pamilya Perez ang cornea ni AJ sa eyebank, at kung sino man ang compatible dito ay siyang magiging beneficiary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN