Eat Bulaga! Dabarkads all set to bring happiness to Pinoys in Vancouver, Canada

Tito Sotto, Joey de Leon, and Vic Sotto, with the rest of the Eat Bulaga! Dabarkads, are bringing noontime fun to Filipinos in Vancouver, Canada, on April 23.


VANCOUVER, CANADA —Excited na ang buong Eat Bulaga! Dabarkads na mag-show para sa mga kababayan natin dito sa Vancouver.

Ilang beses nang nagpabalik-balik ang EB sa Amerika, pero ito ang first time ng tropa sa Canada kaya excited lahat, pati na ang main hosts ng programa na sina Tito, Vic & Joey.

Bukod sa TVJ, kasama sa show nilang Eat Bulaga! Invades Vancouver sa Black Saturday, April 23, sina: Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, Pauleen Luna, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola...

Anjo Yllana, Jimmy Santos at Paolo Ballesteros. Ka-join din si Michael V., na first time makakasama ng tropa sa EB show abroad.

Dapat ay kasama si Bitoy sa EB show sa Anaheim, California, nung September 2010, pero palipad na lang pa-Amerika ay ’pinababa pa sila ng eroplano dahil may sore eyes ang isa niyang anak. Naunsyami tuloy pati ang bakasyon nilang buong pamilya.

Ngayon ay nauna na sa U.S. ang pamilya ni Bitoy para magbakasyon. Pupunta na lang sila sa Canada para sa show sa Sabado.

Nakabili ng bahay si Bitoy sa Corona, California, kaya meron na silang tinitirahan sa Amerika.

Hopefully, this time ay matuloy na ang participation ni Bitoy sa show at hindi na magkaaberya.

Kasama rin sa Vancouver show ang EB Babes na sina Saida Diola, Ann Boleche, Mergene Maranan, Molly Baylon, Steph Tan, Ria Duenog, at Maricorn Mangampo na dumating dito nung Miyerkules ng hapon (oras sa Vancouver).

Si Joey de Leon, na nagbakasyon muna sa New York kasama ang kanyang pamilya, ay Huwebes ng madaling-araw ang dating dito, kasama ang maybahay niyang si Eileen Macapagal.

Gaganapin ang Eat Bulaga! Invades Vancouver sa Queen Elizabeth Theatre, West Georgia St., Vancouver, British Columbia, V6B 2P1, Canada.

Ang nasabing venue ay home of the Vancouver Opera. Almost 3,000 ang maximum capacity nito.

With the 42-member entourage ng EB—kasama ang hosts, staff, crew, at iba pa—ito na ang isa sa biggest shows ever na dinala sa Vancouver para maghatid ng saya sa ating mga kababayan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan sa kanila ay permanent residents at Canadian citizens, pati na rin yung foreign workers na matagal nang nagtatrabaho rito at hindi nakakauwi ng Pilipinas.

The show is produced by R&B Productions, na nag-produce ng shows dito noon nina Sarah Geronimo, Parokya ni Edgar, Kamikazee, at Vice Ganda.

Sa Empire Landmark Hotel sa Robson Street sa downtown Vancouver naka-billet ang EB dabarkads.

Para sa tiket sa Eat Bulaga! Invades Vancouver, maaaring tumawag sa telephone numbers na: 604-812-2728 (Bojie, Vancouver); 778-892-0873 (Kuya, Surrey); 604-722-9711 (Ace, Richmond).

Sa Seattle area ay 206-306-6650 (Reinhold).

Available din ang mga ito sa ilang select Filipino stores sa Vancouver at sa Seafood City Supermarket sa Seattle, Washington.

Ang halaga ng tiket ay $35, $55, $75 at $95 (VIP).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN