Aaron Villaflor recalls talking with AJ Perez about "enjoying life" and "being teen"

"AJ, if you’re listening now, we’ll pray for you, Bro. And I’m sure you’re happy now...in good hands of Father God," was Aaron Villaflor’s farewell message to his dear friend, AJ Perez.


Ang miyembro ng Gigger Boys na si Aaron Villaflor ay lubos na nagdalamhati sa pagkamatay ng kasamahan niya sa grupo na si AJ Perez—o ni Antonello Joseph Sarte Perez, sa totoong buhay.

Teary-eyed si Aaron nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong hatinggabi ng April 26—ang araw ng libing ni AJ.

"Yung pinag-uusapan namin, pag magkakasama kami... Sabi nga, ’Enjoy your life, your being teen and...’ Yun yung grupo namin, e."

Hindi lang bilang kapwa miyembro ng Gigger Boys ang turingan nila kundi bilang magkakaibigan, o higit pa, parang totoong magkakapatid.

"Close din po kami," sabi ni Aaron. "Nagkakausap din kami. Masayahin ’yan [AJ], e."

Isa pa ring patunay sa naging magandang pakikisama ng young actor noong nabubuhay pa ito.

"Opo," tugon ni Aaron.

"Happy kami. Maganda yung...wala siyang iniwan na hindi maganda. So, happy kami."

PLANS FOR GIGGER BOYS. Sa pagpanaw ni AJ, ano ang plano para sa Gigger Boys?

"We’ll work as one pa rin, yeah. Yun naman yung hindi mawawala sa amin, e. Lalo na pag kaibigan," sabi ni Aaron.

Mayroong bagong tatag na teen dance group sa ABS-CBN, ang A-Pop.

"Yung A-Pop ngayon, sabi nga namin, ’Why don’t we be as one na lang? Gigger Boys and A-Pop. Tutal, magkakasama tayo sa dressing room, sa show,’ gano’n.

"We’re planning na rin, e...sa kasamaang -alad, nawala si AJ," banggit pa ni Aaron.

At this point, nahihikbi pero nagpipigil ang young actor, at hindi naman siya nag-breakdown.

ENCHONG DEE. Ang isang pinanghihinayangan ni Aaron nang gabing ’yon ay ang hindi posibleng pagdating sa huling lamay ng dating kapwa Gigger Boy member na si Enchong Dee.

"Si Enchong nga, sayang, hindi niya makikita. Nasa U.S. pa po siya," saad ni Aaron.

Bahagi ng Star Magic U.S. Tour si Enchong at kinabukasan pa ang dating nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga handlers po yata [nag-send siya ng condolence]," banggit niya.

FAREWELL MESSAGE. Hiniling din ng PEP ang farewell message ni Aaron para kay AJ na ilang oras na lang noon ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park, in Parañaque City.

"Yeah. AJ, if you’re listening now, we’ll pray for you, Bro.

"And I’m sure you’re happy now...in good hands of Father God.

"At, yeah, ipagdasal mo din kami, na kasama mo. Kasi ikaw, diyan ka na, kasama mo na Siya.

"Kami, hihingin din namin yung dasal mo sa Kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN