“Graceful.”
Ganito inilarawan ng ilang celebrities ang ginawang pagbibigay-daan ni Senator Grace Poe sa katunggali niya sa pagkapangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Inihayag ng standard-bearer ng Team Galing at Puso ang kanyang pag-concede sa presidential race sa isang press conference kagabi, May 9.
Sinabi ni Grace sa kanyang statement na iginagalang niya ang resulta ng halalan ngayong taon.
Mensahe niya, “Ako si Grace Poe at naging kandidato sa pagka-pangulo ngayong eleksyon 2016 ay nagbibigay daan kay Rodrigo Duterte, na siyang maliwanag na nagunguna sa kasalukuyang bilangan at siyang napili ng nakararami ng ating mga kababayan.
“Binabati ko si Mayor Rodrigo Duterte at ipinapangako ko ang aking pakikiisa sa paghilom ng ating bayan at pakikiisa ng ating mga kababayan tungo sa patuloy na pag-unald ng ating bansa.”
Hinangaan ng marami ang ginawa ni Grace, kabilang na ang celebrities tulad nina Vice Ganda, Luis Manzano, Arnell Ignacio, Ruffa Gutierrez, Marvin Agustin, at John Lapus.
Narito ang kanilang mga Twitter post matapos ang pahayag ni Grace:
Mabuhay ka Sen. Grace Poe!!! Sana lahat ng pulitiko ganyan. Yung marunong tumanggap ng desisyon ng taong bayan. #GRACEful
— jose marie viceral (@vicegandako) May 9, 2016
It has been a long time since we have heard a statesman speak. Salute to you Grace Poe.
— arnell ignacio (@arnellignacio) May 9, 2016
You are an intelligent, compassionate, beautiful soul Senator Grace Poe. â�¤ï¸ï¿½â�¤ï¸ï¿½â�¤ï¸ï¿½ You have my respect and support. ð���ð��»ð���ð��¼ #Halalan2016
— Ruffa Gutierrez (@iloveruffag) May 9, 2016
Kawawa naman si Sen. Grace Poe. Halatang napagod at nahaggard. Napaka bait nyan. Mabuhay po Senadora!
— John Lapus (@KorekKaJohn) May 9, 2016
@SenGracePOE very graceful grace... I'm proud of you!
— IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) May 9, 2016
It was a good fight Sen. Grace Poe! :) you'll have your time ��
— Luis Manzano (@luckymanzano) May 9, 2016
It was my 1st time to vote for prez and I don't regret having chosen @SenGracePOE. So much respect for fighting the good fight till the end!
— Jake Ejercito (@unoemilio) May 9, 2016
Credit where credit is due. What a graceful and strong fight, Grace Poe! Maraming salamat.
— Joyce Pring (@joycepring) May 9, 2016