Boracay still the favorite Holy Week destination of the stars

Some of the stars spotted in Boracay this Holy Week: (Clockwise from top right) Captain Barbell girls Michelle Madrigal, Solenn Heussaff, and Bianca King; Sen. Bong Revilla and wife Rep. Lani Mercado; Lovi Poe; and Ervic Vijandre.


Boracay pa rin ang paboritong puntahan ng karamihan ng mga artistang gustong magbakasyon sa Semana Santa.

Nung Miyerkules Santo, April 20, pa lang ay namataan na namin sa Terminal 3 airport ang pamilya Gutierrez na patungong Boracay.

Nakaugalian na rin nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado na sa Boracay mag-Holy Week kasama ang kanilang mga anak at apo.

Sa Discovery Shores sila naka-billet, kung saan nandoon din si Richard Gutierrez kasama ang mga kapatid at ilang kasamahan sa Captain Barbell na sina Lovi Poe, Michelle Madrigal, Ervic Vijandre, at Solenn Heussaff na sumunod lang kinabukasan.

LOVI & JOLO. Halatang nag-iiwasan ang dating magkasintahan na sina Lovi at Jolo Revilla dahil sa pagkakaalam namin, hindi rin sila nagkikita o nagkausap man lang kahit nasa iisang resort hotel lang sila.

Nung hapon ng Huwebes Santo, April 21, in-interview ng media ang mag-asawang Bong at Lani kasama ang kanilang mga anak. Dumating naman ang grupo nina Richard at isa na roon si Lovi.

Bumati si Lovi sa mga kapatid ni Jolo, pero hindi ito lumapit sa kinauupuan ng dating boyfriend.

Napapangiti na lang si Jolo nang tinukso na ito kay Lovi.

"Magkaibigan naman kami. Nagti-text minsan, pero hindi pa kami nagkausap," nakangiti niyang pahayag.

Umiiwas naman si Lovi na sagutin ang tungkol sa kanila ni Jolo, pati ang ilang intriga dahil nandun lang daw siya para magbakasyon.

Pero nung Biyernes Santo ng gabi, April 22, ay nagkita sila uli sa lobby ng Discovery Shores at nilapitan na ni Jolo si Lovi para batiin.

Nagkausap naman daw sila pero nagkumustahan lang. Ipinakilala naman daw ni Lovi si Jolo sa mga kaibigan nito.

MICHELLE MADRIGAL. Medyo emotional pa rin si Michelle Madrigal nang napag-usapan ang tungkol sa breakup nila ni Jon Hall.

Naalala pa nito na ang huling bakasyon niya sa Boracay ay magkasama pa sila ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon ay single na nga raw siya at wala pa raw munang panahong magkaroon ng panibagong relasyon.

Okay naman daw sila ni Jon bilang magkaibigan at nagkakausap naman daw sila kapag nagkikita sila sa taping. Pero hanggang dun na lang daw at hindi raw niya masabing may posibilidad na magkabalikan.

Pahayag ni Michelle, "Kasi ang two years na pinagsamahan namin ni Jon hindi naman mawawala yun, e, kasi we’re always together, we have the same manager [Annabelle Rama].

"Ang dami naming pinagdaanan ni John na through thick and thin talaga na kumbaga, ang dami naming problema na inayos naming dalawa.

"So, you know, hindi mo puwedeng isara ang pinto sa isang taong two years mo ring nakasama. Pero right now, hindi namin iniisip na magkabalikan kami.

"Basta kung anong mangyari, hindi mo naman masabi, di ba? Pero right now, friends pa rin kami."

ERVIC VIJANDRE. Si Ervic Vijandre naman ay aminadong muntik na raw sanang mauwi sa magandang relasyon ang closeness nila ng dating SexBomb dancer na si Aifah Medina. Pero naudlot daw ito dahil sa mga bagay na hindi nila napapagkasunduan.

Naging abala na rin daw siya sa trabaho kaya wala na itong panahon para maging okay sila ng dating SexBomb dancer.

Naging open din si Ervic sa nararamdaman niya sa dating kasintahang si Marian Rivera.

Mahirap daw sa kanya na basta na lang kalimutan ang pitong taong magagandang samahan nilang dalawa. Kaya mahigit dalawang taon din daw siyang nagdusa bago makapag-move on nang husto.

"Honestly, sobrang matagal kasi akala ko yun na, e," sabi niya.

"Isipin mo seven years na hindi na ako sanay na nanliligaw pa, o sumusuyo pa sa iba.

"Kumbaga, nasa stage na kampante na ako, settled na ako na wala na akong pakialam sa ibang tao, tapos biglang na-restart yung buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sa susunod daw niyang relasyon, yun na raw ang babaeng pakakasalan niya dahil hirap daw siyang mag-restart ng buhay niya kapag may breakup na naman.

Aminado rin itong hindi raw niya maiwasang maikumpara minsan kay Marian ang mga babaeng nakaka-date niya.

Ayon kay Ervic, "Si Marian kasi, kahit hanggang ngayon sabihin ko parang wife-material siya. May times before na naku-compare ko ang mga ka-date ko sa kanya.

"Yun ang nalaman ko na mali na hanapin ang katangian ng isang tao sa nakaraan. Kasi mahirapan ka makapag-move on."

Hindi maiwasang kinakabahan daw siya kapag magkikita sila uli ni Marian, pero masaya na raw siya dahil nakikita naman daw niyang masaya na rin ang aktres kay Dingdong Dantes.

"Sa akin kasi matagal na iyun, wala na yun. Actually, masaya talaga ako kapag nakikita kong masaya sila.

"Basta maging masaya lang si Marian, okay na ako dun. Kung hindi man ako, basta maging masaya lang siya di ba?"

SOLENN HEUSSAFF. Mukhang in-enjoy nang husto ni Solenn ang kanyang bakasyon sa Boracay. Unang gabi pa lang niya ay nagpakalasing na ito nang husto kasama ang mga kaibigan.

Namataan siya kinabukasan ng alas singko ng umaga na nakabalik sa hotel na binibitbit na lang dahil sa sobrang kalasingan.

Ilan pa sa mga artistang namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Boracay ngayong Holy Week ay sina Vina Morales kasama ng anak nitong si Ceana, Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan, Jackie Rice at ang daddy at kuya niya.

Nandoon din sina Ahron Villena, Xian Lim, Regine Tolentino, Shalala, at Bianca King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN