(UPDATED) Angel Locsin admits Phil Younghusband followed her to Hong Kong

"May mga lumabas na picture. Pero parang ayaw ko nang magkuwento pa," says Angel Locsin about recent reports that she and Phil Younghusband went on a short vacation in Hong Kong last Holy Week.


Iniwasang kumpirmahan o itanggi ni Angel Locsin ang napabalitang maiksing bakasyon nila ng rumored suitor niyang si Phil Younghusband sa ibang bansa kamakailan.

Ayon sa mga lumabas na posts sa iba’t ibang blogs—na may kasama ring ilang mga larawan—magkasama umano sina Angel at Phil noong nakaraang Holy Week sa Hong Kong.

Kasama din umano nila sa bakasyon ang matalik na kaibigan ni Angel na si Bubbles Paraiso.

Subalit napangiti lamang si Angel nang tanungin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News noong Huwebes ng gabi, April 28, matapos ang "Big, Bold, Beautiful Party" para sa 125th anniversary ng Avon sa Republiq, Resorts World Manila, Pasay City.

"May mga lumabas na picture. Pero parang ayaw ko nang magkuwento pa," maiksing tugon ni Angel.

Sa hiwalay na interview ay inamin ni Angel na sumunod nga si Phil sa kanya sa Hong Kong.

"Yeah, he followed. Birthday ko," sabi ng aktres, na nagdiwang ng kanyang 26th birthday noong April 23.

Pero kumusta na nga ba ang puso ni Angel? Matagal-tagal na rin nang huling mapabalitang in love ang dalagang aktres.

"Okay naman. Si Angel ngayon, tired, pero happy and thankful," sabi ng aktres.

Nang usisain naman ng ABS-CBN News reporter na si Ginger Conejero kung sino ang nagpapatibok ngayon ng puso ni Angel, muli siyang tumawa at sinabing: "Huwag mo nang tanungin ’yon!"

Matatandaan na noong Pebrero ay hayagang tinanong ni Phil ang Imortal actress sa micblogging site na Twitter kung libre si Angel sa Valentine’s Day. (CLICK HERE to read related article.)

Pagkatapos nito, may mga naulat naman na ilang beses na silang nag-date.

Sa katunayan, nakita pa silang dalawa ng PEP sa isang restaurant sa Serendra, The Fort, Taguig, kamakailan.

IMORTAL ENDS TONIGHT. Samantala, naging pagkakataon din para kay Angel ang panayam na ito upang pasalamatan ang lahat ng mga manonood na sumuporta sa kanyang teleserye na kasama si John Lloyd Cruz, Imortal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatapos na ito ngayong gabi, April 29.

Para sa Kapamilya actress, ang proyektong ito ay isa sa mga hindi niya malilimutan.

Aniya, "Talagang ’yon ang ite-treasure ko forever. Plus, ’yong mga sumuporta talaga sa Imortal, ’yong mga nag-tweet sa akin every day tungkol sa Imortal—kung paano nila pinapanood, kung sino ang kasama nila, kung saan sila naapektuhan—mami-miss ko talaga ’yon.

"Maraming-maraming salamat po at naging parte kayo ng Imortal."

Mami-miss din umano ni Angel ang mga relasyong nabuo niya sa mga kasamahan niya sa trabaho.

"Iba kasi ang bonding namin doon, e," sabi niya.

"Kasi nga, walang hassle kahit sobrang hirap na ng ginagawa namin, pero nagagawa talaga naming magtawanan.

"Especially ’yong magkaroon ka ng chance na makatrabaho si John Lloyd na napakagaling, at mga direktor namin na si Chito Roño and Jerry Sineneng."

Sa ngayon, nakatuon naman ang kanyang oras sa ginagawa niyang pelikula kasama sina Aga Muhlach at Jake Cuenca, ang In the Name of Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN