Gawad Urian picks the Ten Best Films of the Decade (2000-2009)

(First row, L-R) Elryan de Vera in Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino; Jiro Manio in Magnifico, and Nathan Lopez in Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros; (second row, L-R) Anita Linda in Lola, Katherine Luna in Ang Babae Sa Breakwater, Ina Raymundo in Tuhog, and Gina Pareño in Kubrador; (third row, L-R) Coco


The Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) has just released its list of the Ten Best Films of 2000 to 2009, or the first ten years of the current millenium.

Ang pagkakaroon ng tala ng pinakamahuhusay na pelikula sa nakaraang sampung taon ay ginagawa ng Manunuri simula pa noong unang taon ng 1980s, para sa taunang Gawad Urian.

Ang Gawad Urian ay nagsimula noong 1977 (para sa mga pelikulang itinanghal sa taong 1976).

Bagamat nagsimulang magbigay-parangal sa kalagitnaan ng 1970s, ang sakop ng Sampung Pinakamahuhusay na Pelikula ng 1970s ay nagsimula pa rin sa taong 1970 hanggang 1979.

Sa taong ito, napili na ang mga pelikulang pararangalan ng Manunuri, na kabilang sa Sampung Pinakamahuhusay na Pelikula ng 2000-2009. Ito ay matapos ng mahabang proseso ng pilian.

Ang pagkakalatag dito ng mga pelikula ay nasa alphabetical order:

Babae Sa Breakwater (2003). Mula sa panulat at direksiyon ni Mario O’Hara, ang pelikula’y kabilang sa iilang indie films na gumamit ng celluloid.

Starring a team of acclaimed new acting discoveries—led by Kristoffer King, Alchris Galura, and Katherine Luna, plus seasoned actor Gardo Versoza in a major villain’s role—Babae Sa Breakwater is "a moving insight into the squalor and poverty of inner city life in the Philippines."

Noong May 2004 itinanghal ang pelikulang ito ni Mario O’Hara sa Cannes International Filmfest (Directors Fortnight).

Later that year, sa Osian Cinefan Festival of Asian Cinema sa New Delhi, India, at sa Cinemanila International Film Festival, na pinagtamuhan ni Katherine Luna ng Best Actress awards; at ng NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) sa CIFF.

Nanalo ring Pinakamahusay na Pelikula (co-winner) sa Gawad Urian 2004, at nagtamo ng mga parangal para sa Musika at Disenyong Pamproduksiyon.

Batang Westside (2001). Sa direksiyon ni Lav Diaz, base sa kanyang Palanca award-winning screenplay, ang pelikula ay tungkol sa isang krimeng kumitil sa buhay ng isang Pilipino sa New Jersey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tampok sa obrang may limang oras na running time sina Joel Torre bilang imbestigador at Yul Servo bilang Pilipinong napatay sa New Jersey, USA.

Nagtamo ng major awards sa Gawad Urian 2002, kabilang ang Best Picture, Best Direction, Best Screenplay.

Iginawad din ng Urian ang mga awards kina Joel Torre (pangunahing aktor), Gloria Diaz (pangalawang aktres), at Raul Arellano (pangalawang aktor), liban pa sa ibang creative/technical awards.

Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino (2004). Sa panulat at direksiyon ni Lav Diaz, kabilang ito sa mga unang pelikulang Pilipinong ginawa sa pamamagitan ng digital film technology.

Nagkamit ito ng kaukulang papuri mula sa mga banyagang manonood.

Ito rin ang tinatayang pinakamahabang pelikulang Pilipino sa kasaysayan natin. Ang running time nito ay mahigit sampung oras.

Tinatalakay nito ang mga suliraning panlipunang kinakasangkutan ng mga Pilipino sa kanayunan (agrarian unrest, insurgency, displacement).

Ito ay mula sa pananaw ng isang batang naulila, si Raynaldo (Elryan De Vera), na inampon ng isang babaeng "mentally unhinged" o may kapansanang pang-kaisipan, si Hilda (Marife Necesito).

Nang lisanin ni Raynaldo ang tahanan ng kumupkop sa kanya at mamuhay sa kabundukan kasama ang isang pamilya ng mga minero, ang nadiskubre niya ay mga suliranin at katotohanang tulad ng sa tinalikurang mundo.

Ang pelikula’y napiling Pinakamahusay na Pelikula at Dulang-Pampelikula, among other awards, sa Gawad Urian para taong 2004.

Kinatay (2009). Brillante Mendoza’s much-celebrated film, winning for him the 62nd Cannes Filmfest Best Director Award in 2009.

Ito ay mula sa panulat ng premyadong screenwriter na si Armando "Bing" Lao.

Tungkol ito sa initiation ng police academy student na si Peping (Coco Martin), na naging witness sa isang gruesome murder, kung saan sangkot ang mga miyembro ng kapulisan (John Regala, Julio Diaz, Lauren Novero).

Ang biktima ay si Madonna (Ma. Isabel Lopez), na walang awang tsinap-chop, at pagkatapos ay itinapon ang pira-pirasong bahagi ng katawan nito sa iba’t ibang dako ng siyudad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naganap ang krimen sa loob ng isang magdamag, samantalang panghabambuhay ang pagkakasangkot ni Peping, bilang accomplice, sa krimeng siya ring batayan ng tunguhin ng kanyang gawain at pagkatao.

Ang Kinatay ay nanalo rin ng major Gawad Urian awards taong 2010: Best Picture and Direction para kay Brillante Mendoza; at Best Sound para kay Albert Michael Idioma.

Kubrador (2006). Jeffrey Jeturian’s prize-winning film, locally and internationally, on illegal gambling (numbers game, or the jueteng).

Unang nagawaran ng Fipresci international critics award, sa Moscow International Filmfest sa Russia, nagkasunud-sunod na ang parangal ng Kubrador sa iba pang international filmfests, kabilang ang sa Osian’s Cinefan Festival of Asian Cinema sa New Delhi, India.

Ilang international best actress awards din ang napanalunan ng pangunahing aktres ng pelikula na si Ms. Gina Pareño—sa Osian Cinefan, Amiens Filmfest, at Brussels Int’l. Filmfest, sa Belgium. Bukod pa rito ang ilang major local awards na napanalunan ng pelikula, ng direktor, at ng lead actress.

Major winner sa Gawad Urian 2006 ang Kubrador: Best Picture (MLR Productions, producer), Direction (Jeffrey Jeturian), Production Design (Leo Abaya), Cinematography (Boy Yniguez), at Pagganap/Pangunahing Aktres (Gina Pareño).

Lola (2009). Surprise entry sa 2009 Venice International Film Festival, ang Lola, sa direksiyon ni Brillante Mendoza, ay tumatalakay sa kuwento ng dalawang senior citizens (Anita Linda at Rustica Carpio).

Sila ay kapwa lola ng dalawang apong naging sangkot sa isang krimen—ang isa’y napatay sa pamamagitan ng saksak (apo ni Anita Linda) at ang isa’y nakulong (apo ni Rustica Carpio; si Ketchup Eusebio), sanhi ng pagnanakaw at pagpaslang.

Sa tunggalian ng dalawang tauhan para sa pagkakamit ng hustisya, ayon sa kanilang paniniwala at naitakda ng batas, ay masasalamin ang uri ng buhay sa kalunus-lunos na kapaligiran para sa mga mamamayang ilang panahon na lang ang ilalagi sa mundo.

Nagtamo ang pelikula ng mga parangal sa Gawad Urian 2010: Best Screenplay (Linda Casimiro), Best Production Design (Brillante Mendoza), at Best Actress (Anita Linda at Rustica Carpio).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, nagtamo rin ng maraming parangal ang Lola sa iba’t ibang international Filmfests—Spain, Dubai, Iran filmfests, at iba pa—bilang mahusay na pelikula at mahusay na pagganap ng dalawang veteran actresses.

Magnifico (2003). Sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto, ang indie film na ito’y itinanghal at nagkamit ng parangal sa Berlin International Filmfest sa Germany (Kinderfest Division) noong 2004.

Bukod sa Berlin, naitanghal din ang pelikula sa humigit-kumulang sa limampung festivals sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ito ang pinaka-celebrated work ng box-office movie director na si Direk Maryo J. Isang natatanging tearjerker tungkol sa isang batang lalaki na labis napamahal sa mga taong naging bahagi ng kanyang pansumandaling pag-iral sa isang maliit na bayan.

Tampok sa pelikula ang ensemble performance ng mga batikang aktor at aktres, tulad nina Albert Martinez, Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Mark Gil, Celia Rodriguez...

Ng baguhang si Isabella de Leon, ng beteranang aktres na si Ms. Gloria Romero, at ng child actor na si Jiro Manio, na nagkamit ng maraming Best Actor (at Best Child Actor) awards para sa kanyang pagbibida sa pelikula, bilang si Magnifico.

Sa Gawad Urian ng taong 2004 ay nanalo ang Magnifico sa iba’t ibang mga kategorya, kabilang ang Pinakamahusay na Pelikula, Direksiyon (Maryo J.), Pangunahing Aktor (Jiro Manio), Pangalawang Aktor (Albert Martinez), at Pangalawang Aktres (Gloria Romero).

Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros (2005). Sa direksiyon ni Auraeus Solito, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto, ito ang pelikulang nag-set ng trend ng mga pelikulang digital—bagamat malaon na ring napasimulan ang pagsasapelikula sa pamamagitan ng naturang medyum.

Nagkaroon ng malaking following ang pelikula at naging unqualified box-office success.

Sa mga digital entries sa taunang Cinemalaya Independent Film Festival and Competition, ito ring Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros, sa mga naging kalahok sa unang taon ng Cinemalaya, ang naging pinakamatagumpay sa pagsali sa iba’t ibang international filmfests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa taunang Gawad Urian, nanalo ang Maximo Oliveros sa iba’t ibang mga kategorya, kabilang ang sa Pinakamahusay na Pelikula, Dulang Pampelikula (Michiko Yamamoto), at Sinematograpiya (Nap Jamir).

Serbis (2008). Ito ay sa direksiyon ni Brillante Mendoza, mula sa dulang pampelikula nina Armando "Bing" Lao at Boots Agbayani Pastor.

Ang Serbis—na naging entry ng Pilipinas sa 2008 Cannes International Filmfest (Main Competition)—ay isang pagtuligsa sa mga institusyong panlipunan at dekadenteng pamumuhay ng Pilipino.

Ang pagkadekadente nito ay nasasalamin sa isang luma’t umaalingasaw na palikuran ng isang sinehan na nagpapalabas ng mga malalaswang pelikula at nagpapapasok ng mga menor de edad. Saliwan din ito ng mga parokyanong ang hanap ay panandaliang aliw.

Ang kabalintunaan ng sitwasyon ay lingid sa bulag, o bulag-bulagang kaisipan ng family matriarch (Gina Pareño), anak (Jaclyn Jose), at manugang (Julio Diaz); pati mga pamangkin (Coco Martin at Kristoffer King); at sampid (Mercedes Cabral).

Nanalo ang Serbis sa mga pangunahing kategorya sa 31st Gawad Urian kabilang ang Pinakamahusay na Pelikula, Direksiyon (Brillante Mendoza), Sinematograpiya (Odyssey Flores), at Disenyong PamProduksiyon (Benjamin Padero).

Tuhog (2000). Ito ang taon ng Gawad Urian na nanindigan ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) laban sa sensura (censorship) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinakamataas na parangal (Best Picture) sa Tuhog.

Ang pelikula ay binigyan ng X-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa ilalim ng maikling pamamahala ni Dr. Nicanor G. Tiongson, former MTRCB Chair at aktibong Manunuri.

Na hindi nanalo sa kategoryang Pinakamahusay na Direksiyon si Jeffrey Jeturian, para sa Tuhog, ay mananatiling palaisipan sa kanyang tagasubaybay. Lalo pa ngayong kabilang sa Sampung Pinakamahusay na Pelikula sa taong 2000-2009 ang Tuhog.

Gayunman, mananatiling gem of a film ang obra ni Jeturian, na kabilang sa mga unang produkto ng so-called "pitu-pito" movies ng Good Harvest Productions, na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanghal bilang competition entry sa Venice International Filmfest, ang Tuhog ay isang pagtalakay sa dalawang uri ng karahasang naganap sa isang mag-ina: hinalay ng sariling kadugo (ama at abuelo) at pagkatapos ay muling "napagsamantalahan" nang pumayag silang maisapelikula ang kanilang sinapit.

Ang mag-ina ay ginampanan nina Irma Adlawan at Ina Raymundo; at mga tauhang hindi totoong sumalamin sa pagkatao nila ay ginamapanan nina Jaclyn Jose at Klaudia Koronel.

Bukod sa Pinakamahusay na Pelikula, nanalo ang Tuhog sa Gawad Urian 2000 sa mga kategoryang Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Armando "Bing" Lao) at Musika (Jay Oliver Durias)...

At mga nominasyon para sa pagganap nina Irma Adlawan at Ina Raymundo (pangunahing aktres), Nante Montreal (pangalawang aktor), at Jaclyn Jose (pangalawang aktres).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN