Alden Richards distances himself from Louise delos Reyes-Enzo Pineda courtship

Alakdana leading man Alden Richards is excited over the news that the Kapuso management considers promoting his love team with Louise delos Reyes to the primetime slot for their next project.


Dahil sa magandang ipinakita ng GMA-7 afternoon series na Alakdana sa ratings, hindi malayong tumawid sa primetime ang dalawang bida ng nasabing show na sina Alden Richards at Louise delos Reyes.

"Usap-usapan po na ipa-primetime daw po yung loveteam namin ni Louise. We’re looking forward po na sana nga matuloy."

Ito ang masayang pahayag ni Alden nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kahapon, April 27, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

Ang pocket press conference ay ipinatawag ng GMA Artist Center (GMAAC), ang talent arm ng Kapuso network.

Bagamat magwawakas na ang Alakdana sa darating na Mayo, hindi nangangahulugang magbabakasyon ang dalawang young stars. Tuluy-tuloy pa rin ang kanilang engagements habang niluluto ang kasunod nilang proyekto.

Ani Alden, "Ang plano pa po ng GMA sa amin is to engage in more workshops with Direk Joel Lamangan and Ms. Gina Alajar, and then regional shows po around the Philippines.

"Yung mga future projects po, they’re still scheduling pa po yung meeting... Okay naman po kasi yung naging outcome ng Alakdana."

PURSUING SHOWBIZ CAREER. Wala pang isang taon sa showbiz si Alden kaya maging siya ay nagulat sa tagumpay na nakamit ng una niyang acting project.

"Four months pa lang po ako sa show business and marami na pong naging adjustments, like hindi na nahihiya on camera.

"Ngayon po, parang yung mga eksena namin ni Louise, parang nilalaro na lang namin at ine-enjoy.

"Hindi kagaya nung una na parang pressured, since yun nga po, baguhang loveteam lang kami.

"Lalo na po sa akin dahil ang laking risk ang ibinigay ng network dahil wala pa po akong acting experiences before, and sinalang agad ako sa TV. Bida pa po and one of the leading men.

"Feeling po namin ni Louise, very accomplished po kasi na-fulfill po namin yung expectations ng mga tao, ng network, ng mga bosses po namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na hindi sila nagkamali na binigay sa amin yung project dahil maganda po yung naging feedback," paliwanag ng batang aktor.

Sinisikap naman ni Alden na maging masinop sa kinikitang pera para hindi masayang ang kanyang pinaghihirapan.

Maituturing na unang investment niya ang biniling second-hand na kotse na ginagamit niya papunta sa tapings at iba pang work-related commitments.

"Kasi before nung nag-start po yung Alakdana, ang means of transportation ko lang po, commute.

"So, from Laguna po, commute kami. Sasakay kami ng bus, and then MRT papuntang GMA-7, then sasabay po kami sa station van na magpu-pullout sa shoot location," pagbabalik-tanaw ni Alden.

Kasama sa naging desisyon ni Alden nang pasukin nito ang showbiz ay ang pansamantalang pagtigil sa pag-aaral.

Business Administration ang kurso ng baguhang aktor sa De La Salle Canlubang sa Laguna.

Wala ba siyang balak na bumalik sa college ngayong darating pasukan?

"Balak ko po kasi muna, since kumikita naman po ako kahit papaano, gusto ko po munang pag-aralin yung younger sister ko.

"Ako po muna yung magpapaaral sa kanya throughout college. Yung sa akin naman po, puwedeng maghintay," tugon ni Alden.

Hindi naman tumatayong breadwinner ng pamilya si Alden, pero gusto lang daw niyang makatulong sa kanyang ama since maganda naman ang kita sa showbiz.

"Then, kapag napagtapos ko na po yung kapatid ko, ang next course na ipu-pursue ko is aeronautics."

GIVING WAY TO ENZO. May lumabas noon na artikulo dito sa PEP kung saan ay ipinarating ni Alden ang kanyang intensiyon na ligawan si Louise sa oras na tumungtong ito sa edad na 18. (CLICK HERE to read related article.)

Pero kahapon, sa panayam ng press kay Alden, tila nagbago na ang isip nito at pinapaubaya na ang kapareha sa nababalitang masugid na manliligaw nito na si Enzo Pineda. (CLICK HERE to read related article.)

"Wala naman pong hindi magugustuhan kay Louise," sambit ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po sa hindi ko siya gusto, siguro na-late lang po ako siguro.

"Ayoko naman po makialam kasi parang dun naman po masaya si Louise kay Enzo.

"Siguro kasi mas okay po yung relasyon namin as loveteam and friends, kesa kung liligawan ko man po siya, parang magkakaroon ng ilangan and hindi na po kami magiging comfortable—parang magkakaroon na ng wall."

Inamin naman ni Alden na ang kasalukuyan niyang crush ay ang fellow Kapuso star na si Bela Padilla, na na-meet niya habang ginagawa ang station ID ng istasyong kinabibilangan.

"Hindi ko naman po sinabi kay Bela [na crush ko siya]," sabi ni Alden.

Ano naman ang mga katangian ni Bela na nagustuhan niya?

"Kasi maganda po si Bela," bulalas ni Alden.

"Ang ganda ng facial features niya, may height, ’tsaka magaling mag-acting."

Sa kabila ng kanyang pagiging vocal pagdating sa kanyang paghanga kay Bela, wala namang balak si Alden na ligawan sa ngayon ang dalaga o pumasok sa isang relasyon.

"Focus po muna ako sa career," ngiti ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN