ABS-CBN to file "reckless imprudence" case against driver of van in AJ Perez’s death

ABS-CBN will file a case against the driver of the van involved in the accident which killed young actor AJ Perez (in photo). The Kapamilya network clarified that the driver is an employee of Southbend Express Services, Inc, a service contractor of ABS-CBN.


Magsasampa ng kasong "reckless imprudence" ang ABS-CBN laban sa driver na nagmamaneho ng van na sinasakyan ng young actor na si AJ Perez at ilan pang mga kasama nito noong madaling-araw ng April 17, Linggo.

Bumangga ang van sa isang pampasaherong bus sa Barangay San Julian, Moncada, Tarlac. Pabalik na ng Maynila ang grupo mula sa Dagupan, Pangasinan, kunsaan nag-perform si AJ sa Bangus Festival.

Nasawi si AJ dahil sa aksidenteng naganap, samantalang nagtamo naman ng injuries ang ilang mga kasama niya, kabilang na ang dalawang road managers ng ABS-CBN at ang ama ng young actor na si Gerry Perez. (CLICK HERE to read related story.)

Sa pamamagitan ng isang press statement na ipinadala ni Mr. Bong Osorio ng ABS-CBN Corporate Communications Department sa PEP, nilinaw ng ABS-CBN na ang driver na sangkot sa aksidente ay empleyado ng Southbend Express Services, Inc, isang service contractor ng Kapamilya network.

Dagdag pa ng ABS-CBN, "Matapos suriin ang mga detalye sa insidente, magsasampa ang ABS-CBN ng kasong reckless imprudence laban sa driver ng Southbend. Ito ay karagdagan sa naunang kasong inihain laban sa driver ng Partas bus."

Ayon sa initial investigation ng Moncada Police, sinubukan ng van na i-overtake ang isang trailer truck nang bumangga ito sa isang paparating na Partas bus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN