AJ Perez "sends" a message to his parents: "Masaya ako kung nasaan man ako ngayon."

"Laging nagpapadala ng anghel si AJ sa amin telling us that he is okay, at huwag na raw kaming mag-worry sa kanya at masaya siya kung saan man siya naroon ngayon," kuwento ng ina ni AJ Perez na si Mrs. Marivic Perez.


"Laging nagpapadala ng anghel si AJ sa amin telling us that he is okay, at huwag na raw kaming mag-worry sa kanya at masaya siya kung saan man siya naroon ngayon," ’yan ang kuwento ng ina ni AJ Perez na si Mrs. Marivic Perez.

Nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mommy ni AJ na may mga ibang taong ginagamit si AJ para iparamdam sa kanilang mag-asawa na okay ang anak nila.

Mayroon kaibigan Mommy Marivic na nagpakita daw sa panaginip niya si AJ at sinasabi nga daw niya na okay siya. Ang message pa nga daw ni AJ ay "Tell my dad na huwag niyang sisihin ang sarili niya sa pagkawala ko, and tell my mom na keep on dancing."

Noong una daw nagtataka si Mommy Marivic kung bakit daw "keep on dancing" ang message sa kanya ng kanyang anak na si AJ. Tinatanong pa nga daw ng kaibigan niya kung nagbo-ballroom dancing siya. Sabi naman ng mommy ni AJ na hindi naman.

"Siguro huling nagsasayaw ako noong high school or college days ko pa kaya nagtataka ako kung bakit ganun ang mensahe sa akin ng anak ko.

"Tapos bigla kong naalala na two days before nung aksidente ni AJ, nagkaroon kami ng bonding ng buong pamilya—si Gerry, AJ, Gelo, at ako. Nasa isang sasakyan kami papunta sa isang lugar na kung saan nagkakatuwaan kami.

"Nag-play si Gelo ng isang music na masaya, yung mala-pop song ang dating. Tapos napasayaw ako nun at sabi ko kina Gelo at AJ na dapat ganito ang sayaw ninyo," ang kuwento ni Mommy Marivic.

"Sabi naman ni AJ sa akin, ’Aba, si Mommy, talagang nagsasayaw pa,’ at sabay halik at yakap nang mahigpit sa akin ni AJ.

"Alam mo, yung parang ibang-iba yung yakap niya sa akin, very passionate. At yung halik niya sa akin hindi lang isa, kundi madaming beses sa different parts ng face ko pati nga sa neck ko me halik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang-iba ang lambing ni AJ sa akin that time. Sabi ko nga kay AJ, ’Aba AJ, ang lambing mo yata ngayon,’ sabay ngiti nya sa akin.

"Yung sa daddy naman niya, siguro nais iparating ni AJ na huwag sisihin ng daddy niya ang sarili niya doon sa pagkawala niya, dahil di naman daw ginusto ng daddy niya ito."

Hindi man nagpaparamdam si AJ nang diretso sa kanyang mga mahal sa buhay ay nagpaparating naman siya ng kanyang mga mensahe sa ibang tao para iparating sa ating lahat na masaya siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN