"Miracle Kid" Fatima Soriano extends prayers and support to AJ Perez’s loved ones

"Never po talaga kaming nag-meet, like personally hindi po namin sila kilala kahit sino sa family nila, as in yung kahit nakasalubong or anything po, wala talaga. Kaya nga nagulat po kami talaga and we are so grateful and overwhelmed na gustong ibigay nga po ng family yung eyes," says blind Marian devotee Fatima Soriano (main photo) about her relationship with the family of the late actor AJ Perez (inset).


Dalawang awitin ang inialay ni Fatima Soriano sa memorial mass na idinaos sa huling araw ng burol ng namayapang aktor na si AJ Perez kagabi, April 26, sa Christ the King Chapel sa Greenmeadows Subdivision, Quezon City.

"My Offering" at "Kung Puwede Lang" ang pamagat ng mga awitin na kinanta ni Fatima sa misa, na inihanda ng mga kaklase at kaibigan ni AJ mula sa La Salle Greenhills.

Si Fatima ay isang Marian devotee at bagamat ipinanganak siyang bulag ay umani ng papuri sa publiko dahil sa kanyang talento sa pagkanta at pagpapakita ng lakas ng loob sa gitna ng kanyang kapansanan.

Nang pumanaw si AJ noong April 17 dahil sa isang vehicular accident na nangyari sa Moncada, Tarlac, agad na nagpahayag ang pamilya Perez na balak nilang i-donate ang cornea ng batang aktor kay Fatima.

Pero ayon sa doktor sa mata ni Fatima na si Dr. Mae Singson, hindi posibleng mailipat ang cornea ni AJ sa kanyang pasyente.

Ang problema raw kasi ni Fatima ay ang kanyang mga retina, at tanging ang mga cornea lang ang maaaring i-transplant. (CLICK HERE to read related article.)

"Kailangan kailangan po yata ng eyes ko, according to the doctor po, is retinas. E, corneas po yung dinu-donate.

"Pero ngayon po, meron na pong mapagbibigyan nung corneas [ni AJ]—dalawang tao po yung maooperahan," pahayag ni Fatima nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters pagkatapos ng memorial mass.

WAITING FOR THE RIGHT TIME. Buong-puso naman daw na tinanggap ni Fatima ang sinabi ng kanyang doktor. Hindi rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay makakahanap sila ng paraan para tuluyan na siyang makakita.

"Alam ko po na yun talaga yung plano ni Lord. I know na baka hindi pa ngayon yung time for me po, or hindi pa Niya will, so okay lang," masayang tugon ng tinaguriang "Miracle Kid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng lahat ay hindi naman nagdalawang-isip si Fatima na dumalo nang maimbitahan sa huling-gabing misa para sa Kapamilya actor.

"Kasi kahit hindi po ako napagbigyan, parang just to be considered para sa akin ibigay po [yung cornea], parang ito na rin yung way ko to thank them.

"We took time din para maparating ko din sa kanila na we are praying for them po. Na grateful nga po kami dahil dun sa thought na ibibigay nga po sana sa akin yung eyes niya."

Alam ni Fatima ang labis na kalungkutan na pinagdaraanan ng mga mahal sa buhay ni AJ dahil sa nangyari.

Para sa isang tulad ni Fatima—na sa murang edad pa lamang ay nakaranas na ng maraming pagsubok sa buhay—ay malaki raw ang maitutulong ng pagdarasal at pananalig sa Diyos para manatiling matatag, lalo sa mga pangyayaring ganito.

"There are many things that we really don’t understand and kapag trinay nating intindihin, talagang mahihirapan tayo—pag dinibdib natin ’yang mga ’yan.

"But if we offer them to the Lord po talagang magaan po talaga sa mga puso natin and I’m sure po talaga God’s love never fails kaya he’ll take care of everything po," pahayag ni Fatima.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si AJ ngayong tanghali, April 26, sa Manila Memorial Park sa Parañaque.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN