Kylie Padilla gears up for primetime lead-star debut; offers opinion on her dad’s church wedding pursuit

Kylie Padilla is currently attending a workshop under veteran actress-director Gina Alajar in preparation for her upcoming GMA-7 primetime series, Blusang Itim.


Masuwerte si Kylie Padilla dahil bagamat matatapos na ang Dwarfina ay may proyekto na agad na ipinagkaloob sa kanya ang GMA-7.

At kung sa Dwarfina ay supporting role lang ang papel ni Kylie, sa kanyang upcoming series na Blusang Itim ay gagampanan niya ang lead role na unang pinasikat noong 1986 ni Snooky Serna.

"Sobrang saya!" bulalas ni Kylie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters kahapon, April 25, sa Café Breton sa Tomas Morato, Quezon City.

"Kasi po, yun po talaga yung hinihintay ko—magkaroon ng sariling show ko and masaya naman po ako that GMA trusts me with this project."

Dumaan sa audition process si Kylie at hindi rin naman siya nag-atubili pa na itanong sa management kung bakit siya ang napili over StarStruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati.

"Maybe nagustuhan po nila yung acting... Kasi binigay ko po lahat sa eksena. Masaya ako na nagustuhan nila," ngiti ng anak ng action superstar na si Robin Padilla.

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Kylie kung kailan sila magsisimulang mag-taping para sa Blusang Itim, pero tuloy-tuloy naman ang workshop niya kasama ang ibang cast members sa ilalim ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar.

Hindi naman daw nirekomenda kay Kylie na panoorin ang original film version ng gagawing TV series.

Pero minarapat na rin niya at ng kanyang manager na si Betchay Vidanes na maghanap ng kopya ng pelikula para nga naman magkaroon siya ng malinaw na ideya tungkol sa istorya ng Blusang Itim.

FAMILY OPINION. Masaya siyempre ang pamilya ni Kylie sa nalalapit niyang pagganap bilang bida matapos ang ilang taon ding pagsusumikap sa show business.

"He’s a proud daddy!" paglalarawan ni Kylie sa naging reaksiyon ng kanyang ama.

Pinayuhan naman ang batang aktres ng kanyang ina na si Liezl Sicangco na "galingan" at "huwag kalimutang magdasal" para magpasalamat at humingi ng gabay sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis namang nilinaw ni Kylie na walang selosan sa pagitan nila ng kanyang ate na si Queenie Padilla, na isa ring aktres at napapanood naman sa ABS-CBN.

Kinakantiyawan kasi si Kylie na naunahan pa niya ang kanyang ate na maging bida sa isang show at baka ito ang maging dahilan para makaramdam ng insecurity si Queenie sa kanyang kapatid.

"Wala naman pong ganun," sagot ni Kylie. "We’re both just working and nagkataon na nauna lang ako. Well, hindi naman po sa nauna, and ayokong sabihin na ganun."

Sinabi raw noon ni Queenie sa isang interview na handa siyang makipag-kissing scene kung kinakailangan para sa isang proyekto.

Ganun din kaya si Kylie?

"Siguro po maghahanap ako ng right timing para sa mga kissing scene—hindi pa po ngayon. If I really like yung story ng pelikula or show and kinakailangan, maybe I will," tugon ng dalaga.

Aminado si Kylie na dahil sa relihiyong kinabibilangan ay may mga limitasyon siyang dapat sundin.

Hindi madali ito kung iisipin, lalo pa sa industriyang ginagalawan ni Kylie na kung saan ay kailangan niyang gampanan ang iba’t ibang karakter para masabing epektibong aktres.

Sabi ni Kylie, "Yun nga po yung mahirap when you’re an actress—may mga bagay na hindi nagiging bawal."

ALJUR ABRENICA. Kinumusta naman ng PEP kay Kylie ang nali-link sa kanya na si Aljur Abrenica, na noon ay nagpahayag ng kanyang paghanga sa fellow Kapuso star.

"My best friend!" natatawang sambit ni Kylie.

Talaga nga bang mag-best friend lang sila ng dating Machete lead actor?

"Opo," mabilis na sagot ni Kylie. "Focus po kasi namin yung career namin."

May sinusunod na kaugalian ang ilang Muslim na kung saan ay madalas ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang anak sa miyembro ng kakilalang pamilya.

Nagsabi naman noon ang ama ni Kylie na si Robin na kung siya ang tatanungin ay nais niya na mauwi agad sa kasalan kung sino man ang magiging kasintahan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya dahilan ito para matakot ang isang tagahanga na ituloy ang panliligaw sa kanya?

"Kung gusto po talaga ng lalaki sa akin at seryoso siya, hindi siya matatakot na magpakasal kami," diretsong pahayag ni Kylie.

DEALING WITH INTRIGUES. Hanggang ngayon ay sinasanay pa rin daw ni Kylie ang sarili pagdating sa mga intriga at kung paano ito haharapin.

"Kasi pag lumabas na po yun, papasok na din sa utak ng tao yun, e," katuwiran ng aktres.

Hindi naman daw ugali ni Kylie ang regular na magbasa ng mga write-ups tungkol sa kanya, at kadalasan ay nalalaman na lang niya ang mga isinusulat tungkol sa kanya mula sa ibang tao at kaibigan.

"Minsan po nababalitaan ko na lang, e. Yung mga tao po, ’Ay, totoo ba yung ganito?’ Pero ang sa akin po, basta maging totoo lang ako sa sarili ko—alam ko yung totoo."

Pinapayuhan ba siya ni Robin kung paano sasagutin ang bawat intriga na ibinabato laban sa kanya?

"Hindi ko na kailangan magtanong, alam na niya, e. Bilang tatay, alam niya kung kaya ko o hindi," sabi ni Kylie.

Bilang pangwakas ay sinubukan naming kunin ang opinyon ni Kylie kaugnay sa balak ng kanyang ama na gawin ang lahat ng paraan para matuloy lamang ang church wedding nito sa actress-TV host na si Mariel Rodriguez. (CLICK HERE to read related article.)

"Well, pag-ibig ’yan, e. Hndi natuturuan ang pag-ibig.

"If gusto ni Tita Mariel [ng church wedding] and it will make her happy, bakit hindi? It’s the love naman di ba?

"And alam naman nating lahat na si Papa, totoong Muslim. Para sa pag-ibig, he can do that para kay Tita Mariel," seryosong tugon ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN