Child actor Bugoy Cariño recalls how it was working with AJ Perez in Maalaala Mo Kaya

Bugoy Cariño worked with the late AJ Perez in an episode of the drama anthology Maalaala Mo Kaya, which became the last appearance of AJ on television. The said episode will be shown tonight, April 3o, on ABS-CBN.

During AJ’s funeral at the Manila Memorial Park last April 26, Gerry Perez, the young actor’s dad, comforted Bugoy.


Pauwi na ang child actor na si Bugoy Cariño sa tinitirhang tahanan sa Gen. Mariano Alvarez (o GMA), sa Cavite, nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, kagabi, April 29, around 7:30 p.m.

Nakausap namin si Bugoy through the courtesy of his personal assistant, si Chris, ng road manager na si Lorraine, at ng associate producer ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na si Nina.

Ang mga numero nila sa telepono ay ibinigay sa amin ni Direktor Dado Lumibao ng ABS-CBN.

Kinokontak ng PEP ang mga numerong nai-text ni Direk Dado, mula pa noong makalipas ang hatinggabi ng April 29, dahil nais naming mahingan ng pahayag ang child actor na si Bugoy.

Nakatrabaho niya ang yumaong young actor na si AJ Perez.

Ang episode ng MMK na pinagsamahan nina AJ at Bugoy ang tampok sa isasahimpapawid na programa ngayong Sabado, April 30.

Mula ito sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Dado Lumibao.

Ang episode na ito ng MMK ang huling pagganap ni AJ bago siya binawian ng buhay.

Apparently, masyadong abala ang mga kinauukulan kaya nakarating sa PEP ang abiso na maaaring makausap ang batang aktor noong early evening na lamang ng April 29.

THE PEP INTERVIEW. Narito ang interview ng PEP kay Bugoy Cariño, na bagamat maikli at hindi nagpapakita ng matinding emosyon ay hindi nangangahulugan na di apektado si Bugoy. Sapagkat sa burol ni AJ, sa sobrang iyak nito, si Mr. Gerry Perez pa ang nagpatahan dito:

Kumusta ka na, Bugoy?

"Okey. Masaya po."

Ano ang tawag mo kay AJ noong nabubuhay pa siya at nagkatrabaho kayo?

"Kuya po."

Ano ang naging reaksiyon mo nang mabalitaan mong namatay na si "Kuya" AJ? Nagpunta ka ba sa burol niya?

"Nagulat po ako... Opo, pumunta po ako."

Bago siya namatay, ano ang hindi mo makakalimutang sinabi niya sa iyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya sa akin, manonood kami ng Justin Bieber... pero hindi na po matutuloy..."

(Ang tinutukoy ni Bugoy ay ang Justin Bieber concert na gaganapin sa May 10 sa SM Mall of Asia Concert Grounds.)

Ano ang masasabi mo tungkol kay "Kuya" AJ bilang katrabaho?

"Mabait po siya..."

May in-advice ba siya sa iyo noon habang nagti-tape kayo ng MMK?

"Magpakabait daw po ako."

Ano ang nasabi niya sa iyo sa taping?

"Sabi niya, galingan ko..."

Nahirapan ka ba sa mga eksena ninyo na naglalakad sa kalsada at madungis?

"Hindi naman po..."

Papel ng naulilang magkapatid ang ginampanan nina AJ at Bugoy sa MMK episode.

As for Bugoy Cariño, ito raw ang pangalawa niyang pagganap sa isang mahalagang papel sa MMK, isa sa mga top-rating shows ng ABS-CBN.

Kapwa talent ng Star Magic sina Bugoy at AJ Perez.

May younger brother din si AJ, si Angello "Gello" Sarte Perez, who’s turning 13 in May.

Si Bugoy ay bunso sa apat na magkakapatid; a second grader at the Shekaina Learning School.

He is eight years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN